20 milyon Pinoy lang ang sagot ng gobyerno COVID-19 VACCINE ‘DI LIBRE SA LAHAT

DALAWAMPUNG milyon sa 110 milyong Filipino lamang ang libreng pababakunahan ng gobyerno kapag nagkaroon na ng bakuna sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ito ang pahayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje sa pagdinig ng House committee on appropriation sa P203.1 billion pondo ng ahensya sa 2021.

“Hindi ho natin babakunahan lahat. Ang una pong isinalang-alang natin, pati yung mapo-produce na vaccine next year cannot be able to cover the global demands,” ani Cabotaje sa pagtatanong ni Quirino Rep. Junie Cua.

Ayon sa opisyal, P12. 9 billion ang kailangan para mabakunahan ang may 20 milyong Filipino subalit P2.5 billion lamang ang inilalaan ng mga ito na pondo dahil may pag-uusap na umano na ang natitirang halaga ay uutangin sa Land Bank of the Philippines.

Kabilang sa mababakuhan umano nang libre ang mahihirap na matatanda, medical health workers at barangay health workers kaya ang karagdagang bakuna na kailangan ay popondohan na umano ng pribadong sektor.

Subalit ayon sa mga ulat, kasama sa mga nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na unang mabakunahan ay ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Indikasyon ito na bukod sa mga nabanggit ay magbabayad na ng sarili ang mga tao para magkaroon ng proteksyon sa COVID-19 na patuloy na nanalasa sa buong mundo sa kasalukuyan.
Wala pang ibinibigay na petsa ang DOH kung kailan magkakaroon ng bakuna dahil sa Oktubre pa lamang umano magkakaroon ng clinical trial sa Pilipinas.

Maging sa magiging presyo ng bakuna ay wala pang ideya ang ahensyang pinamumunuan ni Secretary Francisco Duque III. (BERNARD TAGUINOD)

172

Related posts

Leave a Comment