Nag-overnight sa Sanchez Peak GEN. SANTOS City – Umabot sa 30 katao ang malubhang nasugatan, karamihan ay mga estudyante, makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang jeep sa Purok Balakayo, Barangay Olympog sa lungsod na ito. Base sa inisyal report na natanggap ng Gen. Santos Police Office, noong Biyernes ng umaga, habang binabagtas ng jeep ang national highway ay biglang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver nito. Hinala ng mga awtoridad, biglang nawalan ng preno ang sasakyan kaya sumadsad sa gilid at tuloy-tuloy na nahulog sa bangin. Ayon sa…
Read MoreMonth: February 2020
PADRINO HUHUBARAN NG MASKARA SA SENADO MILYONES PINALULUSOT NG CHINESE
BUBUSISIIN na ng Senado ang kwestyonable umanong pagpasok ng milyon-milyong halaga ng salapi ng ilang Chinese tourist sa Pilipinas. Sinabi ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na magpapatawag sila ng pagdinig hinggil sa isyu sa susunod na linggo upang liwanagin sa mga awtoridad ang mga transakyong ito ng mga dayuhang Tsino. May kinalaman ito sa nakalap na impormasyon ni Gordon na may ilang Chinese tourist ang nakapasok sa bansa bitbit ang $160 million cash mula December 2019 hanggang Pebrero ngayong taon. Naniniwala si Gordon na hindi makalulusot ang…
Read MorePARA IWAS COVID-19 NATIONWIDE MALL SALE PINIGIL NG DOT
INANUNSYO ng Department of Tourism (DOT) ang pagpapaliban sa nakatakdang month long nationwide sale ngayong Marso dahil sa banta ng COVID-19. “The nationwide mall sale portion of the 2020 Philippine Shopping Festival has been postponed, until further notice”, ayon sa DOT. Isa pa sa mga rason ng DOT ang nakaaalarmang pagtaas ng bilang ng mga infected ng coronavirus sa buong mundo nitong mga nakaraang araw. “As much as we want to mitigate the economic impact of the COVID-19, the safety of our citizens remains our priority. We advise the public…
Read MoreMANG-AABUSO SA NANGUTANG PARURUSAHAN
BILANG na ang araw ng mga nagpapautang na abusado kung maningil dahil magkakaroon na ng kaparusahan sa mga ito. Ayon kay Senador Win Gatchalian, ngayon pa lang ay dapat nang magdalawang-isip ang mga abusadong nagpapautang at nangongolekta ng utang kasunod ng kanyang inihain na Senate Bill No. 1336 o ang “Fair Debt Collection Practices Act” na magbabawal sa paggamit ng ‘di makatarungan, mapanlinlang at abusadong pangongolekta at paniningil ng utang sa bansa. Sinabi ni Gatchalian na ang panukalang batas na ito ay bunga ng samut-saring reklamo na natatanggap ng kanyang…
Read MoreNAG-AAPLAY NA SUNDALO HINIHIRITAN NG P4,500 ARMY COLONEL HULI SA EXTORTION
DINAKIP sa entrapment operation ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-BARMM) ang isang senior military officer ng Armed Forces of the Philippines sa lalawigan ng Maguindanao. Inaresto si Lt. Col. Samsudin Pulua, nakatalaga sa Civil Military Operation (CMO) ng 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army dahil sa reklamong extortion. Ayon kay CIDG-BARMM regional director Col. James Gulmatico, nakatangap sila ng sumbong hinggil sa extortion activities umano ni Pulua sa mga nag-aaplay para pumasok na sundalo. Bunsod nito, isang dragnet operation ang inilatag ng CIDG-BARMM at dinakip ang opisyal habang tumatanggap…
Read MoreCAYETANO TAKOT MAWALAN NG KAPANGYARIHAN – PM KUDETA SA LOWER HOUSE FAKE NEWS NI: NELSON S. BADILLA
TINIYAK ng isang kongresista na hindi totoo ang pinaputok na balita ni House Speaker Alan Peter Cayetano na patatalsikin siya ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. Sa interbyu sa isang radio program, sinabi ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list Rep. Jericho Nograles na “As far as I know there is no coup d’etat that’s happening.” Sa gitna ng akusasyong sadyang pagbalewala ng Kamara de Representantes na simulan nang talakayin ang labing-isang panukalang batas hinggil sa panibagong 25-taong prangkisa ng ABS-CBN Corporation, biglang isiniwalat ni Cayetano nitong Huwebes na kumikilos…
Read More2 PNP OFFICERS SA EURO GENERALS SCANDAL ABSWELTO
IBINASURA ng Sandiganbayan ang kasong paglabag sa Revised Penal Code laban sa dalawang dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) na may kaugnayan sa 2008 Euro generals scandal. Ito umano ay bunga ng kasalatan sa matibay na ebidensiya ng tagausig. Sa ibinabang desisyon ng anti-graft court, nabigo ang prosekusyon na mapatunayang nagkasala nang walang duda sina dating PNP comptroller Eliseo Dela Paz at Romeo Tapucar Ricardo na dating direktor ng PNP Directorate for Plans. Nag-ugat ang reklamo sa dalawa nang akusahan si Dela Paz nang pag-abuso sa kanyang posisyon matapos…
Read MoreKAMPANYA KONTRA HAZING PALALAKASIN
PINIRMAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isang kautusan na ang pangunahing layunin ay palakasin ang kampanya ng gobyerno para mawakasan ang hazing at iba pang fraternity-related violence. Tinintahan ni Pangulong Duterte ang Proclamation no. 907 nito lamang nakaraang Biyernes, Pebrero 21 na nagsasaad na deklarado ang kada ikalawang linggo ng Pebrero bilang National Hazing Prevention Week. Sa naturang proklamasyon ay inaatasan ang Commission on Higher Education na manguna sa nationwide yearly observance ng National Hazing Prevention Week. Samantala, hinihimok din ang lahat ng ahensya ng pamahalaan kabilang na ang…
Read MoreJUSTIN BIEBER NA-BREAK ANG RECORD NI ELVIS PRESLEY
Fifty-nine years – as in 59 years – hinawakan ng King of Rock N’ Roll na si Elvis Presley ang record na ito. Ngayon, na-break na ito ni Justin “The Bieb” Bieber. Ano ang record? The youngest artist to score seven No. 1 albums. You see, ni-release ni Justin, 25, ang album niyang Changes nitong nakaraang Valentine’s Day lang, at ngayon nga ay nag-number one na ito. At ito ang ika-pitong number one album ni The Bieb. Si Elvis Presley naman, sa pagbabalik tanaw, ay nag-number one ang kanyang seventh…
Read More