(By JONATHAN ANG) Kumbaga sa kulay ay napakatingkad. Kumbaga sa prutas ay sobrang makatas. Yan ang linyahan ng sagot ni Miss World Philippines 2017 cum Miss Universe Philippines 2018 na si Catriona Gray nang mag-guest ito sa Tonight With Boy Abunda (TWBA)! Kagabi lang umere ang naturang episode sa Kapamilya Network. Kung ang super-tough line of questioning na nangangailangan ng high-level thinking skills ay ibabato sa kung sino lang na kandidatang pam-beaucon, malamang sa alamang na mangangamote o magpa-panic mode at mapapasambit na lang ng “Juice colored! Ang hirap namang…
Read MoreMonth: November 2018
BUDGET SECRETARY GIGISAHIN SA QUESTION HOUR NG KAMARA
Ni ABBY MENDOZA Nakatakdang ipatawag ng House of Representatives at gisahin sa Question Hour si Budget Secretary Benjamin Diokno kaugnay sa mga alokasyon sa ilalim ng P3.757T national budget para sa susunud na taon. Ang pagkuwestiyon kay Diokno ay salig sa inihaing House Resolution 2307 na humihiling na masagot ni Diokno ang mga isyung lumutang kaugnay sa 2019 budget partikular ang sinasabing insertion o pagsingit ng alokasyon para sa ibat ibang tanggapan ng gobyerno. Ang 2019 budget ay tinuturing na election budget dahil na rin sa idaraos na midterm election.…
Read MoreAUTOMATIC CIVIL SERVICE ELIGIBILITY ISINULONG NG ISANG PARTYLIST GROUP BILANG SAGOT SA ENDO
(Ni ABBY MENDOZA) May isang milyong manggagawa mula sa gobyerno at pribadong sektor ang makikinabang sakaling maisabatas ang House Bill 8620 o ang Automatic Civil Service Eligibility Act. Layon ng House Bill 8629 na inihain nina Kabayan Partylist Reps Ron Salo at Paul Hernandez na gawing eligible at regular sa trabaho ang mga nagsilbi sa loob ng 3 magkakasunod na taon sa gobyerno at mga manggagawang contractual, casual at job order na 5 taon nang nagtrabaho. Sa kasalukuyang sistema ay nagiging regular ang isang empleyado ng pamahalaan o nabibigyan ng…
Read MoreUP FIGHTING MAROONS BUHAY PA!
Buhay pa ang tsansa ng University of the Philippines na makapasok sa finals, matapos maipuwersa ang knockout match nang itakbo ang pahirapang 73-71 win kontra pinapaborang Adamson University sa UAAP Season 81 semis sa Mall of Asia kahapon. Mula sa tablahang 71-71 count sa segundo ng laro, masuwerteng naipasa ni Juan Gomez de Liano ang bola sa libreng si Bright Akhuetie sa ilalim at swak ang two-pointer para itakbo ang panalo, 2.6 seconds sa laro. Bunga ng panalo, muling maghaharap ang dalawang koponan para sa do-or-die match sa Miyerkules sa…
Read MoreAMO NAKIKIUSAP NG TULONG PARA SA MINALTRATONG ASO
MINGLANILLA, Cebu –Humihingi ng tulong ang isang babae dahil sa ginawang pagmaltrato sa kanyang alagang aso. Sa Facebook post ni Medy Deiparine, ipinakita niya ang kondisyon ng kanyang aso nang matagpuan niya sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Lipata. Ayon kay Medy, duguan at nanghihina na ang tutang si Bati Og Nawong nang kanyang nakita. May mga sugat umano ito sa ulo na hinihinalang bunga nang pagkakapukpok ng isang matigas na bagay. Hindi agad nalapatan ng paunang lunas ang aso dahil walang pera ang pamilya para sa pagpapagamot sa…
Read MoreBINATA NAGBIGTI SA SOBRANG DEPRESYON
(Ni CHE ALMADIN) Dahil sa hindi nakayang depresyon, isang binatilyo ang nagpakamatay sa Lungsod ng Valenzuela kahapon ng umaga. Sa ulat ng Valenzuela City Police Community Precint VIII, ganap umanong alas 7:30 ng umaga nang matagpuan ng mismo niyang ina na si Rosalina Francisco ang wala nang buhay na si Renz Paolo Francisco, 19 anyos, binata, walang hanapbuhay at residente ng Liwanag Compound F. Bautista Street, Barangay Ugong ng nasabing lungsod. Paupo itong nakabigti sa nylon cord habang nasa wooden beam ang kabilang dulo ng nylon cord. Agad ipinagbigay alam…
Read MoreCURRY LIGTAS SA AKSIDENTE
Ipinaabot ni Stephen Curry ng Golden State sa pamamagitan ng social media na maayos ang kanyang kalagayan at walang dapat ipangamba ang mga fans dahil hindi siya pinabayaan ng Diyos. Ito’y matapos masangkot sa multiple-car collision ang NBA superstar. “Don’t need any reminders but All the Time God is Great and God is Great all the time! Appreciate all the texts,” lahad ni Curry sa kanyang twitter account. Biyernes ng umaga nang maaksidente ang sinasakyang kotse ni Curry habang papunta sa Warriors shootaround. Pero sa kabila ng damage sa kanyang…
Read More87 CHINESE AT 16 PINOY NA INARESTO SA ONLINE ILLEGAL GAMBLING ISINAILALIM SA INQUEST PROCEEDINGS
(Istorya nina KEVIN COLLANTES AT LHEAN ANGELES) Isinailalim na sa inquest proceedings ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang may 87 Chinese at 16 Pinoy, na sangkot umano sa online illegal gambling at naaresto sa isinagawang pagsalakay sa isang gusali sa Barangay Ugong, Pasig City nitong Huwebes (Nobyembre 22, 2018) ng hapon. Ayon kay NCRPO chief, P/Director Guillermo Lorenzo Eleazar, mga kasong paglabag sa Section 6 ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, in relation to Presidential Decree 1602 as amended by RA 9287 (Illegal Gambling)…
Read MoreFOLAYANG CHAMP ULIT; VERA WAGI NG KO
TINANGHAL na two-time ONE world lightweight champion si Edward Folayang makaraang talunin si Singaporean Amir Khan sa kanilang ONE: Conquest of Champions card noong Biyernes sa Mall of Asia Arena. Umiskor ang 35-anyos na si Folayang ng unanimous decision matapos bugbugin si Khan. Si Folayang din ang ikaapat na world champion ng Team Lakay ngayong taon, ang iba pa ay sina Geje Eustaquio, Joshua Pacio at Kevin Belingon. Halos all-around performance ang ipinamalas ni Folayang mula round 1 hanggang five sa pamamagitan ng mahusay na paggamit ng tuhod, siko, binti…
Read More