2 TIMBOG SA NBI SA INVESTMENT SCAM

ARESTADO sa mga ahente ng National Bureau of Investigation-Special Task Force (NBI-STF) ang dalawang indibidwal na sangkot umano sa online investment scam, sa entrapment operation sa Lipa City, Batangas.

Kinilala ni NBI OIC Director Eric Distor ang mga suspek na sina Yron Recodo at Katrina Oloteo, kapwa taga-Hacienda Nirvana na ino-operate ng Arcadia Prime Development Corporation, na ang opisina ay nasa RDC Plaza, Ayala Highway, Barangay Balintawak, Lipa, Batangas.

Ayon kay Distor, isa sa mga mino-monitor at under cyber surveillance ang Nirvana.

Noong Marso 31, pinuntahan ng NBI-STF agents at poseur clients ang tanggapan ng Arcadia at matapos ang orientation ay napatunayan na nag-aalok ng investment ang Arcadia.

Inaresto ng mga awtoridad ang dalawa matapos na tanggapin ang tseke na nagkakahalaga ng P300,000 at P500,000 na nakapangalan sa Arcadia. (RENE CRISOSTOMO)

141

Related posts

Leave a Comment