SINIGURO ng Philippine Amusement and Gaming Corporation PAGCOR na ipasasara ang madadayang Philippine Offshore Gaming Operators na hindi nagbabayad nang tamang buwis sa pamahalaan. Sa pagdinig ng House commitee on games and amusement, sinabi ni Atty. Jose Tria Jr., acting assistant vice president ng Offshore Gaming and Licensing Department ng PAGCOR, sumulat na sila sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para hingin ang listahan ng mga POGO na hindi pa tumutupad sa tungkulin na magbayad ng kanilang buwis. Samantala, lumitaw rin sa nasabing pagdinig na mahigit triple ang bilang ng…
Read MoreMonth: February 2020
SINISI NG SOLON SA ONEROUS CONTRACT. MWSS ‘DI PUMALAG SA MAYNILAD, MLA WATER
HINDI na nagtataka ang isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso kung maging “sunud-sunuran” ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa mga water concessionaire dahil dito nanggagaling ang kanilang sahod. Isa ito sa mga dahilan kaya muling nanawagan si Buhay party-list Rep. Lito Atienza kay Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang i-nationalize ang water service na hawak ng Manila Water at Maynilad. Sa panayam ng Saksi Ngayon kay Atienza, sinabi nito na pinasasahod umano ng mga water concessionaire ang mga opisyales ng MWSS kaya hindi na ito magtataka kung lahat…
Read MoreJOHN LLOYD CRUZ BALIK-PELIKULA NA
NAGBABALIK na nga si John Lloyd Cruz sa showbiz dahil sinisimulan na nito ang pelikulang ‘Servando Magdamag’ na dinidirek ni Lav Diaz under Black Sheep Productions. Ganundin pala si Ellen Adarna. Nagpaparamdam na rin ito dahil nabalik na ang dating ganda ng katawan at lalong gumanda pa raw ito ngayon. Kinuha kasi siyang endorser ng Kamiseta Skin na pag-aari ng BFF kong si Cris Roque. Sabi nga nila, ang ganda-ganda raw ng aura ngayon ni Ellen at bagay sa kanya itong Kamiseta Skin. Siyempre, Aalagaan naman siya nang husto ng…
Read More7 ARESTADO SA P2.9-M SHABU SA TAGUIG
ARESTADO ang pitong suspek sa drug buy-bust operation dakong alas-7:30 ng gabi noong Lunes sa Jolo Sulu St., Quiapo Dos, Barangay Maharlika, Taguig City. Kinilala ang mga suspek na sina Saner Guipal, Mohammad Adjaluddin, Butch Oyo, Arapat Samama, Hans Joseph Casiano, Johanna Usman at Rashid Biri. Nakumpiska mula sa mga suspek ang 433.02 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P2,944,536 halaga. Nauna rito, nagsagawa ng surveillance operation at test buy ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni Percival Cariño, sa ilalim ng liderato ni P/Cpt. …
Read MoreHINDI NATITINAG SA PNP, NBI RAID – SOLON PROSTITUSYON SA POGO BUKAS-SARA
IBINULGAR muli ni Senador Risa Hontiveros na nagpapatuloy ang operasyon ng ilang prostitution den sa hotel, KTVs at spa na tumatangkilik sa nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) dahil nagbibigay sila ng lagay sa mga corrupt na opisyal sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na umaabot sa halagang P10 bilyon. Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na kanyang natuklasan na may ilang hotel na ginagamit bilang front ng prostitution para sa POGOs ang nagbukas matapos ipasara ng mga awtoridad. “A cat and mouse operation is the best way to describe…
Read More2 PULIS SINIBAK SA ‘OPLAN X-MEN’
SINIBAK sa kanilang puwesto ang dalawang miyembro ng Makati City Police makaraang mahuli sa video na nag-imbita sa mga ‘transwoman’ sa kanilang himpilan para sa umano’y ‘Profiling’. Ayon kay Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, ang mga sinibak na sina Pat. Timmy Paez at P/Cpl. Juliet Atal ay isasailalim sa retraining at workshop ukol sa ‘gender sensitivity’. Wala namang naibigay na paliwanag ang mga sinibak na opisyal kung bakit nila inimbitahan sa kanilang himpilan ang transwoman na si Anne Pelos noong Valentine’s Day, Pebrero 14. Sa Facebook video…
Read MoreCRIMINOLOGY STUDENT PATAY SA HAZING
SORSOGON – Patay ang isang Criminology student dahil umano sa hazing. Kinilala ng mga pulis ang biktimang si Omer Despabiladeras. Si Despabiladeras ay isang First Year Criminology student ng Solis Institute of Technology sa bayan ng Bulan. Ayon sa imbestigasyon, sa gitna initiation rites ng Tau Gamma Phi Fraternity ay nawalan ng malay si Despabiladeras kaya dinala sa ospital kung saan siya idineklarang dead on arrival. Sa unang health report, nagka-hematoma o pamumuo ng dugo sa kanyang hita, likuran at iba pang bahagi ng katawan si Despabiladeras. Kasama niya sa…
Read MoreNANUMBAT SA UTOL NA JOBLESS KINATAY
LANAO del Norte – Patay ang isang babae makaraang gilitan at tadtarin ng bala ng kanyang kapatid na ex-convict nang sabihan ng biktima na siya ay palamunin dahil walang trabaho. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Evelyn dela Peña Doiller habang nadakip sa follow-up operation ng pulisya ang suspek na si Pachito dela Peña, kapwa ng Purok 3, Labuay, Maigo, Lanao del Norte. Ayon sa imbestigasyon ng Maigo Municipal Police Station nakitira ang suspek at biktima sa bahay ng kanilang ina. Noong Disyembre ng 2019, nakalaya ang suspek matapos ang…
Read More2 PATAY, 1 SUGATAN SA CHECKPOINT
MISAMIS Oriental – Patay ang isang pulis at ang isa sa limang armadong suspek sa engkwentro sa inilatag na checkpoint sa bayan ng Libertad sa lalawigang ito, nitong Lunes ng gabi. Kinilala ang napatay na pulis na si P/SSgt. Ronald Caayupan, habang sugatan din ang isa pang pulis na si P/SSgt. Fernando Maestrado, parehong naka-assign sa Libertad Municipal Police Staation (MPS). Napatay rin ng mga awtoridad ang isa sa nanlabang mga suspek na si Jephon Pabriga Penangisan, 33, habang naaresto naman kasama nitong si Richard Perez Sa ulat na nakarating…
Read More