BULACAN – Patay ang isang 17-anyos na ina at tatlong buwan gulang niyang sanggol habang siyam na iba pa ang sugatan nang mawalan ng preno ang isang 10-wheeler truck na may kargang backhoe at inararo ang tatlong sasakyan, ilang kabahayan at isang tindahan sa Quirino Highway, sakop ng Barangay Sto. Cristo, San Jose del Monte City sa lalawigang ito, nitong Martes ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang namatay na si Michelle Ramos, 17-anyos, at kanyang anak na sanggol na si Matthew Banguit, agad binawian ng buhay sa insidente…
Read MoreMonth: February 2020
NEGOSYANTE PATAY SA KAGAWAD
BATANGAS – Patay ang isang negosyante matapos barilin ng barangay kagawad na kanyang sinapak sa Barangay Sinisian, Calaca, Batangas noong Martes ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Reymundo Endozo, residente ng Barangay Poblacion, Calaca. Kusang loob namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Manuel Del Rosario, residente at kagawad ng Barangay Caluangan. Ayon kay P/Maj. Vergilio Jopia, hepe ng Calaca police, nangyari ang pamamaril sa Barangay Sinisian matapos na magpang-abot ang dalawa sa isang gasolinahan. Nakatayo umano sa gas station ang kagawad ngunit nang…
Read MoreNA-DEPRESS SA EVACUATION CENTER SURVIVOR NG LINDOL NAGBIGTI
NORTH Cotabato – Nang mawalan ng pag-asang makaalis sa tinutuluyang evacuation center ay nagpasya ang isang 47-anyos na earthquake survivor na magbigti sa Sitio Balawan, Brgy. Malasila noong Lunes ng gabi. Kinilala ni Barangay Malasila Chairman Melvin Fortajada ang biktimang si Marciano Adlaon, residente ng nasabing lugar. Naulila ng biktima ang kanyang misis at walong mga anak na pawang menor de edad. Dagdag ng opisyal, kabilang si Adlaon sa 90 pamilyang nilisan ang kanilang lugar makaraan ang sunod-sunod na lindol na sumira sa maraming kabahayan noong Oktubre 2019. Ani ni…
Read MoreAYAW MAG-OVERTIME 4 OBRERO KINULONG SA WAREHOUSE
CAVITE – Nasagip ng mga tauhan ng Cavite Police ang apat na mga empleyado ng isang kumpanya matapos na “ikulong” ng kanilang mga amo sa kanilang warehouse sa bayan ng Kawit, nang tumangging mag-overtime. Sinampahan ng kasong illegal detention ang mga suspek na sina Qinghui Qui, 37, at Bin Chen, 32, kapwa Chinese national at operations manager ng Dan Chang Company at kapwa stay-in sa warehouse ng Gold Key Construction Management Inc. sa Brgy. Toclong, Kawit, Cavite, dahil sa reklamo nina Rolando Averilla, 30; Jaime Valenzuela, 43, driver; Ian Clark…
Read MoreGINANG PATAY SA MISTER NA ADIK
PANGASINAN – Hindi umubra ang kasong isinampa ng misis sa kanyang mister na umano’y adik matapos itong tuluyang patahimikin nang pagsasaksakin sa loob ng kanilang silid, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Jennelyn Qumiang habang tinutugis naman ang suspek na si Reynaldo Catungal Loresco, kapwa residente ng Brgy. Cablong sa bayan ng Sta. Barbara sa lalawigan ng Pangasinan. Batay sa report ng Sta. Barbara Police Station, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa loob ng kuwarto ng mag-asawa sa nasabing lugar. Lumabas…
Read More3 MANGINGISDA PINASABOG SA DINAMITA
MASBATE – Patay ang tatlong mangingisda matapos silang hagisan ng dinamita ng hindi kilalang mga suspek sa gitna ng karagatan sakop ng bayan ng Balud sa lalawigang ito, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Arthur Villaruel, Lito Salvana, at Rosel Reyes habang nakaligtas naman sina Jomar Dela Cruz, 32, at Noli Almoguera, 35, pawang mga residente ng Brgy. Panubigan, Balud, Masbate. Batay sa report ng Balud Police Station, dakong alas 9:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa gitna ng karagatan sa Brgy. Danao sa nabanggit…
Read MoreNEWSKUPOW BEN BANARES ANNE CURTIS NAG-‘BIRTHDAY SUIT’
PAGBUKAS ko ng Instagram account ko nitong Lunes, February 17, ito ang bumulaga sa akin: dalawang photos ng hubad at buntis na buntis na si Anne Curtis! Ang photos na tinutukoy ko ay kuha ni BJ Pascual at ito ay para sa celebration ng 35th birthday ng Kapuso actress-TV host. Birthday niya mismo noong araw na pinost niya ng nude photos niya. Ang dalawang photos ay may caption na ganito: “I have been so amazed how my body has changed, created and grown a little human being – I can…
Read MoreJAKE NAHILIG SA ASO DAHIL KAY KYLIE
NAGKAROON ng hilig si Jake Cuenca sa aso mula nang naging kasintahan si Kylie Verzosa. Ayon sa aktor, masaya siya sa tuwing nakakalaro ang mga alagang aso ni Kylie. Ngayon ay mayroon na ring sariling mga aso si Jake. “It’s more fun. Ako I love those dogs. Hindi ko naisip na magkakaaso ako ever. I was not a dog person. But now I can’t get enough of them. It’s my thing now,” nakangiting pahayag ni Jake. Masayang-masaya ang aktor sa relasyon nila ng beauty queen. Noong isang linggo ay magkasamang…
Read MoreINAASAHANG PROPOSAL NI DENNIS KAY JENNELYN ‘DI NANGYARI
SWAK: Congratulations sa magkasintahang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa napaka-successful na Co Love Live Concert nila na ginanap sa New Frontier Theater noong nakaraang Sabado, February 15. Kahit punung-puno rin ang katapat na Araneta Coliseum na kung saan doon naman ginanap ang Unified Concert nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo, hindi rin sila nagpatalbog dahil dito napatunayang may paying fans din ang magkasintahan at nag-enjoy sila sa naturang concert. Inaasahan ng fans na magpu-propose na doon si Dennis, pero sure si Jennylyn na hindi mangyayari iyun dahil nakasaad sa…
Read More