AFP PINAKAMAHINA SA SOUTHEAST ASIA; SOLONS DEPENSA NG PINAS ‘DI NAPALAKAS NG US

WALANG napala ang mga Filipino sa isang siglong pakikipag-alyansa sa Amerika dahil imbes na lumakas ang ating depensang militar ay lalo lang itong humina. Ito ang pahayag nina Bayan Muna party-list Reps. Carlos Zarate at Eufemia Cullamat bilang suporta sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Amerika. Ayon kay Zarate, pinakamahina ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa rehiyon ng Southeast Asia gayung nakasandal tayo sa pinakamalakas na puwersa sa buong mundo.“More than a century of over-dependence by our security sector with the US only made…

Read More

DALAGA PATAY SA KALUNGKUTAN 

MISAMIS Oriental – Labis na kalungkutan umano ang nagtulak sa isang dalaga para tapusin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Jerlyn Campeon, 19-anyos at residente ng Sta. Cruz, Tagoloan, Misamis Oriental. Batay sa report ng Tagoloan Police Station, bandang alas-4:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima habang nakabigti sa biga ng kanilang bahay. Kuwento ng pamilya, wala silang matandaan na problemang idinadaing ang biktima maliban na lamang sa pagiging malungkutin nito at mas gustong mag-isa…

Read More

MAG-ASAWANG DINUKOT PINATAY

BUKIDNON – Natagpuang tadtad ng saksak ang isang mag-asawang dinukot ng hindi kilalang mga suspek, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang mga biktimang sina Wilfredo at Mary Grace Amarillo, kapwa residente ng Brgy. Lilingayon, Valencia City, Bukidnon. Batay sa report ng ni Quezon Municipal Police Station, natagpuan ang bangkay ng mag-asawa sa madamong bahagi ng San Jose, Quezon, Bukidnon. Nadiskubreng tadtad ng tama ng bala mula hindi pa mabatid na kalibre ng baril si Wilfredo habang tadtad ng saksak si Mary Grace. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng…

Read More

SA MAANOMALYANG PAG-TAKE OVER SA LOCAL WATER DISTRICTS; PRIME WATER BABALATAN SA KAMARA

TINIYAK ng Makabayan bloc na mayroon silang matitibay na ebidensiya at mga testigong handang humarap sa House of Representatives sa oras na gumulong ang imbestigasyon nito sa umano’y maanomalyang pag-take over ng Villar owned-Prime Water Corp. sa ilang local water districts sa bansa. Ayon kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, ang mga resource person at mga testigong kanilang ihaharap ay kinabibilangan ng mga empleyado na nawalan ng trabaho, mga consumer na nagrereklamo sa palpak na serbisyo ng Prime Water at mga opisyal ng mga water district na magpapatunay na ni-railroad…

Read More

2 BARANGAY SA DAVAO KONTAMINADO SA ASF  

DAVAO CITY – Kinumpirma ng Department of Agriculture-XI na dalawang barangay sa bayan ng Sulop, Davao del Sur ang nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) noong Miyerkoles. Ayon kay Ricardo Oñate, DA-11 regional director, base sa ginawang pagsusuri sa blood samples mula sa mga Barangay Palili at Laperas sa bayan ng Sulop, ay kontaminado ng ASF virus ang nasabing mga lugar. Noong Lunes, isinagawa ng provincial veterinary office ang lockdown sa Barangay Solongvale, Palili at Laperas sa Sulop, at sa Barangay Aplaya sa Hagonoy, Davao del Sur dahil sa duda…

Read More

1 PATAY, 2 SUGATAN SA KALABAW

CAMARINES Norte – Patay ang driver habang sugatan ang dalawang angkas makaraang bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang kalabaw sa bayan ng Daet sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang namatay na si Raymond Niegas, 27, may asawa, driver ng motorsiklo, habang sugatan ang dalawaang angkas na Ryan Torcelino, 33, at isang 14-anyos na binatilyo, pawang mga residente ng Barangay San Roque, Mercedes ng nabatid na lalawigan. Ayon sa Daet PNP, nangyari ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa kahabaan ng Mercedes Road, Purok Ubas, Barangay…

Read More

2 TULAK PATAY SA BUY-BUST

BICOL – Patay ang dalawang drug pusher matapos na manlaban umano sa aarestong mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa dalawang bayan sa Bicol region, nitong Miyerkoles. Kinilala ang napatay na mga suspek na sina John Alfred Lleno, 33, residente ng Buhi, Camarines Sur, at Alvin Dichoso, residente ng Barangay Sampaloc, Sorsogon City. Sa ulat na ipinadala ng Police Regional Office (PRO) 5, isinagawa ang buy-bust operasyon laban kay Lleno dakong alas-2:10 ng hapon sa Barangay Delos Angeles, Buhi, Camarines Sur. Natunugan umano ng suspek na si Lleno na pulis ang…

Read More

OPISYAL NG PNP PATAY SA NPA

ILOILO – Patay ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) makaraang makasagupa ang armadong mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa bayan ng Janiauy sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktima na si P/Capt.  Efren Espanto Jr., team leader ng PNP 6th Reconnaissance Company ng Regional Mobile Force Battalion sa naturang lugar. Sa ulat ni P/Capt.  Dadje Delima, hepe ng Janiauy Municipal Police Station, nangyari ang insidente pasado alas-6:00 ng gabi sa Barangay Aglobong ng nasabing bayan. Napag-alaman, naka-engkwentro ng grupo ni Espanto ang hindi…

Read More

EX-ARMY ITINUMBA NG ‘PULIS’

PATAY ang isang 59-anyos na dating sundalo nang pagbabarilin ng nagpakilala umanong mga pulis  sa Caloocan City. Idineklarang dead on arrival sa Tala Memorial Hospital sanhi ng tatlong tama ng bala ng ‘di pa tiyak na kalibre ng baril, si Ricardo Bona Sr., tricycle operator/driver, ng #314 Calleguapo St., Miramonte Heights, Brgy. 180, North Caloocan. Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling araw malapit sa bahay ng biktima. Batay sa pahayag ng kabiyak ng biktima na si Zenaida, 50, ginising ng kanilang manugang na si Rea ang…

Read More