Fifty-nine years – as in 59 years – hinawakan ng King of Rock N’ Roll na si Elvis Presley ang record na ito. Ngayon, na-break na ito ni Justin “The Bieb” Bieber. Ano ang record? The youngest artist to score seven No. 1 albums.
You see, ni-release ni Justin, 25, ang album niyang Changes nitong nakaraang Valentine’s Day lang, at ngayon nga ay nag-number one na ito. At ito ang ika-pitong number one album ni The Bieb.
Si Elvis Presley naman, sa pagbabalik tanaw, ay nag-number one ang kanyang seventh album na Blue Hawaii noong 1961. He was 26 years old then. At ngayon nga, naungusan na siya ni Justin by a mere one year. Sa March 1 magti-26 ang 21st century King of Pop.
Unang nag-number one ang album ni Justin noong siya’y 16 years old pa lang. Ito ang debut album niyang My World 2.0. Ang apat na sumunod na studio albums, at dalawa sa tatlo na remix o acoustic albums niya ay nag-number one din lahat.
Kasabay ng pag-number one ng latest album ni Justin sa album chart, nag-number one din siya sa R&B at pati sa country songs charts.
Sa United Kingdom naman, dalawang beses pa lang nag-number one ang alin mang album ni Justin. Ito ay ang Changes at ang Believe (2012). Pero mayroon naman siyang seven UK No. 1 singles.
Ang album na Changes ay ang fifth studio album ni Justin. Ito ay follow-up sa kanyang 2015 album na Purpose. Yes, five years ang hinintay ng Beliebers (tawag sa fans niya) para sa studio album na ito!
Kumpara sa mga dating albums niya na puro uptempo songs, itong Changes ay mas mellow, mas R&B ang dating. Ni-release kasi ito matapos ang mahabang self-reflection period ni Justin. Sa period rin na ito siya nagkaroon ng asawa.
Mixed reviews ang nakuha nito mula sa music critics. May nagsabi pang ito ay “subdued and unassuming, which are curious things for mainstream pop to be.”
REACTION NI JUSTIN
Paano at saan nag-express ng pasasalamat si Justin for breaking the record?
Nag-tweet siya, saying na siya ay “grateful,” at nag-“thank you” rin siya sa Instagram.
“Super grateful for this past week with #changes,” sabi niya sa Twitter. “This week is the big finale of #JustinBieberSeasons and another music video from changes on @AppleMusic and I think I might give you a visual album.”
Ang album na Changes ay nakakuha na ng 231,000 equivalent album units last week, according to Billboard.
CONGRATS MULA SA PAMILYA NI ELVIS
Sa official Twitter page ni Elvis Presley, binati ng pamilya ng yumaong music legend si Justin Bieber.
“Music history was made,” sabi ng tweet. “What does the King of Rock n Roll have in common with the 21st century King of Pop? Congratulations on setting a new record @justinbieber.”
Nagpasalamat naman si Justin sa “the King and to the entire Presley family.” BEN BANARES
