BINATILYO, AGAW BUHAY SA PANANAKSAK

(Ni CHE ALMADIN) Nakikipaglaban sa kasalukuyan kay Kamatayan ang isang 18 anyos na binatilyo matapos na walang habas na saksakin ng isang lalaking nadaanan lang nila sa paglalakad sa Lungsod ng Caloocan kahapon ng madaling araw. Sa ulat ng Caloocan City Police, ganap umanong alas 5:00 pasado ng madaling araw nang ma-ganap ang insidente sa kahabaan ng Samson Road, Barangay 80 ng nasabing lungsod. Kasalukuyan umano noong naglalakad ang biktimang si John Rey Reyes, 18 anyos, grade 7, estudyante ng Alternative Learning System (ALS) at residente ng PNR Compound, Samson…

Read More

NAHIRAPANG HUMINGA HANGGANG MAMATAY SA SELDA

(Ni SAMANTA MENDOZA) Namatay ang isang bilanggo matapos mahirapan itong huminga at may lumabas na dugo sa bib-ig kahapon ng madaling araw sa selda ng Manila Police Station 1 sa Tondo, Maynila. Idineklarang dead on arrival sa Tondo Medical Center ang  biktimang si Crisanto Pineda, 37 anyos , ng Herbosa St., Tondo. Una umanong  naaresto ang biktima noong Nobyembre 10 dahil sa iligal na droga , at napag-alaman sa kasamahang inmate na si Victor Samson na nakita nito ang biktima ng bandang 12: 45 ng madaling araw na nahihirapan huminga…

Read More

2018 BAR EXAMS, GENERALLY PEACEFUL—MPD

(Ni SAMANTHA MENDOZA) Pangkalahatang mapayapa sa ang idinaos na apat na linggo 2018 Bar Examination sa University of Sto. Tomas (UST),Sampaloc, Maynila. Ito ang Inihayag ni  Manila Police District – Police Station (PS-4) spokesperson P/Senior Inspector Philipp Ines, kahapon sa huling Linggo ng naturang pagsusulit. “Ngayon masasabi natin na peaceful ngayong umaga. Yung ating first, second and third Sunday ay naging okay din naman, naging generally peaceful,” ayon kay  Ines. Nalaman na nagpatupad naman ng mas mahigpit na seguridad angpulisya sa huling Linggo  ng pagsusulit partikular na dahil sa dumoble …

Read More

DAGDAG PUWERSA SA PROBINSIYA SUPORTADO NI LACSON.

(Ni NOEL ABUEL) Walang nakikitang masama si Senador Panfilo Lacson sa desisyon ni Pangulong Ro-drigo Duterte na magpadala ng dagdag na puwersa sa  Region 6 at Bicol region. Ayon kay Lacson, naayon sa 1987 Constitution na may karapatan ang pangulo ng bansa bilang commander-in-chief, na pakilusin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mapigilan ang anumang nangyayaring kaguluhan sa bansa. “Kapag may nakita talagang dahilan, pwede siyang mag-susped ng writ of habeas corpus at pwede rin siyang magdeklara ng martial law,” pahayag ni Lacson sa interview ng himpilang dzBb.…

Read More

23 SUNDALO SUMABAK SA SULU CLASH ITINAAS NG RANGGO

(Ni SAMANTHA MENDOZA) Binigyan ng pagkilala ni  Pangulong RodrigoDuterte  ang 23 sundalong nasaktan sa naganap na sagupaan sa pagitan ng mga miyembro ng Abu Sayaff Group sa Sulu sa pamamagitan na rin ng pagtaas ng  ranggo ng mga ito. Nabatid na binigyan ni Duterte ng Order of Lapu-Lapu with the rank of Kampilan ang 23 sundalo bilang pagkilala sa kanilang katapangan at serbisyo sa pagbisita ng Pangulong Duterte sa Camp Navarro General Hospital noong Sabado. Bukod dito, pinagkalooban rin ng  gun certificates at  financial assistance ang mga sundalo. Nalaman na…

Read More

SA RP-CHINA OIL EXPLORATION AGREEMENT, TIWALA LANG- RECTO

(Ni NOEL ABUEL) Kumpiyansa si Senador Ralph Recto na hindi madedehado ang Pilipinas sapinasok na oil exploration agreement sa pamahalan ng China. Ayon sa senador, dapat na magtiwala ang lahat kina acting Chief Justice Antonio Car-pio at dating Deparment of ForeignAffairs (DFA) Sec. Alberto del Rosario na hind ipamimigay ang interes ng bansa sa ibang bansa. “The seal of a good agreement from the two eminent experts bodes well for the eventu-al forging of a constitutionally-compliant venture that is economically benefit to us,”ayon sa senador . Dagdag pa ng Senador…

Read More

 “MY DESTINY IS DIFFERENT” – AHTISA MANALO

(By ROMMEL GONZALES) Bago ihayag ang winner ay marami ang naniniwala na si Ahtisa Manalo ng Pilipinas ang deserving na magwaging Miss International 2018. Pero ang nanalo ay ang kandidata ng Venezuela na si Mariem Velazco. Kahit napakaganda at mahusay ang sagot sa interview ay first runner-up lamang si Ahtisa. Nagkataong birthday ni Miss Venezuela noong gabi ng pageant last November 9. Kaya biro kay Ahtisa, kung nagkataong birthday niya noong gabi ng pageant ay baka siya ang nagwagi. “It’s her destiny!” ang natatawang sagot ni Ahtisa “Maybe that will…

Read More

ATENEO DINUROG ANG FEU

DINUROG ng Ateneo ang Far Eastern University, 80-61 at umabante sa finals ng UAAP Season 81 men’s basketball competition kahapon sa Araneta Coliseum. Nagparamdam ang top seed Blue Eagles ng pagnanais na makausad sa finals, nang humugot agad ng walong sunod na puntos sa umpisa ng laro, kasama ang pampaganang magkasunod na dunks ni Thirdy Ravena. Dahilan para agad ring mag-time-out si Tamaraws coach Olsen Racela. Nagsara ang first half na may 14-point lead, 38-24. Inasahan ng marami na makakapag-adjust ng play ang FEU. Pero, sa kaagahan ng third period,…

Read More

PHL TEAM SA SEMIS: AZKALS, INDONS 0-0

SISIPA ang Philippine Azkals sa semifinal ng AFF Suzuki Cup. Ito’y makaraan ang goalless draw kontra Indonesia, Linggo ng gabi sa Gelora Bung Karno Stadium sa Jakarta. Dahil tinalo ng Thailand ang Singapore, 3-0 sa kasabay na laro, naumentuhan nito ang Azkals na tumapos sa group stage sa second spot na may eight points. Bunga nito, talsik ang Singapore (6 points), habang nanguna sa grupo ang Thailand na may 10 points. Makakasagupa ng Azkals ang Group A winner Vietnam sa Disyembre 2 sa Panaad Stadium sa Bacolod. Naging mapisikal ang…

Read More