ITATAYONG CELLSITE TOWER ‘DI DAPAT IPASA SA CONSUMERS ANG GASTOS

cellsite12

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI dapat maging dahilan ng dagdag na gastos ng mga subscribers ng mga Telecommunication Companies (Telcos) ang mga itatayong cell sites tower na gagamitin ng mga nasabing kumpanya bilang common tower. Ito ang ipinaalala ni House committee on information and communication technology chair Victor Yap sa Department of Information and Communication Technology (DICT). “Ito po yung gusto nating ma-arrive at, to have a policy and the support of a legislative on the DICT kung saan tayo pupunta. In doing so, we should not come up with a policy…

Read More

TURISTA, BAKASYUNISTA DAGSA NA SA PANTALAN

ports12

(Ni FRANCIS SORIANO) HINDI pa man opisyal na nagsisimula ang Mahal na Araw ay nakapagtala ng mas maraming byahero na dumagsa sa mga pantalan, Martes ng hapon. Ayon kay spokesperson Capt. Armand Balilo ng Philippine Coast Guard (PCG), layunin ng pamunuan na matiyak ang mahigpit na seguridad at kaligtasan sa mga pantalan at maging sa mga dalampasigan ng bansa sa ganitong panahon. Bunsod nito ay muling nagpaalala ang PCG,  sa mga byahero at mga sasakyang pandagat na sumunod sa alituntunin para maiwasan magkaroon ng sakuna o trahedya. Dagdag nito, inaasahan…

Read More

TIWALI, WAWALISIN SA BAGONG PAMUNUAN NG BJMP

bjmp123

(NI JEDI PIA REYES) TINIYAK ng bagong pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang paglilinis ng hanay nito sa harap ng mga ulat na may ilang jail officers ang nasasangkot sa mga ilegal na aktibidad. Tinukoy ni BJMP officer-in-charge Chief Superintendent Allan Iral ang tinawag nitong 4G management strategy: Guard the Gate, Guard the Badge, Guard the Purse at Guard the Life. Sa ilalim aniya ng Guard the Badge, sisibakin ang mga tauhan ng BJMP na masasangkot sa iregularidad tulad ng illegal drug trade. “‘Yan ang isa…

Read More

2019 NAT’L BUDGET POSIBLE NANG LAGDAAN NGAYONG BUWAN

(NI BETH JULIAN) ASAHAN nang malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 national budget bago sumapit ang Semana Santa. Sa loob ng linggong ito o sa susunod na linggo ng Semana Santa ay tiyak nang mapipirmahan ng Pangulo ang nasabing budget dahil kasalukuyan na itong isinasapinal. Kasabay nito, sinabi rin ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na inihahanda na rin ng Pangulo ang paglalabas sa veto message ng budget at tiniyak na hindi hahayaan na mag-lapse into law ang pambansang budget nang hindi nito inaaksyunan. Samantala, isa sa nakikita ni Nograles…

Read More

‘TAUMBAYAN ANG MAGDEDEPENSA SA PINAS’

china rally12

(NI BERNARD TAGUINOD) TULAD ng mga ninuno na nagdepensa sa Pilipinas noong panahon ng giyera, walang ibang magtatanggol sa ating soberenya laban sa China, kundi ang sambayang Filipino. Ginawa ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano ang nasabing pahayag sa gitna ng protesta ng iba’t ibang grupo sa Chinese consulate office sa Makati City habang ginugunita ang Araw ng Kagitingan upang iprotesta ang pakikiaalam at pananakop umano ng China sa ating teritoryo sa West Philippine Sea. Martes ng umaga ay sumugod sa Chinese consulate office ang mga militanteng mambabatas para ipaalam…

Read More

ABSENTEE VOTING UMPISA NA SA SABADO

absentee voting12

(NI BERNARD TAGUINOD) SISIMULAN na Sabado, Abril 13, ang pagboto ng mga Filipino na nagtatrabaho at nakatira sa iba’t ibang panig ng mundo. Dahil dito, nagpapaalala ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa may 1.8 milyong overseas Filipino workers (OFWs) na nagparehistro upang makaboto ngayong midterm election, na samantalahin ang pagkakataon para makasali sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa. Karamihan o mayorya sa mga rehistradong absentee voters ay nakabase sa Gitnang Silangan. “OFWs are given the chance to vote through the absentee voting, and it is a known…

Read More

KANDIDATONG NANAPAK NG ELECTION OFFICER, ‘DI IDI-DISQUALIFY

comelec

(Ni FRANCIS SORIANO) TALI ang mga kamay ng pamunuan ng Commission on Election (Comelec) para i-disqualify sa pagtakbo si Marty Torralba bilang board member ng lalawigan ng Tarlac matapos nitong sapakin si Teddy Mariano, election officer habang binabaklas ang iligal na campaign poster nito. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez,  kailangan muna ng desisyon mula sa korte bago patawan ng disqualification ang akusadong kandidato kaya hindi sapat na dahilan ang pananapak ni Torralba sa isang election officer para ma-disqualify agad ito sa pagtakbo. Dahil dito, patung-patong namang kaso ang posibleng…

Read More

DUTERTE MAY ILL-GOTTEN WEALTH? KASUHAN N’YO! — PANELO

dutertechildren12

HINAMON ng Malacanang ang mga kritiko na magsampa ng kaso kung sa paniwala nila ay mayroong tagong-yaman si Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito. Ito ang tugon ni Presidential spokesperson Salvador Panelo kay dating chief justice Maria Lourdes Sereno na nagsabing kailangang magpaliwanag si Duterte sa laki ng itinaas na kita ng pamilya sa halip na sumagot na walang pakialam ang sambayanan sa isyu. Sinabi ni Panelo na kung sa paniwala ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) at ni Sereno na may mga ill-gotten wealth, magsampa sila ng kaso,”…

Read More

KASO NG M/V PRINCESS OF THE STARS TRAGEDY BINUHAY NG SC

mvprincess12

(Ni FRANCIS SORIANO) IPINAG-UTOS ng Korte Suprema sa Manila City Regional Trial Court (RTC), Branch 5 na muling buhayin ang criminal case, kabilang na ang kasong reckless imprudence, laban sa opisyal ng Sulpicio Lines, Inc. (SLI). Sa 20-pahinang desisyon na isinulat ni Justice Jose C. Reyes, Jr., pinagbigyan ng Supreme Court (SC) Third Division ang consolidated petitions ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Preside Rieda-Acosta at binaligtad ang naunang desisyon  noong March 22, 2013 at ang January 8, 2014 resolution ng Court of Appeals (CA) na pumapabor sa respondent na…

Read More