2020 REVENUE COLLECTION TARGET NG BOC, NALAGPASAN

Positibong nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang annual target collection para sa nagdaang taon nang 2020.

Batay sa inilabas na data ng BOC, nakapagtala ng 6.6% o katumbas ng 33.5 bilyong piso lagpas ang kanilang naging koleksyon.

Para sa buwan ng Disyembre 2020, ang BOC ay muling nakalagpas ng kanilang revenue target para sa pitong (7) sunod-sunod na buwan na umabot ng 9.1%.

Base sa preliminary report mula sa BOC Financial Service, may kabuuang 47.316 bilyong piso ang kanilang nakulekta kung ikukumpara sa kanilang buwan ng Disyembre target na 43.368 bilyong piso.

Kaugnay nito, ang kabuuang koleksyon ng BOC ay umabot ng 539.660 bilyong piso para sa taong 2020, na nakapagtala ng 106.6% ng target collection ng 506.150 bilyong piso base mula sa initial report.

Bukod dito, sampu sa labing pitong collection districts ang nakalagpas sa kani-kanilang target para sa taong 2020.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng Ports of Cebu, Tacloban, Surigao, Cagayan de Oro, Zamboanga, Davao, Subic, Clark, Aparri at Limay.

Ang positibo at magandang performance ng BOC sa revenue collection ay inuugnay sa tinatawag nilang  improved valuation at intensified collection efforts  ng lahat ng BOC ports.

Gayundin ang pagkakaroon ng improvement sa dami ng mga produkto ng importasyon bukod pa sa pagsisikap ng pamahalaan na masiguro

na hindi masisira ang pagpapagalaw ng mga ipinapasok at inilalabas na produkto sa bansa sa gitna ng pandemya sa kasalukuyan.

Dahil dito, pinapurihan ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero ang ginawang pagsisikap ng mga tauhan ng BOC sa kabila ng panganib

sa kanilang kalusugan gayundin sa hindi matinag nilang pangako at dedikasyon sa kanilang serbisyo sa mamamayan.

163

Related posts

Leave a Comment