UNDOCUMENTED OFWs SA CYPRUS DUMARAMI?

cyprus21

(NI BERNARD TAGUINOD) INALARMA ng isang  mambabatas sa Kamara ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DoLE) hinggil sa umano’y pagdami ng mga undocumented overseas Filipino workers (OFWs) sa Cyprus. Nitong mga nakaraang mga araw ay natagpuan ang bangkay ng dalawang Filipina sa Cyprus na pinatay umano ng isang serial killer sa nasabing bansa matapos ang halos isang taong pagkawala ng mga ito. Ayon sa miyembro ng House minority bloc na si Rep. Aniceto Bertiz III, mayroon silang natanggap na mga ulat na dumarami umano…

Read More

MAS MARAMING WARSHIPS KAILAN NG ‘PINAS SA WPS

west

(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG mamuhunan na ang Pilipinas ng mga warships kung nais natin na maprotektahan laban sa mga banta ang teritoryo at soberenya  sa West Philippine Sea (WPS). Ito ang tinuran ng miyembro ng House committee on national defense and security Rep. Johnny Pimentel sa gitna ng umiinit na usapin sa WPS na inaangkin at nakokontrol  ng China. “The Philippine Navy has to establish a credible presence there – in terms of  combat ships – if we are to discourage foreign seaborne threats, including poachers,” ani Pimentel. Ayon sa mambabatas,…

Read More

MAWAWALAN NG KURYENTE, ABISO NG MERALCO

meralco1

(NI KEVIN COLLANTES) NAGPAABISONG muli ang Manila Electric Company (Meralco) hinggil sa ipatutupad nilang power interruptions ngayong linggong sa mga lugar kung saan nakatakda  silang magsagawa ng maintenance works. Batay sa paabiso ng Meralco, kabilang sa mga apektado o makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente simula Abril 28 hanggang Mayo 4, ay ilang lugar sa Metro Manila, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal province. Nabatid na sa Metro Manila, apektado ang Sampaloc sa Maynila; Sto. Nino sa Paranaque City; Old Balara at Mariblo, sa Quezon City; Western Bicutan sa…

Read More

COMELEC NAGHAHANDA SA KALAMIDAD SA ELEKSIYON

comelec

(Ni FRANCIS SORIANO) DAHIL sa sunud-sunod na pagkakatala ng pagyanig sa bansa, ikinasa na ng Commission on Elections (Comelec) at mga katuwang sa halalan ang paghahanda sakaling may lindol o anumang sakuna sa panahon ng halalan. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, isinama na ng poll body ang paghahanda sakaling magkaroon ng   sakuna at pangunahin umano aniyang concern ng poll body ang kaayusan ng halalan at kaligtasan ng mga taong kalahok sa aktibidad. Dahil dito ay  magtatalaga sila ng pasilidad at taong gagabay sa publiko kapag may mga biglaang…

Read More

JUNE 3, PASUKAN NA SA SCHOOL –DEPED

students12

(NI KEVIN COLLANTES) ITINAKDA na ng Department of Education (DepEd) sa unang Lunes ng Hunyo ang petsa nang muling pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2019-2020. Sa inisyung memorandum order ni Education Secretary Leonor Briones, kabilang sa mga magbabalik-klase sa Hunyo 3, 2019 ang mga public elementary at high schools sa buong bansa. Nabatid na mayroong 203 school days ang susunod na school year, at nakatakda itong magtapos sa Abril 3, 2020. Kaugnay nito, ang mga pribadong paaralan naman ay pinapayagan rin ng DepEd na…

Read More

ABSENTEE VOTING SA PNP, ITINAKDA NG COMELEC

pnpcomelec12

(NI NICK ECHEVARRIA) SASAMANTALAHIN ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong araw na absentee voting na itinakda ng Commission on Elections (Comelec) para makaboto ang mga pulis nang hindi makasasagabal sa deployment ng kanilang buong puwersa at resources sa pagtiyak ng  seguridad sa mismong araw ng election. Ang April 29, 30 at May 1, 2019 ang mga araw na napiling  isagawa ang absentee voting sa mga pulis na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at sa headquarters sa Camp Crame. Nakasaad sa section 2 ng Comelec Resolution No.…

Read More

RELIGIOUS STRUCTURES IINSPEKSIYUNIN

rebulto12

(Ni FRANCIS SORIANO) ITINUTURING  umanong wake-up call para sa mga opisyal ng simbahan ang magkakasunod na lindol na naitala sa bansa na dahilan ng pagkakaguho ng mga religious structures. Ayon sa pastoral letter ni Archbishop Rolando Tria Tirona ng Archdiocese of Caceres, nanawagan ang arsobispo sa mga pari na ugaliing inspeksyunin ang mga simbahan upang matiyak ang pundasyon nito gayundin ang mga seminaryo at mga kumbento Dahil kailangang matiyak ang kaligtasan ng mga nagsisimba at maging pro-active sa pagbibigay seguridad sa mga simbahan gayundin sa paninidigan sa paglaban sa mga…

Read More

61-M OFFICIAL BALLOTS TAPOS NA — COMELEC

COMELEC12

(Ni FRANCIS SORIANO) PORMAL nang ini-anunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na natapos na lahat ng National Printing Office (NPO) ang paglilimbag sa huling bahagi  ng 61,000,000 official ballots para sa 2019 midterm elections. Ayon kay Director Teofisto Elnas Jr, tututok na lamang ang Comelec sa shipment nito, kung saan ay makakatuwang nila ang mga forwarder na accredited ng poll body at ibang election materials na lang ang kanilang inaasikaso. Base sa tala ng Comelec, mayroong 61,843,750 registered voters para sa May 13 polls. Dagdag pa nito na ang 1.1 milyon na official ballots ay gagamitin…

Read More

DONAIRE, WAGI!

donaire123

CAJUN DOME, LAFAYETTE – Hindi umubra kay WBA bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire ang late replacement na si Stephen Young, nang tamaan niya ito ng kaliwa para sa sixth round stoppage sa semifinals ng Worlds Boxing Super Series, Linggo (Manila time). Si Donaire (40-5, 26KOs) ay orihinal na kalaban si WBO champion Zolani Tete, pero nag-withdraw ang South African sanhi umano ng injury ilang araw na lang bago ang laban. Ang size, power at experience ni Donaire ay hindi kinaya ni Young (18-2, 3KOs), na walang ginawa sa…

Read More