2,000 STAFF, VOLUNTEERS NG RED CROSS READY NA

redcross12

(NI KEVIN COLLANTES)

TINIYAK ng Philippine Red Cross (PRC) na handang-handa na rin sila na magkaloob ng kaukulang tulong sakaling magkaroon ng mga emergency sa pagdaraos ng midterm elections sa bansa sa Lunes, Mayo 13.

Katuwang ang Commission on Elections (Comelec), nabatid na magtatayo ang PRC ng may 310 first aid stations at 158 welfare desks, at magpapakalat ng may 150 ambulansiya at 42 emergency vehicles sa mga istratehikong mga lugar.

May 2,000 staff at volunteers din aniya silang nakaantabay sa buong bansa upang tumulong sa mga taong mangangailangan nito.

Ayon kay PRC Chair at CEO, Senador Richard Gordon, nais nilang matiyak na bawat mamamayan ay ligtas habang bumuboto ng mga kandidatong sa tingin nila ay karapat-dapat na iluklok sa posisyon.

“We want to make sure that each and every citizen of the Philippines is safe and sound while exercising his/her right to vote. To secure their well-being, we will put up first aid stations, welfare desks, emergency vehicles and mobile units (roving teams) in schools and local chapters duty during the election day.  In PRC our mantra is volunteers + logistics + information technology = always first, always ready, always there. PRC is committed in providing services for the interest of mankind,” ani Gordon.

Anang PRC, sakali umanong magkaroon ng emergency o anumang hindi inaasahang pangyayari ay maaring kumontak sa kanilang 24/7 Operations Center, sa pamamagitan nang pag-dial sa 143 o 790-23-00 para sa kaukulang assistance.

402

Related posts

Leave a Comment