SINA Vic Manuel at Abu Tratter ng Alaska Aces ang ipapalit sa mga umatras na sina Christian Standhardinger at Mac Belo sa Gilas Pilipinas para sa first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers. Naging bahagi si Manuel ng national men’s basketball team sa 30th Southeast Asian Games na nanalo ng gintong medalya sa ilalim ni coach Tim Cone. Si Tratter naman ay nakabilang sa Gilas sa second window ng FIBA World Cup Qualifiers noong 2018. Nauna nang kinuha ng Gilas si Justin Chua ng Phoenix Pulse, na ipinalit naman kay…
Read MoreMonth: February 2020
WAITER KULONG SA SPICY CHICKEN
CAVITE – Hindi pinatawad at ipinakulong ang isang 21-anyos na waiter ng isang restaurant matapos nitong iuwi ang P230 halaga ng spicy chicken sa Bacoor City sa lalawigang ito. Sinampahan ng kasong qualified theft ang suspek na si Aldrin Bautista, waiter ng Somuniko restaurant at residente ng Longos, Brgy. Zapote 5, Bacoor City, dahil sa reklamo ng assistant supevisor ng nasabing restaurant na si Joneil Beloyo. Sa ulat ni PSSgt. Alih Rimbang ng Bacoor City Police Station, pauwi na ang biktima sa kanyang trabaho dakong alas-11:30 nitong Miyerkoles ng madaling…
Read MoreLALAKI NALIBING SA GUMUHONG LUPA
DAVAO de Oro – Nalibing nang buhay ang isang lalaki makaraang matabunan nang gumuho ang lupa habang natutulog sa kanilang kusina, iniulat nitong Miyerkoles sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Abner Abejo, 37-anyos, residente ng Purok 10, Patindol, Mt. Diwata, Monkayo, Davao de Oro. Batay sa report ng Mt. Diwata Special Sub-Police Station, dakong alas-7:00 ng umaga noong Martes nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar. Lumabas sa imbestigasyon, mahimbing na natutulog ang biktima nang biglang gumuho ang lupa at natabunan ang kusina na kinaroroonan ni Abejo. Mabilis na…
Read MoreDalagita, binosohan at minolestiya MANYAK SWAK SA SELDA
BULACAN – Arestado ang isang umano’y manyakis makaraang dalawang beses na hipuan sa dibdib ang isang dalagita at binosohan gamit ang cellphone habang ang biktima ay naghihintay ng jeep sa Brgy. Longos, Malolos City sa lalawigang ito, nitong Martes ng gabi. Base sa report ni P/Lt. Col. Jacquiline Puapu, Malolos City police chief, kinilala ang suspek na si Nel Fajardo y Orence, nasa hustong gulang at residente sa nasabing siyudad, nahaharap sa kasong act of lasciviousness in relation to RA 7610, makaraang hipuin sa dibdib ng menor de edad na…
Read MoreMAG-INA TINUHOG NG DELIVERY BOY
ARESTADO ang isang delivery boy matapos mabuking ng kanyang live-in partner ang lihim na relasyon nito sa kanyang anak sa Brgy. Santolan, Pasig City. Arestado ang suspek na si Mike Bernardez y Vasquez, 39, water delivery boy, matapos ireklamo ng kanyang live-in partner na si Rovelinda Dela Cruz, 39, sa Pasig City Police Station nitong Martes ng gabi. Sa naantalang sumbong sa Pasig CPS, nadiskubre umano ni Rovelinda ang namamagitang relasyon ng kanyang 15-anyos na dalagitang anak at ng kanyang live-in partner nitong Pebrero 6. Napansin umano ng ginang na…
Read MoreNATULOG SA WAITING SHED, LASING TINARAKAN
ILOILO City – Patay ang isang lasing na lalaki nang saksakin ng suspek habang natutulog sa waiting shed, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ang biktimang si Jose Glen Vincent Barranco, 47-anyos, residente ng Brgy. Abangay, Janiuay, Iloilo City. Agad namang nadakip ang suspek na si Leo Arca, residente ng Brgy. Mangil, Janiuay, ng nasabing lungsod. Batay sa report ng Janiuay Municipal Police Station, nangyari ang insidente sa waiting shed sa gilid ng kalsada sa Brgy. Mandong, Janiuay, Iloilo. Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nag-aabang ng…
Read MoreEX-CONVICT PATAY SA LOVER BOY NI MISIS
CAMARINES Sur – Sabog ang bungo ng isang ex-convict matapos barilin sa ulo ng umano’y lover boy ng kanyang misis habang natutulog ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Ramon Belasa, 55-anyos, residente ng Zone 6, Brgy. Paolbo, Calabanga, Camarines Sur. Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Ricardo Villanueva 56-anyos, nakatira sa nasabing lugar. Batay sa report ng Calabanga Police Station, gabi noong Martes, mahimbing na natutulog ang biktima kasama ang misis na si Marites sa kanilang…
Read MoreGRAB DRIVER TODAS SA SAKSAK
NALAGUTAN ng hininga ang isang 29-anyos na Grabe driver habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Malabon makaraang pagsasaksakin ng kalugar sa lungsod na ito, nitong Martes ng gabi. Kinilala ni Malabon City Police chief, P/Col. Jessie Tamayao, ang biktimang si Ronel Gunida, residente sa #913 Gulayan, Brgy. Catmon, habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na si Alex Padilla, 22, ng #828 Gulayan, Brgy. Catmon nasabing lungsod. Ayon kay Tamayao, dakong alas-7:45 ng gabi, masayang kainuman ng biktima ang kanyang kapatid na si Rochel Gunida sa Gulayan nang biglang…
Read MoreNagsabi ng ‘I love you’ sa ibang lalaki BABAE GINILITAN NG LIVE-IN PARTNER
PANGASINAN – Patay ang isang babae makaraang gilitan ng kanyang kinakasama nang isumbong ng anak nilang paslit na nagsabi ng “I love you” ang biktikma sa kausap nitong ibang lalaki sa cellphone, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Tricia Mae Tandoc, 27-anyos, habang nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang suspek at kinakasama nito na si Rodel Mabalot, matapos maglaslas sa sarili, kapwa residente ng Brgy. San Pedro Apartado, Alcala, Pangasinan. Batay sa report ng Alcala Police station, nangyari ang insidente sa bahay ng…
Read More