Nakahihiyang magkaroon ng tuyot o nanunuyot na balat. Sayang din ang kutis kung wala namang sugat o peklat ngunit ang problema lang ay ang pagka-dry nito. Para maiwasang maging dry ang balat, sundin ang mga sumusunod na tips na ito: Sa shower room… – Kapag maliligo o magsha-shower, isarado ang pinto. Ito ay upang maging limitado rin ang temperaturang papasok sa loob ng banyo. – Iwasang magbabad sa loob ng banyo. Sapat na ang 5 hanggang 10 minuto sa paliligo. – Gumamit lamang ng gentle at fragrance-free cleanser sa paglilinis…
Read MoreDay: October 29, 2019
BAWAS-PRESYO
(NI ROSE PULGAR) NAGPATUPAD ng katiting na pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayon araw, (Oktubre 29). Sa inilabas na anunsyo ng Pilipinas Shell, nasa P0.45 kada litro sa gasolina, P0.10 sentimos kada litro naman sa diesel at wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene na epektibo ngayon alas-6:00 ng umaga. Hindi naman nagpahuli ang PTT Philippines, Petro Gazz na nagpapatupad din ng kaparehong bawas-presyo sa kanyang diesel at gasolina ngayong araw. Nabatid na unang nag-rollback ang Clean Fuel ng P0.60 sentimos…
Read MoreKAMPEON SA UAAP MEN, WOMEN CHESS EVENTS; FEU ‘DI NAGPAAWAT
HINDI naging sagabal sa FEU Tamaraws ang pagkatalo sa kamay ng UST Tigers, 1.5-2.5 sa final round, para angkinin ang UAAP Season 82 men’s chess crown. At doble selebrasyon ito para sa FEU, matapos na ang Lady Tams ay manaig naman laban sa UST, 2.5-1.5 at hablutin ang ikalimang titulo ng torneong ginanap sa UST Quadricentennial Pavilion noong Linggo. Ito ang ika-15 korona ng Tamaraws, pinakamaraming bilang sa mga kasaling UAAP schools sa chess event. Ang FEU ay tinapos ang 14 round na may 43 points, 7.5 points ang layo…
Read MoreBAHAY AT BUHAY
(Ikalawang bahagi) Naririnig ko pa rin sa isip ko ang tinuran ng alkalde ng Maynila tungkol sa pagbibigay-dignidad sa mga sarili ng mga kababayang mahihirap kahit man lang sa paglilinis ng kanilang mga tirahan. Tamang-tama naman ang mga tirurang ito. Kaugnay nga ng mga naitanong ko sa unang bahagi ng sula-ting ito, paano nga ba natin maipapaunawa ang ibig sabihin ng salitang dignidad para sa mga taong ang tirahan ay nakasingit-singit sa mga estero? O kaya’y nakasiksik sa mga ilalim ng tulay, o gilid ng mga lumang establisimiyento sa siyudad? Paano…
Read MorePENSION SYSTEM SA PILIPINAS, ISA SA PINAKA-ATRASADO SA MUNDO
Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Australia, ang Pilipinas ay isa sa may pinakamalalang pension system sa daigdig. Ayon sa Melbourne Mercer Global Pension Index (MMGPI) 2019, ang a-ting retirement income protocol ay 43.7 mula sa 100. Ito ay naglagay sa ika-34 mula sa 37 na bansa na sinuri. Para sa mga lider ng Bayan Muna na si Rep. Carlos Isagani Zarate at Chairperson Neri Colmenares, ito ay salamin sa kalunus-lunos na kalagayan ng ating senior citizens at mga retirado. Ito ay hudyat ng napakalaking pangangailangan upang itaas ang…
Read More