INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga ulat ng lambanog poisoning sa Laguna at Quezon at tapusin ito hanggang Disyembre 28. Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na inatasan sila na imbestigahan at ipasa ang report sa Malacanang. Nasa 14 katao na ang namatay at daan katao ang naospital sa lambanog sa iba’t ibang lugar sa Rizal, Laguna at Quezon. Sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go na hihintayin ng Pangulo ang report sa Disyembre 28. Sinabi ng Food and Drug Administration na…
Read MoreMonth: December 2019
2 US SENATORS BANNED SA ‘PINAS
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Immigration na huwag papasukin sa bansa ang dalawang American lawmakers matapos magpanukala na huwag papasukin sa kanilang bansa ang mga opisyal ng Pilipinas na sangkot sa pagpapakulong kay Senador Leila De Lima. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na agad ipinag-utos sa BI na i-ban sa bansa sina US Senators Dick Durbin at Patrick Leahy – ang dalawang mambabatas na nagpakita sa ilang probisyon sa US 2020 budget kung saan ipinagbabawal na makapasok sa kanilang bansa ang mga politikong nagpakulong kay De…
Read MorePAGTITIPID SA BAGONG TAON
Tips sa pamimili Nakaraos na tayo sa selebrasyon ng Pasko at heto naman tayo sa pag-harap sa Bagong Taon. Anu-ano ba ang mga paraan para makatipid tayo sa ating pamimili para mairaos naman natin ang pagpalit ng taon? Sundin lamang ang mga sumusunod na tips na ito na ating magagamit sa tuwing tayo ay mamimili kahit hindi lamang sa panahong ito kundi sa mga susunod pang mga buwan o taon: Ito ang grocery tips na magiging gabay sa tipid na pamimili: – Ugaliing magkaroon lagi ng shopping list para makita…
Read MoreLIZA MAY 2 NANG BRANCH ANG WELLNESS SPA
(NI ASTER AMOYO) MAY dalawa nang branch ng Hope Wellness Spa na pag-aari ng Kapamilya young star na si Liza Soberano na nakabili na rin ng sariling bahay sa Amerika kung saan sila ng spend ng Holiday season ng nobyo niyang si Enrique Gil kasama ang pamilya ni Liza. Sinabi ni Enrique na may binabalak umano silang negosyo ni Liza na balak nilang itayo, isang wellness resort spa na malamang mangyari ngayong 2020. Sina Liza at Enrique ay muling mapapanood sa isang bagong teleserye na pinamagatang “Make It With You” na…
Read MoreHAMON SA INTEL UNITS NG PDEA-NCR AT NCRPO
SADYA ba’ng mahina ang mga intelligence unit ng Philippine Drug Enforcement Agency–National Capital Region (PDEA–NCR) at National Capital Region Police Office (NCRPO) ng Philippine National Police (PNP) o namimili sa mga tinitiktikan? Ito ang natural na tanong ng mga journalist kapag mayroon kaming nababalitaang estabilisimiyento na mayroong nagaganap na ilegal. Batay sa nakalap na impormasyon, sa Brgy. Poblacion sa Lungsod ng Makati ay mayroong establisimiyentong ‘pugad’ ng ecstasy. Ang establisimiyentong ito (na itatago muna natin ang pangalan) ay regular umanong nagaganap ang kasiyahan ng mga taong pumupunta rito. Masayang-masaya ang mga…
Read MoreCHRISTMAS PARTY PAMBATA LAMANG TALAGA
Totoong-totoo ang sinasabi noon ng mga matatanda sa amin na ang Christmas parties ay para sa mga bata lang talaga at hindi na para sa mga may edad na dahil sa kanilang kalusugan. Napapansin ko noon na marami nang may edad na sa amin ang hindi na excited sa kaliwa’t kanan at halos araw-araw na Christmas party na inoorganisa ng mga na kaibigan at mga kaanak kahit anong sarap pa ng mga handa. Napapansin ko na halos ayaw kumain ang mga may edad na sa mga party at kung kakain man…
Read MoreMAINE ‘DI SUMAMA KAY ARJO SA DUBAI
(NI LOLIT SOLIS) MAGANDA raw ang resulta ng walong pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival. Sabi ni Noel Ferrer na spokesperson ng MMFF 2019, hindi raw totoong bumaba ang kinita ngayon dahil sa bagyong Ursula na nanalanta sa Kabisayaan at Mindanao. Nakakaawa nga sila roon dahil talagang apektado sila nang husto ng malakas na bagyong ito. Pangalang kontrabida pa naman itong Ursula, na naging kontrabida talaga siya ng mga kababayan nating naapektuhan ng bagyong iyun sa araw ng Pasko. Nakikita ko naman sa TV na maganda ang resulta ng…
Read MoreCLARKSON PANALO SA DEBUT GAME SA UTAH
(NI LOUIS AQUINO) NAKABUTI para sa may dugong Pinoy na si Jordan Clarkson ang pag-trade sa kanya ng Cleveland sa Utah makaraang magwagi ang Jazz kontra Portland, 121-115, Biyernes (Disyembre 27, Philippine time). Nanguna para sa Jazz si Donovan Mitchell na umukit ng 35 points sa panalo ng koponan laban sa Trail Blazers. Nagtulong sina Damian Lillard, na may 34 points, at CJ McCollum, 25 points, ng Portland para maibaba sa dalawa ang 23 puntos na kalamangan ng Utah, 103-102, mahigit apat na minuto ang nalalabi sa laro. Napigilan ni…
Read MoreGILAS NAGHAHANAP NG BAGONG COACH
(NI ANN ENCARNACION) KAHIT naipanalo pa ang Gilas Pilipinas ng gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games, walang balak si Barangay Ginebra coach Tim Cone na mag-extend sa kanyang national duty. Iginiit ni Cone na “one and done” ang pagiging Gilas coach niya. “I was told at the start that I will be some sort of a caretaker for the national team that will be playing for the Southeast Asian Games,” paliwanag ni Cone. Idinagdag niya na may inihahanda nang programa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa susunod na…
Read More