(NI AMIHAN SABILLO) HINDI na magbabago ang rekomendasyon ng Philippine National Police (PNP) na hindi na palawigin pagkatapos ng Disyembre 31 ang martial law sa Mindanao. Ito ang inihayag ni PNP OIC PLt. Gen. Archie Francisco Gamboa, sa kabila umano ng serye ng pagsabog na naganap sa Cotabato City, at mga lalawigan ng Cotabato at Maguindanao nitong linggo ng gabi. Hindi bababa sa 23 ang sugatan kabilang ang 8 sundalo sa magkakahiwalay na pagpapasabog. Sinabi pa ni Gamboa, masyado pang maaga para gumawa ng mga konklusyon kaugnay ng naganap na…
Read MoreMonth: December 2019
SOLON: MATAAS NA RATINGS NG PANGULO ‘DI NAKAGUGULAT
(NI NOEL ABUEL) HINDI na ikinagulat ni Senador Christopher Bong Go ang 87% na trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling latest survey ng Pulse Asia. Ayon sa senador, inaasahan na nito ang mataas na trust rating sa Pangulo dahil ramdam na ng marami ang bunga ng mga reporma at programa na ipinatutupad ng administrasyon. Inihalimbawa pa ni Go, marami na ang hindi natatakot na maglakad kahit dis-oras ng gabi dahil sa anti-criminality at anti illegal drugs campaign ng pamahalaan. Iginiit din ni Go na hindi lang sa mga…
Read MorePOE SA DOTr: PASAHERO NG ANGKAS ISIPIN DIN!
(NI DANG SAMSON-GARCIA) UMAPELA si Senador Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) na pag-isipang mabuti ang desisyon na bawasan ang alokasyon ng Angkas upang bigyang-daan ang pagpasok ng bagong kumpanya. Sa kanyang sulat, nanawagan si Poe kina LTFRB Chair Martin Delgra at TWG (Technical Working Group) Chair retired Police Major Antonio Gradiola Jr. na ikunsidera sa kanilang desisyon ang timing ng pagbabawas ng alokasyon. Binigyang-diin ni Poe na bagama’t naniniwala siyang dapat magkaroon ng kompetisyon sa industry ng motorcycle taxi, dapat naman anya itong gawin sa paraang walang maisasakripisyo…
Read MoreBJMP NASA RED ALERT SA PASKO, BAGONG TAON
(PAOLO SANTOS) PARA maiwasan ang pagpuga nagdeklara ng red alert ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lahat ng jail facilities sa buong bansa ngayong Disyembre 24 hanggang Dec. 25 at Disyembre 31 hanggang Enero 2, 2020 para mapigilan ang pagpuga ng mga inmates sa mga jail facilities. Ayon kay Major Xavier Solda, hepe ng Public Information Office ng BJMP, upang maiwasan ang pagpuga ng mga inmates ngayong darating na Kapaskuhan at Bagong taon nagdeklara ng red alert status ang BJMP sa lahat ng jail facilities sa buong…
Read MoreGROUNDS NG LEGAL SEPARATION, PINALALAWAK
(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senador Imee Marcos ang panukala na palawakin ang grounds na tatanggapin para sa legal separation. Sa kanyang Senate Bill 1230, iginiit ni Marcos na dapat nang amyendahan ang Family Code of the Philippines. Sinabi ng senador na sa kabila ng kawalan ng divorce law sa Pilipinas, dumarami pa rin ang nagsasama nang walang kasal. Alinsunod sa panukala, nais ng mambabatas na isama sa grounds ang hindi pagbibigay ng financial support na kadalasang nagiging dahilan ng mental o emotional anguish, maging ng kahihiyan sa partner o…
Read More13 LUGAR SIGNAL NO 1 SA BAGYONG URSULA
(NI ABBY MENDOZA) NASA 13 lugar na ang nasa Storm Signal No 1 matapos pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Ursula, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa). Ang Public storm warning Signal No ay nakataas sa: Sorsogon Masbate including Ticao Island Eastern Samar Northern Samar Samar Biliran Leyte Southern Leyte Northern Cebu (Carmen, Asturias, Tuburan, Catmon, Sogod, Borbon, Tabuelan, Tabogon, San Remigio, Bogo, Medellin, Daanbantayan, Bantayan Islands, Camotes Islands) Central Cebu (Balamban, Talisay, Cebu City, Cordova, Lapu-Lapu, Mandaue, Consolacion, Liloan, Compostela, Danao) northeastern Bohol…
Read MoreBIGTIME OIL PRICE HIKE SA BISPERAS NG PASKO
(NI ROSE PULGAR) NGAYON bisperas ng Pasko, nagpatupad ng bigtime oil hike sa ilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo bukas ng umaga. (Disyembre 24). Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell at PTT Philippines ang dagdag-presyo na P1.05 kada litro sa kerosene at P1.15 naman sa kada litro ng diesel habang wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina na epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga. Inaasahan naman na susunod na magpalabas ng abiso ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.…
Read MoreLAW ENFORCEMENT OPERATIONS LABAN SA NPA TULOY PA RIN
(NI AMIHAN SABILLO) NAGPAPATULOY ang operasyon ng law enforcement ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga komunistang grupong New People’s Army (NPA) Paglilinaw ito ni PNP Deputy Chief for Operations PLt gen. Camilo Pancratius Cascolan sa kabila ng pagdeklara ni Pangulong Duterte ng unilateral ceasefire sa NPA epektibo hatinggabi ng Disyembre a-23 hanggang hatinggabi ng Enero 7. Ayon kay Cascolan, tumatalima ang PNP sa ceasefire na ipinag-utos ng Pangulo, at kasalukuyan nang umiiral ang suspension of police operations laban sa NPA. Pero, paliwanag ni Cascolan, hindi sakop ng ceasefire…
Read MoreDAGDAG NA SAHOD SA MGA TEACHERS KUNIN SA POGO
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG matupad na ang kahilingan ng mga public school teachers na madagdagan ng P10,000 ang kanilang buwanang sahod, iminungkahi ng isang mambabatas sa Kamara na kunin ang pondong ito sa buwis ng Philippine Offshore Gaming Corporation (POGO). Kasama ang mga public school teachers sa magkakaroon ng umento sa 2020 sa ilalim ng Salary Standardization Law (SSL) 5 subalit P1,562 kada taon o hanggang 2023 ang kanilang umento. Dahil dito, umaabot lamang sa P6, 248 ang magiging umento ng mga public school teachers hanggang 2023 na malayo sa…
Read More