PILOT TESTING NG NAT’L ID SA SUSUNOD NA LINGGO NA

id12

(NI DAHLIA S. ANIN) MAGSISIMULA na sa susunod na Linggo ang pilot testing ng National Identification System. Nasa 10,000 lang muna ang mairerehistro sa pagsisimula ng proyektong ito. Magsisimula na sa Setyembre 2 hanggang Disyembre ngayong taon ang pilot testing upang makita kung magkakaroon pa ng aberya o problema kung sakaling tuluyan na itong ipatupad sa mga susunod na taon, ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Chief and Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia. Kung wala umanong magiging problema ay agad na aasikasuhin ang pagparehistro sa mahigit 50 milyon mamamayan sa…

Read More

VIP ESCORT SA LIBING DAPAT IPAGBAWAL NA!

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, sana po mabigyan ng  pansin ng Malacañang na ipagbawal na ang pag-e-escort sa mga nililibing na mga patay dahil mistulang pag-aari nila ang kalsada dahil sa bilis ng kanilang escort na hagad. Gaya po ng isang pangyayari na dumaan sa kahabaan ng Qurino Highway SJDM Bulacan na may isang opisyal na ililibing ay kung makahawi ng motorista ang mga hagad ay wagas. Alam naman nila na ang trapik sa NCR ay grabe na. Paano naman iyong mga sasakyan nilang iniwan sa tabi o kaya sa intersection lalong nagkakabuhul-buhol.…

Read More

KEYBOARD WARRIORS LAGOT NA: REGULATORY BOARD BUBUUIN

(NI ABBY MENDOZA) IPINAPANUKALA ni 1Pacman Partylist Rep Mikee Romero ang pagtatayo ng Social Media Regulatory Board na magbabantay sa social media sites sa layunin na magkaroon ng proper standard at protocol sa mga social media. Ayon kay Romero, kung mayroong susundin na standard ay mababantayan ang mga social media sites gaya ng Facebook at Twitter pagdating sa kanilang identity schemes, information sharing and dissemination, security mechanics at overall interaction. Sa House 188 ni Romero bubuuin ng itatayong regulatory board ng mga kinatawan mula sa  Philippine National Police, National Bureau…

Read More

ONE WAY EDSA?

MAGING WAIS KA

Kung mayroong isang ahensya ng gobyerno na mahirap pamahalaan, ito ay ang DOTr (Department of Transportation). Lahat ng uri ng transportasyon pandagat, panghimpapawid, pangkalye, railway systems, ay responsibilidad nito. Kaya’t kung may trahedya sa dagat, sa himpapawid, aksidente sa daan at railways kasama sa sisi ang ahensya. Subalit sa araw-araw ang pinakamalaking delubyo na kanilang kinakaharap ay ang reklamo sa malalang trapik, hindi lang ang publiko ang apektado pati na ang ekonomiya ng bansa. Iba’t ibang administras­yon na ang nagdaan, at marami na rin ang kalihim na namuno rito subalit…

Read More

TUNAY NA LINGKOD-BAYAN

BAGWIS

Bagama’t wala na sa pamahalaan ay aktibo pa rin sa paglilingkod sa bayan itong si dating DILG Secretary Mel Senen Sarmiento. Iba talaga kapag nananalaytay sa iyong dugo ang serbisyo publiko kaya’t hindi na ako nagtaka noong malaman natin na aktibo pa rin siya sa pagtulong sa ating mga kababayan. By the way, alam ninyo ba na itong si Secretary Sarmiento ang orihinal na may-akda at ang may orihinal na konsepto sa ni­lagdaan kamakailan ni Pa­ngulong Duterte na Republic Act 1392 na nagbibigay sa limang national performing arts companies (NPAC)…

Read More

PAGLAYA NG DRUG LORDS SA BILIBID, MAY PRESYO?

bucor55

(NI NOEL ABUEL) IBINULGAR ni Senador Panfilo Lacson na tatlo pang Chinese drug lords na hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang pinayagang makalaya sa Bureau of Corrections (Bucor). Sinabi ito ng senador sa isang panayam sa GMA News, kung saan maliban aniya sa limang Chinese drug lords na sina Chan Chit Yue, Kin San Ho, Ching Che, Wu Hing Sum at Ho Wai Pang na napalaya sa Bucor ay nasundan pa ito ng tatlong Chinese nationals. “Bukod sa lima, may tatlo pa. Isa na-release sa Davao Penal Colony, Taiwan drug…

Read More

PIA SA ALCOHOL INDUSTRY: ‘WAG LINLANGIN ANG PUBLIKO!

pia33

(NI NOEL ABUELA) UMAPELA si Senador Pia S. Cayetano sa mga alcohol industry na huwag lokohin ang taumbayan na magkakaroon ng dagdag sa presyo ng mga alak at marami ang mawawalan ng trabaho sa implementasyon ng sin tax. Ayon sa senador, hindi dapat gawing sangkalan ng local alcohol industry ang dagdag sa buwis ng mga alak para takutin ang taumbayan partikular ang mahihirap. “When we’re talking about taxing sin products, please do not scare the people into thinking that what [the government is] trying to do is harmful to the…

Read More

RAVENA KUMPIYANSA SA KANYANG IHI

(NI JOSEPH BONIFACIO) SUMAILALIM si Kiefer Ravena sa random drug testing ngayong Biyernes, bago ang pagsisimula ng kanilang kampanya sa 2019 FIBA World Cup sa Foshan, China. Ayon sa mga ulat,  isa si Ravena sa dalawang Gilas Pilipinas players kasama si June Mar Fajardo na sumailalim sa mandatory random drug testing ng International Basketball Federation (FIBA). Kinumpirma ni Ravena ang balita at sinabing inaasahan na niyang mangyayari ito. Gayunpaman, kumpiyansa si Ravena na walang makikitang anumang bahid ng PEDs sa kanyang ihi. “I somewhat expected it. Of course you know,…

Read More

PAGBABAWAL NG VAPE SA PAMPUBLIKONG LUGAR, OK SA MMDA

(NI LYSSA VILLAROMAN) SUPORTADO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabawal sa paggamit ng electronic cigarettes (e-cigarettes) at vapes sa mga pampublikong lugar na iminumungkahi ng Department of Health (DoH). Ayon kay MMDA Chair Danilo Lim, suportado ng kanyang ahensya ang hakbang ng DOH-Food and Drug Administration na naaayon para sa epektibong regulasyon ng mga Electronic Nicotine and Non-nicotine Delivery Systems (ENDS/ENNDS) products dahil nakakasama ito sa kalusugan ng tao. “Umaasa akong mahigpit na maipatutupad ang utos bilang suporta na rin sa ating ‘smoke-free environment’ campaign,” ani Lim. Dagdag…

Read More