IPINAG-UTOS ng Philippine Competition Commission (PCC) sa Grab Philippines na magmulta ito ng P16.15 million dahil sa sobrang singil sa mga tumatangkilik sa kanila. Ang P14.15 sa P16.15 million ay kailangang i-refund sa kanilang mga pasahero na siningil nila nang sobra. December 13, naglabas ang antitrust body base sa kanilang audit report ng independent monitoring trustee Smith & Williamson. Minonitor nila ang si-ngilan ng Grab hanggang Agusto 10. Ang P14.15 million ay para sa kanilang “extraordinary deviation” mula sa kanilang pangakong pres-yo. Pinatawan din ang Grab ng P2 million para…
Read MoreMonth: December 2019
BAGONG BUHAY SA 2020
Ang 2020 ay punom-puno ng pag-asa para sa maraming Filipino. Ito ay nangangahulugan ng pagsisimula, ng paghuhubad ng mga nakaraang pagkakamali at nang maging pagpapatawad. Hindi na minsan lamang na nagsisi, tinanaw ang kakapusan sa nakaraang taon, mga pagkakataong hindi napagtuunan ng tamang atensyon, mga pagsubok na lalo pang nagpalakas sa pananampalataya, mga kaibigang napatunayang tunay at mga pagpupun-yaging kundi man hinitik ng biyaya ay biyaya na rin dahil may natutunan. Ang mga Filipino ay likas na lumalaban sa buhay ng may pagtitiis, ngiti at tuwa maging sa gitna ng mga hambalos ng buhay. Ganyan ang Filipino, parang kawayan na yuyukod sa…
Read MoreDAHIL SA TWEET NI JANINE, SEN. BONG BASHED-TO-THE-MAX ULI
(NI LOLIT SOLIS) HAY naku day! Matatapos na ang taon, lalong gumulo ang buhay ko! Lumalaki na ang isyu ng 150 thousand na pinabibigay daw ni Gretchen Barretto sa amin ni Cristy Fermin. Wala akong natikman sa 150K na’ yan, kaya magkakaalaman pa ‘yan. Nadamay pa ang PEP.Ph sa isyung ‘yan na mabuti nagkausap kami ni Jo Ann Maglipon, nagkaliwanagan at inaalam niya ang totoo sa isyung ito. Sabi ko nga kay Gorgy na nasa Amerika pa rin hanggang ngayon, mabuti na lang wala siya rito at hindi niya nasaksihan…
Read More32 JOURNALIST NAKAMIT ANG KATARUNGAN; KATARUNGAN DIN KAY JUPITER
HINDI ko kilala ang 32 journalist na pinaslang noong Nobyembre 2009 sa Maguindanao, ngunit labis akong natutuwa sa pagkamit ng katarungan para sa kanila matapos ang isang dekada dahil sa desisyon ni Quezon City Regional Trial Court Judge?Jocelyn?Solis-Reyes na habambuhay na pagkabilanggo o maximum na pagkakulong sa 43 pangunahing akusado. Sa 761-pahinang desisyon ni Solis-Reyes, napatunayan niyang “guilty beyond reasonable doubt” sa 57 kasong murder laban sa 43 katao, sa pangunguna nina Andal Jr., Zaldy at Anwar Ampatuan. Ngunit, kahit na nabigyan ng katarungan ang mga journalist sa nasabing masaker,…
Read MoreINABUTAN DIN NG MAHABANG KAMAY NG BATAS
KASABIHAN na ng matatanda na ang lahat ng bagay ay mayroong katapusan. Kahit ang sinulid, pagkahaba-haba man ay may dulo pa rin. Isang kasabihan na tamang-tama sa kaso ng Maguindanao Massacre. Kahit sino ay nainip sa haba ng panahong ginugol, isang dekada, pero sabi nga sa English, worth waiting for dahil sa wakas, nakamit na ng mga biktima ng Maguindanao Massacre ang katarungan. Pero kahit nahatulan na ang mga salarin, hindi pa rin mawawala ang sakit na naramdaman noon ng mga kaanak ng mga biktimang nadamay lang dahil sa kagahaman…
Read MoreTRUST, APPROVAL RATING NI DU30 TUMAAS NGAYONG DISYEMBRE
NAKABAWI at nakabangon si Pangulong Rodrigo Duterte sa trust and approval ratings ngayong Disyembre matapos sumadsad noong Setyembre, ayon sa latest survey na inilabas ng private pollster na Pulse Asia. Tumaas ng siyam na porsyento ang approval rating ni Duterte sa 87 mula sa 78 porsiyento noong Setyembre kung saan mas maraming indibidwal mula sa Luzon, hindi kasama ang Metro Manila, at class ABC, ang nagpahayag ng pag-sang-ayon sa Pangulo. Tumaas din ang trust rating ni Duterte mula 74 porsiyento sa 83 Mas marami rin sa Luzon sa labas ng…
Read MoreTONY ON JULIA: ‘WHEN SHE GETS MARRIED, THE MAN WILL BE A LUCKY MAN!’
(NI BOY ABUNDA) SA kauna-uanahang pagkakataon ay nagkatambal sina Julia Barretto at Tony Labrusca para sa iWant digital series na ‘I Am U.’ Wala pang kasintahan ang aktor kaya may ilang mga nagtatanong kung posible kayang may mamuong espesyal na ugnayan sa pagitan ng dalawa. “Let’s not get ahead of ourselves, Tito Boy. I’m just gonna say this, you know what, one day, when she gets married, the man that she marries will be a very lucky man,” makahulugang pahayag ni Tony. Ayon sa aktor ay naging malapit sila ni…
Read MorePASAWAY NA DRIVER I-VIDEO N’YO — LTFRB
(NI KIKO CUETO) NAGPAALALA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa publiko na videohan ang mga pasaway na taxi driver na mangongontrata ngayong Pasko hanggang Bagong Taon. Kabilang na riyan ang mga namimili ng pasahero na taxi driver. Paliwanag ng LTFRB, dapat isumbong ng mga pasahero ang mga mapagsamantalang tsuper. “Para po sa mga pasahero natin, lalo na ngayong Christmas season, advice po namin sa kanila sa mga kasong ‘pag sumasakay sila ng taxi at hindi sila sinasakay o minsan nangongontrata, kunin lang nila ‘yung pangalan ng taxi,…
Read MoreBAGYONG URSULA NAKAAMBA SA PASKO
(NI ABBY MENDOZA) PINAPAYUHAN ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang publiko na bibiyahe ngayong Kapaskuhan para umuwi sa kanilang mga probinsya na gawin na ito ng mas maaga upang makaiwas sa ma-stranded dahil sa inaasahang papasok na bagyong Ursula. Ayon sa Pagasa, itataas nila ang gale warning signal sa Lunes ng gabi, Disyembre 23, mangangahulugan ito na sususpendihin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga biyahe ng mga barko dahil sa sama ng panahon at inaasahang mataas na alon. Sa pinakahuling monitoring ng Pagasa ay isa…
Read More