(NI DAHLIA S. ANIN) PUSPUSAN na ang paghahanda ng mga ahensya ng gobyerno sa tag-ulan sa bansa at sa iba pang sakuna. Kanina ay pinasinayaan sa Philippine Coast Guard Headquarters sa Maynila ang ilang bagong kagamitan tulad ng 20 bagong rescue boats na ipakakalat sa mga bahaing lugar sa bansa. Tinatawag nila itong Oplan Kahandaan Typhoon Season. Ang mga bagong rescue boats ay mga aluminum boats na may bilis na 20 knots. Karamihan sa mga unit na ito ay ipadadala sa Visayas at Mindanao. May maiiwan sa kanilang headquarters at…
Read MoreTag: Coast Guard
MAS MARAMING WARSHIPS KAILAN NG ‘PINAS SA WPS
(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG mamuhunan na ang Pilipinas ng mga warships kung nais natin na maprotektahan laban sa mga banta ang teritoryo at soberenya sa West Philippine Sea (WPS). Ito ang tinuran ng miyembro ng House committee on national defense and security Rep. Johnny Pimentel sa gitna ng umiinit na usapin sa WPS na inaangkin at nakokontrol ng China. “The Philippine Navy has to establish a credible presence there – in terms of combat ships – if we are to discourage foreign seaborne threats, including poachers,” ani Pimentel. Ayon sa mambabatas,…
Read MoreCHINESE DREDGING SHIP SA BATANGAS PINALAYAS NA
(NI DAVE MEDINA) PINAALIS na ng mga ahensya ng pamahalaan sa dagat na sakop ng Lobo, Batangas ang Chinese dredging ship na MV Emerald makaraang kanselahin ng Department of Environment and Natural Resources ang environmental compliance certificate na inisyu sa dredging ship MV Emerald na umangkla sa baybaying dagat ng Lobo, Batangas. Dahil dito, bandang alas-7:00 kahapon ng umaga ay pumalaot palayo ang MV Emerald na pansamantalang nag-angkla sa Batangas Pier. Kinansela ng DENR ang dredging operation ng MV Emerald makaraang mabigong makakuha ng clearance sa Mines and Geosciences Bureau.…
Read MoreMALAKING BULTO NG COCAINE BINABANTAYAN SA DAGAT
(NI JESSE KABEL) HINIHINALANG decoy lamang at may mas malaking bulto ng delivery ng iligal na droga ang isasagawa sa likod ng mga naglulutangan cocaine sa karagatan kaya mas pinaigting ngayon ang seaborne patrol operation ng pinagsanib na puwersa ng Phillippine Navy; PNP Maritime Group at Philippine Coast Guard para ma-intercept o maprevent ang mga shipment. Aminado ang Philippine National Police at Philippine Navy na talagang challenge ang napakalawak na karagatan at mahabang coastal areas para matutukan ang pagpupuslit ng droga sa pamamagitan ng karagatan. Hindi rin sinasalungat ng PDEA…
Read MoreP11-M SMUGGLED NA YOSI NASABAT
(NI NICK ECHEVARRIA) NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang umaabot sa P11 milyong halaga ng mga kontrabandong sigarilyo lulan ng dumaong na cargo ferry sa Zamboanga City Sabado ng umaga. Ayon sa ulat ni Lt. Commander Jimmy Vingno, station commander ng Coast Guard sa Zamboanga City dakong alas-5:30 ng umaga nang makumpiska ang nabanggit na shipment sa loob ng isang commercial ferry na nagmula sa Jolo, Sulu. Sinabi ni Vingno na ang pagkakatuklas sa malaking halaga ng smuggled na mga sigarilyo ay bunga ng intelligence report…
Read MoreRoRo TUMAGILID, 126 PASAHERO NASAGIP
(NI CARL REFORSADO) NASAGIP ng Philippine Navy ang aabot sa 126 na pasahero at crew ng isang cargo vessel matapos itong muntik lumubog sa dagat at ma-stranded ng halos dalawang oras sa Camotes island sa Carmen, Cebu Sabado ng hapon. Ayon kay Lt. Commander Danish Ruiz, acting commanding officer ng ng BRP Alfredo Peckson ng Philippine Navy, nagmula ang M/V Melrivic 2 sa Pingag Ferry terminal sa bayan ng Isabel, Leyte patungo sana ng Danao City sa Cebu. Dakong alas 11:30 ng tanghali nang matanggap ng Philippine Navy and distress…
Read More