2 TULAK ARESTADO SA P2.4-M MARIJUANA

INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brigadier General Danilo P. Macerin ang pagkakahuli sa dalawang drug suspect sa buy-bust operation na nagresulta sa pagkakasabat sa 20 kilo ng marijuana na tinatayang P2,400,000 ang halaga sa Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City noong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ni P/BGen. Macerin ang mga suspek na sina Daryl Collera, 24-anyos, at Murray Comot, 29-anyos.

Ang dalawa ay nadakip ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Novaliches Police Station (PS 4), sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Richard Ang, sa buy-bust operation dakong alas-3:45 ng madaling-araw noong Disyembre 7 sa Quirino Hi-way. Brgy. Bagbag, Novaliches.

Ayon sa report, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek kaya agad isinailalim sa surveillance operation.

Pagkaraan ay mabilis na ikinasa ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek at nakumpiska ang nabanggit na halaga ng marijuana at isang pulang Red Mica Toyota Inoova na may pkakang DAK 2044.

Samantala, napag-alaman na si Collera ay may dating kasong rape noong 2015. (JOEL O. AMONGO)

132

Related posts

Leave a Comment