BAWAS-PRESYO

oil price hike12
0

(NI ROSE PULGAR)

NAGPATUPAD ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa bukas ng umaga, (Disyembre 10).

Epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga na magpapatupad ang Phoenix Petroleum Philippines ng P0.10 sentimong kada litro ang kaltas sa presyo ng diesel at P0.30 naman kada litro ng gasolina.

Habang ang Petro Gazz, PTT Philippines at Seaoil ay magpapatupad naman ng P0.10 kada litro sa diesel at P0.40  sentimos sa gasoline.

Nagbawas din ang Pilipinas Shell at Petron Corporation ng P0.40 sentimos kada litro sa presyo ng gasoline at kerosene.

Samantala, epektibo mamayang alas-12:01 ng hatinggabi ipatutupad ng Chevron Philippines Inc. O (Caltex) ang tig P0.40 kada litro ng kanilang WPP of Platinum and silver at kerosene.

Inaasahan naman na susunod na magpalabas ng abiso ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na bawas presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

 

Read More

BAWAS-PRESYO NG OIL PRODUCTS SA SUSUNOD NA LINGGO

oil price hike
0

(NI ROSE PULGAR)

Sa  susunod na linggo araw ng Martes (Disyembre 10)  ay may nakaambang na pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo na ipapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa.

Batay sa abiso ng kumpanyang Petron Corporation  posibleng bumaba sa P0.30 kada litro sa gasolina, P0.10 diesel at P0.30.kada litro naman sa kerosene.

Magugunitang nitong nakaraang linggo ay nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na nasa  P0.30 kada litro sa gasoline; P0.65 sa diesel atbP0.50 naman kada litro sa kerosene.

Ang nakaambang na pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Tuwing araw ng Martes na ipinapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo.

 

Read More

BAWAS-PRESYO 

oil34
0

(NI ROSE PULGAR)

NAGPATUPAD ng katiting na pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayon araw, (Oktubre 29).

Sa inilabas na anunsyo ng Pilipinas Shell, nasa P0.45 kada litro sa gasolina, P0.10 sentimos kada litro naman sa diesel at wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene  na epektibo ngayon alas-6:00 ng umaga.

Hindi naman nagpahuli ang PTT Philippines, Petro Gazz na nagpapatupad din ng kaparehong bawas-presyo sa kanyang diesel at gasolina ngayong araw.

Nabatid na unang nag-rollback ang Clean Fuel ng P0.60 sentimos sa gasolina at P0.20 sentimos sa diesel, nitong Linggo ng alas-4:01 ng hapon.

Aasahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis tulad ng Petron Corporation, Total at iba pang kumpanya ng langis  kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong price rollback sa mga produktong petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Matatandaan nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo na P0.25 sa kada litro ng gasolina, P0.10 sa kada litro ng diesel at P0.25 sa kada litro ng kerosene.

 

 

 

Read More

BAWAS-PRESYO SA GAMOT MALAKING TULONG SA MAHIHIRAP

POINT OF VIEW
0

Inihayag kamakailan ng 18 multinational drug makers sa bansa sa ilalim ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines na magkaisa upang mag-alok ng mabababang presyo sa kanilang mga gamot.

Kung magkakatotoo ito, kasama sa mga mababawasan ng presyo ay ang mga gamot sa tinatawag na rare disorder, major non-communicable diseases at infectious diseases na karaniwang mga sakit na dumadapo sa tao.

Ang grupo ay plano ring mag-alok ng ‘holistic and comprehensive’ na pagtulong, partikular sa mga may cancer, kabilang ang diskuwento para sa mga laboratory test.

Ang apat na pangunahing non-communicable diseases ay kinabibilangan ng cardiovascular disease, cancer, chronic respiratory disease at diabetes na karaniwang sakit sa ating bansa.

Ang mga sakit na ito ay maituturing nating pangmayaman dahil sa sobrang mahal ng medication nito, subalit wala itong pinipi­ling estado ng pamumuhay nang dinadapuan nito.

Kaya maganda ang naging aksyon at malaking tulong para sa ating mga kababayan na hirap na makabili ng kanilang mga gamot lalo na yaong mga nagme-maintenance.

Dapat na suportahan ng ating gobyerno ang mga programang ganito partikular ng Department of Health upang matiyak na makabibili ng kanilang gamot ang ating mga mahihirap na mamamayan.

Marami kasi sa a­ting mga mahihirap na kababayan, lalo na yaong walang pinagkukunan ng pondo na pang suporta sa kanilang maintenance medicines. Hindi sila regular na nakakainom ng gamot o kung minsan ay hindi talaga itinutuloy ang pag-inom ng kanilang gamot kaya lalong lumalala ang sakit.

Kasi kung mahirap ka, mas pipiliin mong unahin ang pagkain ng iyong pamilya kaysa ang iyong gamot. Ang iba naman ay lumalapit na lamang sa mga tinatawag na faith healer para maibsan ang nararamdamang sakit na kadalasan ay hindi naman nalulunasan ang karamdaman.

Idadahilan na kung sa doktor magpapagamot, mahal na nga ang talent fee, mahal pa ang gamot na inirereseta.

Maganda ang naisipang ito ng mga drug manufacturer dahil malaking tulong ito sa mga Pinoy para maging abot-kaya ang kanilang mga medisina. (Point of View / NEOLITA R. DE LEON)

Read More

BAWAS-PRESYO SA OIL PRODUCTS IPINATUPAD

oil34
0

(NI ROSE PULGAR)

PINANGUNAHAN ng kompanyang Phoenix Petroleum ang pagbawas sa presyo ng mga produtkong petrolyo Sabado ng hapon.

Alas-2:00 ng hapon ang epektibo nang ipinatupad ng naturang kompanya ang pagbawas ng P1.10 kada litro ng kanilang diesel habang P0.50 naman kada litro sa gasolina.

Wala naman paggalaw sa presyo ng kerosene.

Ang paggalaw sa presyo ng gasolina at diesel ay bunsod ng panibagong paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Inaasahan naman na susunod din ang ilang pang kompanya ng langis sa pangunguna ng tinaguriang “Big3” sa pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Karaniwang ipinatutupad ng mga kompanya ng langis ang paggalaw sa presyo ng petrolyo tuwing Martes ng umaga, maging price hike ito o rollback.

Read More