MATAPOS ang pagdiriwang ng 118th Founding Anniversary ng Bureau of Customs, ang Port of Clark ay nagsagawa ng Annual Recognition sa top importers, exporters at partners para sa 2019 nitong nakaraang Pebrero 18, 2020.
Ang pagbibigay ng plaques of recognition sa top 10 importers ay pinangunahan ni District Collector Atty. Ruby Alameda kasama sina Deputy Collector for Operations Wilnora Cawile, Deputy Collector for Assessment Atty. Geoffrey De Vera at Deputy Collector for Administration Atty. Erwin Mendoza.
Kabilang sa may pinakamalaking revenue contributions para sa 2019 ang PTT Philippines, Inc., Yokohama Tire Philippines, Inc. at United Parcel Service (UPS) International, Inc. habang ang top three companies na may pinakamataas na export value ng shipments noong 2019 ang Yokohama Tire Phils. Inc., Nanox Philippines, Inc. at SFA Semicon Philippines Corp.
Dumalo naman sa okasyon sina Chairman of the Board Dr. Irineo Alvaro, President Dr. Francisco Villanueva at PRO Mr. Rene Banzon, pawang ng Clark Investors and Locators Association (CILA), na tumanggap ng pagkilala para sa kanilang walang humpay na suporta sa Port of Clark.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Atty. Alameda na ang pagdiriwang ay simpleng paraan bilang pagpapahayag ng pagkilala sa stakeholderspara sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa pagsasakatuparan ng puerto sa kanilang mandato sa ‘revenue collection, trade facilitation and border protection’. JOEL AMONGO
