WALANG naparurusahang Chinese criminals lalo na ang mga sangkot sa kidnap for ransom dahil umuuwi sa China ang kanilang mga biktima kaya walang naisasampang kaso. Ito ang lumabas sa pagdinig ng House committee on games and amusement kaugnay ng criminal activities ng mga Chinese national na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa. Inamin ni Police Col. Rodolfo Castill Jr., ng Anti-Kidnapping Group ng Philippine National Police (PNP) sa chairman ng nasabing komite na si ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap na nababalewala ang kaso kapag umuuwi na…
Read MoreMonth: February 2020
Food items na may ASF itinapon
BOC, BAI NAGSANIB PUWERSA MATAGUMPAY ang isinagawang pagtatapon ng Bureau of Animal Industry (BAI) at Bureau of Customs (BOC) sa nasabat na mga pagkaing kontaminado ng African Swine Fever (ASF) sa pasilidad ng Intergrated Waste Management sa Trece Martinez, Cavite nitong buwan ng Pebrero. Ang nasabing containerized shipment na naglalaman ng ibat-ibang food items na kinabibilangan ng dumplings, pork-chicken balls, at roast chicken wings ay naka-consigned sa Dynamic M Int’l Trading Inc na dumating sa Manila International Container Port (MICP) noong Disyembre 11, 2019 mula China at inalerto noong Disyembre…
Read More118th Founding Anniversary ng BOC
3 AKTIBIDADES ANG HIGHLIGHTS NAGING sentro sa katatapos na 118th Founding Anniversary ng Bureau of Customs (BOC) ang tatlong ibat-ibang aktibidades noong nakaraang linggo. May temang “Moving Towards a Credible, Modern and Professional Customs Administration” ang okasyon na ginanap sa BOC- Office of the Commissioner sa Port Area, Manila na dinaluhan nina Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III at BIR Commissioner Caesar R. Dulay. Ang tatlong aktibidades ng selebrasyon ay kinabibilangan ng ‘fuel field testing demonstration, inauguration of the BOC Customer Care Center (CCC) at mismong anniversary program proper’ na…
Read MoreBOC – Port of Cebu nanguna
UGNAYAN NG MGA AHENSIYA PINALAKAS PINANGUNAHAN ng Bureau of Customs (BoC) Port of Cabu ang mas lalo pang pinalakas na ugnayan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa kanilang fellowship lunch sa conference roon ng nasabing puwerto. Si BOC Port of Cebu District Collector Charlito Martin Mendoza ang humikayat sa mga partner agencies nito na magkaisa at palalasin ang kanilang mga polisiya na nakakaapekto sa border security at pagpasok ng mga regulated articles sa bansa. Ang mga kasamang ahensiya sa fellowship meeting ay nagpasahan ng kaalaman sa pagpapaunlad ng kani-kanilang…
Read MorePH 3×3 TEAM BUO NA
BUO na ang Team Pilipinas para sa 2020 FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament. Makakasama sa team sina top two players Joshua Munzon at Alvin Pasaol, SEA Games gold medalist CJ Perez at Mo Tautuaa. Kabilany naman sa reserve list sina karl Dehesa at San Santillan na fourth at sixth-ranked players ng bansa sa 3×3 basketball. Ang mga nabanggit ay pinili ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa pamamagitan ng selection committee nito sa pamumuno ni Executive Director Sonny Barrios, kasama sina Eric Altamirano, Jong Uichico, Patrick Aquino at Ronnie Magsanoc.…
Read MoreMPBL Lakan Cup playoffs: 1 PANALO NA LANG SA DAVAO, ZAMBO
NAGTALA ng magkahiwalay na panalo ang Davao Occidental at Zamboanga sa Chooks-to-Go MPBL Lakan Season South division playoffs, Lunes sa at Rizal Memorial Colleges Gym sa Davao City. Mula sa 11-point deficit sa third quarter, nangailangan ang Davao Occ. Tigers ng scoring spurts para ungusan ang Bicol Volcanoes, 77-71. Habang ang Zamboanga Family’s Brand Sardines ay tinalo ng Batangas City Athletics, 78-74. Ang Tigers at Zamboanga ay isang panalo na lang para makausad sa semifinals. Naiwan ang Tigers ng 13 points (34-21) sa second quarter at maging sa huling 6:44…
Read MorePARKS ‘IN’ SA TNT, ‘OUT’ SA GILAS
PINAPIRMA na ng one-year extension contract ng TNT KaTropa si Ray Parks Jr. Dahil dito, isama pa ang pagkuha kay big man Poy Erram, ay kumpleto na ang KaTropa, ayon kay active team consultant Mark Dickel. Ang 26-anyos na si Parks ay may average na 18.8 points, 6.3 rebounds, 3.5 assists at 1.4 steals noong naglalaro pa siya para sa Blackwater Elite. Ngunit mula sa 39 percent shooting ay bumaba ito sa 37. 6% o 12.2 points sa siyam na beses na paglalaro niya sa TNT. Samantala, malabo nang mapasama…
Read MoreERRAM, KATROPA NA
MAHIGIT dalawang linggo bago ang pagsisimula ng 45th PBA, tuloy pa rin ang adjustment na ginagawa ng iba’t ibang koponan bilang paghahanda sa All-Filipino Cup. Pinakabagong kaganapan ay ang pag-trade ng NLEX Road Warriors sa kanilang star center na si Poy Erram at future first-round pick sa TNT. Kasali rin sa three-team trade ang Blackwater Elite. Sa deal na isinumite na sa PBA office at naghihintay na lang ng approval, ipadadala ng TNT si Marion Magat at first-round pick sa Blackwater kapalit ng future first-rounder. Ang future first-round pick ng…
Read MoreFIBA Asia Cup qualifier: PILIPINAS vs INDONESIA, TULOY!
IPINAG-UTOS ng International Basketball Federation (FIBA) sa Indonesia na ituloy ang pagho-host sa opening window ng Asia Cup qualifiers, kabilang na rito ang nakatakdang laro kontra Gilas Pilipinas sa Pebrero 23. Ito ang naging tugon ng FIBA sa kahilingan ng Indonesian Basketball Association (IBA) na i-postpone at i-reschedule ang dalawang qualifying games na iho-host ng naturang bansa, Peb. 20 kontra South Korea at Peb. 23 laban sa Pilipinas, dahil sa pangamba sa worldwide outbreak ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19). Iginiit ni FIBA Executive Director for Asia Hagop Khajirian sa kanyang…
Read More