PAGBABAYAD NG TAX WALANG EXTENSION

bir18

(NI BETH JULIAN) PAALALA sa mga tax payers. Inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na wala itong itinakdang extension para sa pagbabayad ng buwis. Sa press briefing sa Malacanang, hinikayat ni BIR spokesperson Atty. Marissa Cabreros ang publiko na agad na magbayad at huwag nang hintayin pa ang deadline sa April 15 bago magbayad ng buwis Ayon kay Cabreros, ngayon pa lamang ay dapat nang tiyagain ng publiko ang pagtungo at pagpila sa mga BIR office para makapagbayad upang maiwasan ang mahabang pila. Babala ni Cabreros na kapag nahuli…

Read More

ANG MGA ANO AT BAKIT NG KARAHASAN LABAN SA KABABAIHAN

Psychtalk

(IKALAWANG BAHAGI) Batay sa datos mula sa World Health Organization (WHO) noong 2017, isa sa kada tat-long babae, o nasa 35% ng mga kababaihan sa buong mundo ay nakakaranas ng karahasan. At ang pinakatalamak na uri nito ay sekswal na karahasan at iyong naka-paloob sa relasyon ng mag-partner (intimate partners). Sa buong mundo rin, umaabot sa 38% ang bilang ng mga babaeng napapatay ng mismong mga partner nila. Ilan ang mga nabanggit sa kadahilanan kaya itinuturing ng WHO na isang usaping pangkalusugan din ang karahasan laban sa kababaihan. Ano nga…

Read More

BAKIT PINAG-IINITAN ANG ATING MGA TINT?

BAGWIS

MAUGONG ngayon ang usapan sa social media tungkol sa plano ng PNP-Highway Patrol Group at ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal ang paggamit ng madidilim na tint sa ating mga sasakyan. Maliban kasi sa nahihirapan di-umano ang ating mga traffic enforcer na ipatupad ang Anti-Distracted Driving Act (ADDA) dahil sa mga madidilim na tint sa mga sasakyan, isa umanong banta sa kalig-tasan at kapakanan ng mga motorista itong mga tint na inilalagay sa ating mga sasa-kyan. Wala naman sana tayong problema sa planong ito ng HPG at ng…

Read More

BETERANO MAY LIBRENG SAKAY NA RIN SA MRT-3 MULA ABRIL 5-11

mrt15

(NI KEVIN COLLANTES) NAG-ANUNSIYO na rin ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na magkakaloob ng   isang linggong libreng sakay para sa mga beterano sa bansa. Sa paabiso ng Department of Transportation (DOTr)-MRT3, nabatid na ito’y bilang pakikiisa nila sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan sa Abril 9, na deklaradong regular holiday, gayundin sa Philippine Veteran’s Week. Ayon sa DOTr-MRT-3, ang libreng sakay para sa mga beterano at isang personal na kasama nila, ay maaaring i-avail mula Abril 5 hanggang Abril 11, mula 5:30 ng madaling araw hanggang 10:30 ng gabi. “GOOD…

Read More

PAG-AASAWA NG IBANG LAHI, SAGOT NGA BA PARA SA BIGLAANG PAG-ASENSO?

BANTAY OFW

Tatlo lamang ang malimit na dahilan ng mga OFW kaya sila ay nag-a-abroad. Una, pa-ra mapagtapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak. Ikalawa, para magkaroon ng munting negosyo at ang ikatlo ay ang magkaroon ng sari¬ling tahanan. Malimit sa mga pro¬binsya ay sobrang hinahangaan at tinitingala ang mga OFW na umuuwi na may magandang tahanan at ilan sa mga dahilan ay dahil sa nakapag-asawa ng ibang lahi. Dahil sa nakitang pag-asenso ng kanilang kapit-bahay o kamag-anak, kung kaya naeengganyo na rin sila upang makapag-abroad at ang malimit na biruan ay…

Read More

BALIK-SHOWBIZ NA NGA BA SI JOHN LLOYD CRUZ?

johnlloyd

(NI JONATHAN ANG) NABULABOG nang slight ang netizens dahil sa Instagram post ng isang Beef Pita Doner recently. May picture kasi ng isang lalaking naka-side view at naka-sumbrero na kung pakatititigan ay masasabing kahawig ng award-winning actor na si John Lloyd Cruz! Ang nakakaintrigang photo caption: “Hindi lahat ng umaalis, hindi na babalik… Minsan kailangan lang ng pahinga… BABALIK NA! Ano at sino? Malapit na malapit na.” Lalong umigting ang espekulasyon sa pagbabalik-showbiz circulation ni Lloydie nang mag-Insta post si Piolo Pascual patungkol kay JLC nitong Martes, April 2. “If…

Read More

GRETCHEN HO, MEDIA, INISNAB NI MAYWEATHER

mayweather

ANG  media at fans ng boxing champ na si Floyd Mayweather Jr. ay naghintay nang mahigit sa walong oras nitong Martes (April 2), pero walang sumipot na Mayweather. Ang dating pound-for-pound king ay naka-schedule na humarap sa media sa isang press conference na itinakda ng 3pm, pero hindi nga ito nakadalo. Wala namang ibinigay na dahilan ang kampo ng boksingero kung bakit hindi ito dumating sa usapan. Pangalawang bisita na ito ni Mayweather sa Pilipinas. Ang unang bisita niya ay noong May 2018. Isa sa mga nag-post ng pagkadismaya sa…

Read More

DAUGHTER NI JIM PAREDES, PAHINGA MUNA SA ‘TOXIC SOCIAL MEDIA’

ericaparedes12

SA gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya ng kanyang amang si Jim Paredes, napagdesisyunan ni Erica Paredes na magpahinga muna sa social media. Ito’y matapos umamin ang ama niya na siya ang nasa viral video na nagpapakitang may ginagawang mahalay. Sa sunud-sunod na posts sa kanyang Instagram Stories, sinabi ni Erica na magbi-break muna siya dahil sa “too much toxic energy” sa social media nitong mga nakaraang araw, at “it’s not as fun as it used to be.” Nag-iwan siya ng mensahe sa kanyang followers: “See y’all soon! Friends, you can still…

Read More

MAGKAKALAT NG SEX VIDEO NI JIM PAREDES BABANTAYAN

jimparedes100

(NI JESSE KABEL) NAGBANTA ang Department of Information and Communications Technology (DICT) laban sa mga nagpapakalat ng video scandal ng singer na si Jim Paredes na tiyak na maharap sila sa mabigat na kaparusahan. Ito ay matapos na aminin ni Jim Paredes, miyembro ng sikat na Apo Hiking Society, na totoo at siya mismo ang nasa kumakalat na sex video scandal. Ayon kay DICT acting Sec. Eliseo Rio Jr., maaring managot sa batas ang mga mapatutunayang sangkot sa leakage ng naturang video at malinaw umanong  paglabag sa cybercrime law. “Nasa cyber…

Read More