2020 RONDA PILIPINAS: AQUINO STAGE 3 AT OVERALL LEADER NA

NAGA CITY—Doble-panalo si Jerry Aquino Jr matapos nitong pagbidahan ang 119km Stage 3 at makuha ang overall leadership sa pagpapatuloy ng ika-10 taong selebrasyon ng 2020 LBC Ronda Pilipinas kahapon na nagsimula sa Albay at natapos sa Camarines Sur. Pinangunahan ng second generation rider na si Aquino Jr. ang 68 na riders na nakatawid sa finish line sa oras na 2:47:12 tiyempo para sa unang pagkakataon ay maisuot nito ang simbolikong red jersey at maging lap winner din. Pare-parehas ang isinumiteng oras ng Top 10 na sina Ronnel Hualda ng…

Read More

3×3 BASKETBALL TOURNEY SASABAY SA PBA OPENING

UPANG mapataas ang ranking ng Pilipinas sa 3×3 basketball, pasisimulan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang 3×3 tournament sa pagbubukas ng 45th season ng liga sa March 8. Sinabi ni PBA Board Vice Chair at Columbian Dyip Governor Demosthenes Rosales, maliban sa kasalukuyang 12 PBA teams, magkakaroon din ang Mighty Bond at Dunkin Donuts ng kani-kanilang team para sa nasabing tournament. Nagpasalamat naman si Samahang Basketbol ng Pilipinas President at Meralco Governor Al Panlilio sa PBA sa pagsuporta nito sa 3×3 program. “If we want to be serious with 3×3,…

Read More

LOOK WHO’S TALKING?!!!

PRO HAC VICE

GANITO kasi ‘yon mga ka-SAKSI at mga kabalat ko. Hi­nimok ng mga taga-oposisyon ang mga Filipino na magsama-sama raw para labanan ang lawfare o paggamit ng pamahalaang Duterte sa mga batas bilang sandata para gipitin at patahimikin ang mga kritiko nito. Ang mga nanawagan ay ang napatalsik na dating punong mahistrado ng Korte Suprema na si Atty. Maria Lourdes Sereno, pangalawa si dating senador na balik simpleng mamayan na ngayon na si Antonio Trillanes IV at Atty. Jose Manuel Diokno. Sinabi ni Sereno, panahon na para magbuklod-buklod ang lahat ng…

Read More

TALAMAK ANG KORAPSYON SA BI PERO SI MORENTE PA RIN ANG HEPE

Badilla Ngayon

HINDI ko talaga maintindihan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga desisyon laban sa katiwalian at korapsyon. Madalas niyang iligtas ang mga opisyal na ‘malapit’ sa kanyang puso at ‘malakas’ sa kanya tulad nina Nicanor Faeldon at Isidro Lapeña na parehong nadikit sa kaliwa’t kanang katiwalian at ­korapsyon sa mga ahensiyang ­pinangasiwaan nila sa nakaraan. Maliban kina Faeldon at Lapeña, ang isa pang malapit sa puso at malakas kay Duterte ay si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente. Katunayan, inamin ni Duterte na “labs” niya si Morente, sapagkat “mabait”…

Read More

CARLO: ‘HINDI KO MA-IMAGINE NA WALANG ABS-CBN!’

MAINIT na pinag-uusapan sa buong bansa ngayon ang tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN. Mapapaso na kasi ito sa susunod na buwan kaya posibleng mapatigil na diumano ang operasyon ng Kapamilya network. Para kay Carlo Aquino ay hindi niya halos maisip kung paano ang magiging sitwasyon sa Pilipinas kapag tumigil sa paglilingkod sa mamamayan ang naturang TV network. “Hindi ko ma-imagine na walang ABS-CBN. Ito na ‘yung kinalakihan ko. Dito talaga ako tumanda. Grabe, nagsimula ako nine years old. Ngayon I am thirty four (years old). Dito ako natuto umarte, dito…

Read More

BLACKOUTS NA PWEDENG GAWIN NG CHINA MAS DAPAT KATAKUTAN

ISA sa pagkakamali sa pagsasapribado ng TRANSCO ay ang pagsama ng System Operation sa Transmission Network. Sa buong mundo na nagrestaktura at nagsa­pribado ng industriya ng kuryente, maliban sa Pilipinas, ang tungkulin ng System Operation na may kontrol sa buong pasilidad ng kuryente ay hiwalay sa Transmission Network at hindi nawala sa kontrol ng gobyerno. Ang Transmission Network o mga linya at substation lamang ang ipinamahala sa pribado. Ang kontrol ng System Operation ay naisasagawa sa pamamagitan ng telekomunikasyon at remote control na tinatawag na Supervisory Control and Data Acquisition…

Read More

MGA BAGONG MIYEMBRO NG LAKAS-CMD NANUMPA

TINANGGAP ni House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez ang nanumpa bilang bagong miyembro ng Partido LAKAS-Christian Muslim Democrats (CMD). Pormal nang kaanib ng LAKAS-CMD si Biliran Congressman Gerardo “Gerryboy” Espina, Jr. na nanumpa sa presidente ng Partido at chairman ng powerful house committee on rules Cong. Romualdez na isinagawa sa Batasang Pambansa kamakailan. Bukod kay Rep. Espina na siyang pinakabagong miyembro ng partido ay may mga nauna nang umanib sa LAKAS-CMD na kinabibilangan ng 15 Congressional Dist at 15 Party- list representatives. Si Espina, ay siyang vice chairman…

Read More

TOP IMPORTERS, EXPORTERS, PARTNERS KINILALA NG BOC-CLARK

MATAPOS ang pagdiriwang ng 118th Founding Anniversary ng Bureau of Customs, ang Port of Clark ay nagsagawa ng Annual Recognition sa top importers, exporters at partners para sa 2019 nitong nakaraang Pebrero 18, 2020. Ang pagbibigay ng plaques of recognition sa top 10 importers ay pinangunahan ni District Collector Atty. Ruby Alameda kasama sina Deputy Collector for Operations Wilnora Cawile, Deputy Collector for Assessment Atty. Geoffrey De Vera at Deputy Collector for Administration Atty. Erwin Mendoza. Kabilang sa may pinakamalaking revenue contributions para sa 2019 ang PTT Philippines, Inc., Yokohama Tire Philippines, Inc.…

Read More

GUERRERO PINURI NI DOMINGUEZ SA PAGHATAW SA KOLEKSYON

PINURI ni Finance Secretary Carlos G Dominguez ang Bureau of Customs (BOC) sa pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero dahil sa naging magandang performance sa nakalipas na taon (2019). Ayon kay Dominguez, panauhing pandangal sa 118th founding anniversary ng BOC noong nakaraang Pebrero 7, 2020, pagpapaganda at epektibong pagpapatupad ng mandato ang ginawa ni Guerrero kaya patuloy ang pagbabago at magandang serbisyo ng BOC para sa kapakanan ng publiko. Sinabi pa ni Dominguez, nakakatuwang sa kabila ng mga intrigang bumabalot sa BOC ay patuloy ang kanilang pagsisikap na maayos at maihatid ang kanilang serbisyo…

Read More