INCOME INEQUALITY SA PILIPINAS, MAAARING LUMAKI PA AYON SA PAG-AARAL

Maging Wais Ka-2

Ito ang sinabi ng isang sikat ne ekonomista na si Dudley Seers. Ito rin ang saloobin ng karamihan sa atin na hindi numero o statistics ang nagsasabi ng tunay na kaunlaran ng isang bansa, kundi ang kalagayan ng pamumuhay ng mga taong namumuhay dito. Kaya’t madalas na kahit sabihin ng mga ekonomista na maunlad na ekonomiya ang sinasabi ng mga numero, marami ang umaalma. Ang pag-alma ay laging nagmumula sa mga kumakalam ang sikmura, mga pagod sa trabaho kapalit ang kusing o barya, at mga sabik na matugunan ang disenteng…

Read More

FAKE NEWS AT EKONOMIYA

Maging Wais Ka-2

(Unang Bahagi) Nitong nakaraan, inilabas ng Philippine Institute of Development Studies ang isang pag-aaral na pinangunahan ng isang sikat na ekonomista na si Roehlano M. Briones tungkol sa mga implikasyon ng globalisasyon sa Pilipinas. Ibang klase ng globalisasyon ang tinutukoy rito dahil ibang klase na rin ang teknolohiya at ang impluwensiya nito sa ating araw-araw na pamumuhay, ekonomiya at lipunan. Hindi natin maikakaila na malaking parte ng buhay natin ang teknolohiya sa komunikasyon, sa transportasyon, sa ating kalusugan, maging pag-order ng pagkain, mga mahahalagang dokumento, serbisyo at kung anu-ano pa.…

Read More

YES TO ANIMAL DISEASE ACT

Maging Wais Ka-2

Limamput-walong baboy na suspetyang may African Swine Fever (ASF) ang nakitang lumulutang sa ilog na Marikina. Ito raw ay itinapon mula sa mataas na bayan ng lalawigan ng Rizal partikular sa Pililia. Sa paglitaw ng problemang ito, lumitaw rin na limitado ang ating batas o mga polisiya na angkop sa paglutas ng mga ganitong problema. Inihahanda na raw ng lungsod ng Marikina ang pagsasampa ng iba’t ibang klaseng demanda laban sa mga may pananagutan sa pagtatapon ng mga patay na baboy. P200,000 ang inilaan na pabuya ni Mayor Marcelino Teodoro…

Read More

COURAGE UNDAUNTED: THE 5 RAMON MAGSAYSAY AWARDEES FOR 2019

MAGING WAIS KA

Ngayon ko lamang nasaksihan ang paggawad ng Ramon Magsaysay Award (RMA) sa loob ng 61 taon. Nag-umpisa ang parangal na ito noong 1958 isang taon matapos masawi sa plane crash si Pangulong Ramon Magsaysay na nagsabing “Those who have less in life should have more in law”. Ibinibigay ang RMA sa mga natatanging indibidwal na nagpabago sa komunidad at bansa sa pamamagitan ng kanilang kontribusyon sa kalikasan, agrikultura, human rights, usapin ng kalusugan at ekonomiya, kultura at ma­ging sa participative development hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong Asya. Ngayong…

Read More

KUNG ANU-ANO ANG INUUNA

MAGING WAIS KA

Minsan mapapaisip talaga tayo kung gaano kalalim na pagsasaliksik at pag-unawa sa pangangailangan ng mga sektor at constituents ang isinasaalang-alang ng a­ting mga mambabatas. Hindi naman pwede na kung anong maisipan at kung anong mabunot na isyu mula sa langit ay basta-basta na lamang gagawan ng panukala. Ngunit nakapagtataka na kung susuriin ang mga panukalang isinusulong sa Kongreso, maaaring nakakatuwa o nakakatawa. Sabi pa nga sa isang komento, parang walang malalang problema ang Pilipinas at kung anu-ano pa ang inuuna. Kamakailan ay dalawang panukala sa sektor ng edukasyon ang umani…

Read More

ONE WAY EDSA?

MAGING WAIS KA

Kung mayroong isang ahensya ng gobyerno na mahirap pamahalaan, ito ay ang DOTr (Department of Transportation). Lahat ng uri ng transportasyon pandagat, panghimpapawid, pangkalye, railway systems, ay responsibilidad nito. Kaya’t kung may trahedya sa dagat, sa himpapawid, aksidente sa daan at railways kasama sa sisi ang ahensya. Subalit sa araw-araw ang pinakamalaking delubyo na kanilang kinakaharap ay ang reklamo sa malalang trapik, hindi lang ang publiko ang apektado pati na ang ekonomiya ng bansa. Iba’t ibang administras­yon na ang nagdaan, at marami na rin ang kalihim na namuno rito subalit…

Read More

CLIMATE EMERGENCY AT ANG PAPEL NG MGA LGU AT SEKTOR

MAGING WAIS KA

Kamakailan, may mga pandaigdigang pangyayari tayong namalas kaugnay ng pagbabago ng klima na nag-udyok sa mga eksperto na magdeklara ng tinatawag na “climate emergency.” Ilan sa mga ito ay ang ganap na pagkatunaw ng mga iceberg sa Greenland, ang pagtalaga ng Hulyo bilang pinakamainit na buwan sa kasaysayan, at ang deklarasyon ng mga eksperto na mayroon na mula 18 buwan hanggang isang dekada na lamang ang nalalabi para umak­syon ang lahat. Ang deklarasyon ng climate emergency ay nangangahulugang pagsasagawa ng kagyat na aksyon at polisiya sa pag­hahanda laban sa pagbabago…

Read More

ISYU SA KALUSUGAN ANG DAPAT UNAHIN

MAGING WAIS KA

Buhay na buhay ang social media nitong nakaraang linggo matapos ang isang kontrobersyal na hiwalayan sa showbiz. Habang aktibong nagkokomento at sumusubaybay ang maraming netizen sa hiwala­yang ito, dalawang public health concerns ang kinakaharap ng ating bansa: pagtaas ng kaso ng dengue nito lamang buwan ng Hulyo na umabot sa higit na 600 ang namatay sa dengue. Habang naghahanap din ng solusyon ang gobyerno sa pagkalat ng tigdas. Para sa mga Tsismatic, talaga bang mas magandang subaybayan ang mga hiwalayan kaysa ang pampublikong kalusugan na seryosong problema? Kailan lamang nagdeklara…

Read More

BUWAN NG WIKA

MAGING WAIS KA

Masyado nating sineryoso ang sinabi ni Dr. Jose Rizal na “ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.” Kaya naman kahit nagpabagu-bago ang Kons­titusyon, pumirma ng mga proklamasyon ang iba’t ibang pangulo upang ipagpatuloy ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa iba’t ibang henerasyon na pi­nag­diriwang ngayong Agosto. Ang tema para sa taong ito ay “Wikang Katutubo: Tungo sa isang bansang Filipino”. Kamakailan lang, nasubok ang ating pagiging isa sa wika at panitikan. Nitong nakaraan, binigyang diin ng Supreme Court ang desisyon…

Read More