LUIS AT JESSY, MARAMI NANG NEGOSYO PARA SA FUTURE

MAG-AAPAT na taon nang magkasintahan sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ngayon. Aminado ang dalawa na napag-uusapan na rin ang tungkol sa kasal paminsan-minsan. Bilang paghahanda sa kinabukasan ay mayroon nang  naitayong mga negosyo sina Luis at Jessy. “Actually wala kaming business together. She has her own, she has Señorita (beach wear). But at the same time, we are working together. ‘Yung Lucky and Lulu (perfume business), ‘yon magkasama kami do’n. Pero ‘yung Señorita, that is all her,” pagbabahagi ni Luis. Ayon kay Luis ay sobrang tutok daw ni Jessy…

Read More

OLIGARKIYA NOON AT NGAYON PUNA

PUNA

SILA-SILA ang namamayagpag noon at ngayon. Ang ibig kong sabihin o ang tinutukoy ko ay ang mga oligarko o ­mayayamang tao at negosyante sa Pilipinas na bagaman iilan-ilan ay nagagawang kontrolin ang halos karamihan ng mga negosyo at kapangyarihan sa bansa. Ang sila-silang tinutukoy natin ay ang mga pamilyang Ayala, Lopez, Pangilinan, at mga katulad nila. Ang mga negosyanteng ito ay namamayagpag sa kanya-kanyang panahon o sa madaling salita ay may oras na kinakampihan sila ng nakaupo sa adminsitrasyon. Noon, hindi natinag ang mga Ayala ng ­administrasyon nina dating Pangulong…

Read More

MAGAGANDANG PROYEKTO SA LUNGSOD NG MAYNILA

OKAY O OKRAY

OKAY ang mga ginagawang suporta ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga Manileño lalo na sa mga mahihirap na mamamayan nito bagaman may mangilan-ngilan na hindi masaya sa kanyang ginagawa at iniisip na anti-poor ang mga ­proyekto ng alkalde. ­Subalit para sa mga totoong Manileño at nagmamahal kay Mayor Isko Moreno, totoong tao ang opisyal na kanilang iniluklok sa pwesto na ang iniisip ay para sa kapakanan ng mga mahihirap na mamamayan. Isa sa mga Okay na okay na proyekto ni Mayor Isko ay ang pagpapaganda at pagsasaayos…

Read More

JOHN ARCILLA GAGANAP NA FR. FERNANDO SUAREZ SA ‘SUAREZ: THE HEALING PRIEST’

AYON sa kuwento ni Direk Joven Tan, ilang araw bago binawian ng buhay ang kilalang healing priest na si Fr. Fernando Suarez noong February 6, 2020 ay masaya pa nitong pinanood ang 90 percent ng kanyang bio flick na pinamagatang Suarez: The Healing Priest. Si John Arcilla ang napili ni Fr. Suarez na gumanap ng kanyang katauhan sa pelikula. Maraming film producers ang nag-attempt na isapelikula ang buhay niya pero sa Sarangola Media Productions niya ito ipinagkatiwala. Naging kontrobersyal noon ang sikat na healing priest at aminado si John na…

Read More

NGAYONG WALA NANG VFA EDCA IBABASURA RIN NI DIGONG

MALAKI ang posibilidad na bawiin din ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa Estados Unidos. “The way his body language says, mukhang ayaw niya na rin niyan. Kasi considering na sinasabi niya na it’s about time to stand on our own, strengthen our resources, our capabilities of defending our country,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo. Ang pahayag na ito ni Sec. Panelo ay matapos na pormal na ipaalam ng Pilipinas sa gobyerno ng Estados Unidos ang intensyon ni Pangulong Duterte na tapusin na ang Visiting Forces Agreement (VFA), na nagsisilbing…

Read More

242 PATAY SA MAGDAMAG SA COVID-19 HUWAG MAG-PANIC. -PDUTERTE

UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na manatiling mahinahon sa harap ng nananatili pa ring banta ng COVID-19. Sa taped video message na inilabas ng Radio Television Malacañang, hinimok ng Punong Ehekutibo ang publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa pamahalaan. Ayon sa Pangulo, patuloy ang ginagawang pagtutulungan ng gobyerno, World Health Organization gayundin ng mga nasa pribadong sektor na sama-samang naghahanda sa anomang maaaring mangyari. Tiniyak din ng Chief Executive na hindi magpapabaya ang pamahalaan at nakahanda nitong iuwi ang mga Filipino na nananatili sa ilang lugar sa China na kasalukuyan pa ring…

Read More

TRAVEL BAN ‘DI BABAWIIN MALAKANYANG DEDMA SA ‘GANTI’ NG TAIWAN

DEDMA lang ang Malakanyang sa banta ng Taiwan na babawiin nito ang visa free entry sa mga Pinoy dahil sa travel ban na ipinataw ng gobyerno. Ang katwiran ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ay ordinaryo lamang ang visa at madali lang naman kumuha nito. Ang prayoridad aniya kasi ng Pangulo sa ngayon ay ang kapakanan ng kalusugan at kaligtasan ng mga Filipino. “Alam mo, ang sabi ni Presidente, maselan ang problema ng kalusugan ng ating mga kababayan, iyon ang kanyang primary consideration – iyong safety, kaya nagkaroon ng travel ban. Sinasabi niya, bigyan ninyo ako…

Read More

MGA PINOY HINDI KUNTENTO SA K-12; MGA REPORMA SA EDUKASYON ISINUSULONG NI GATCHALIAN

Maraming mga Filipino ang hindi kuntento sa pagpapatupad ng programang K-12. Ito ang lumabas sa isang Pulse Asia survey para suriin ang pananaw ng taumbayan sa naturang programa. Ayon sa mahigit isang libong (1,200) respondents ng isinagawang survey, 47 porsyento ng mga Filipino ang hindi kuntento sa K-12. Tatlumpu’t walong porsyento naman ang nagsasabing kuntento sila, at 13 porsyento naman ang hindi sigurado kung kuntento nga ba sila o hindi. Sa mga nagsabing hindi sila kuntento sa programa, 78 porsyento ang nagsasabing dagdag gastos ang karagdagang dalawang taon sa high…

Read More

TERORISTA, 3 PA NAHARANG SA NAIA

HINARANG ng Bureau of Immigration (BI) officers na makapasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Swedish national na hinihinalang terorista, at kanyang tatlong kasama. Ayon kay BI Port Operations Division chief Grifton Medina, ang mga pasahero na hindi binanggit ang mga pangalan, ay dumating sa NAIA Terminal 1 noong Pebrero 5 mula sa Singapore. “The passenger was immediately excluded after the immigration officer saw that his name registered a positive hit as a suspected international terrorist,” ani Medina. Idinagdag niyang ang tatlo pang foreign nationals na kasama na nagbiyahe…

Read More