MAGDARAOS ng general assembly ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na PDP-Laban sa susunod na buwan matapos ang magkakasunod na pagkalas ng ilang miyembro nito. Hindi direktang sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na magkakaroon ang mga ito ng loyalty check subalit inamin na isa sa kanilang pag-uusapan ay patatagin ang partido matapos silang malagasan ng 12 miyembro sa loob ng isang taon. “We wil have a general assembly meeting on March 4 to be attended by Sen. Manny Pacquiao and Cong. Lord Velasco,” ani Pimentel. Si Pacquiao…
Read MoreMonth: February 2020
TERMINATION NG VFA IPINARATING NA SA US
PORMAL nang naabisuhan ng Pilipinas ang Estados Unidos kaugnay sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na i-terminate ang Visiting Forces Agreement (VFA) na nilagdaan noong 1998. Kinumpirma ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na ipinag-utos ni Pangulong Duterte kay Executive Secretary Salvador Medialdea nitong Lunes, Pebrero 10, na sabihin kay Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin na ipadala na ang notice of termination ng VFA sa gobyerno ng Estados Unidos. Iniulat kahapon ni Sec. Locsin na “Deputy Chief of Mission of the Embassy of the United States has received the…
Read MoreP2-B MULTA NG MLA WATER, MAYNILAD Huwag kalimutan – Solon
HINDI lang mga advance collection ng water concessionaires ang dapat iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ito na bayaran bago ang negosasyon sa bagong kontrata kundi ang P2 Billion multa na ipinataw sa kanila ng Korte Suprema. Ito ang iginiit ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza kay Pangulong Duterte kasunod ng panibagong banat nito sa Maynilad at Manila Water na ibalik sa tao ang kanilang nakolektang sewage fees para sa pagpapagawa ng water treatment facilities na hindi pa rin naitatayo sa nakalipas na 22 taon. “President Rodrigo Duterte should…
Read More3 ARESTADO SA TOMA AT BATAK
ARESTADO ang tatlo katao sa magkahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng Las Piñas City Police, nitong Lunes ng hapon hanggang gabi. Unang nasakote sa buy-bust operation dakong alas-5:30 ng hapon ang suspek na si Eric Davin sa Rizal St., Brgy. CAA, Las Piñas City. Nakuha sa suspek ang dalawang piraso ng plastic sachet na may limang gramo ng hinihinalang shabu na P34,000 ang street value, at P200 marked money. Ang suspek ay nakakulong na sa Station Custodial Facility ng lungsod at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o…
Read MoreP68-M SHABU TIKLO SA NIGERIAN, AFRICAN
UMAABOT sa P68 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang Nigerian at kasamang African sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City, nitong Martes ng umaga. Nadakip sina Lawrence Ikegwuruka, 37, Nigerian national, at Michella Augustin Tsimaluto, 23, African national, pasado alas-10:00 ng umaga sa Roces Avenue sa Barangay Paligsahan. Ayon kay PDEA Agent Freddie Banagao, nakatanggap sila ng ‘tip’ kaugnay sa malakihang bentahan ng ilegal na droga sa nabanggit na lugar kaya agad silang nagkasa ng buy-bust operation laban sa…
Read More1 PATAY, 6 SUGATAN SA MONTERO
DEAD on the spot ang isang babae habang anim ang malubhang nasugatan makaraang suruin ng isang Mitsubishi Montero sa Sta. Cruz, Manila, nitong Martes ng hapon. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, station commander ng Manila Police District-Sta. Cruz Police Station 3, bandang 2:15 ng hapon nang mangyari ang insidente sa panulukan ng Soler St. at Raon St. sa Sta. Cruz. Nabatid sa report ng pulisya, galing sa Bataan ang driver ng puting Mitsubishi Montero (RKW-502) para umano bumili ng videoke machine sa Salonga Music Store sa lugar.…
Read MoreMAYOR SA NARCO-LIST NI DIGONG, PINATAY
PATAY ang isang alkalde sa lalawigan ng Maguindanao, makaraang pagbabarilin ng hindi kilalaang mga suspek sa harap ng isang hotel sa Malate, Maynila, nitong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Abdul Wahab Sabal, 45-anyos, may asawa at mayor ng munisipalidad ng Sultan Sumangka (Talitay), Maguindanao. Nangyari ang insidente sa harap ng Manra Hotel sa panulukan ng Quirino Ave. at Leveriza St. bandang alas-10:02 ng gabi noong Lunes. Kababa lamang umano mula sa sasakyan ng alkalde kasama ang kanyang maybahay na si Mohana Sabal at bodyguard na si P/Cpl. Alwal…
Read More4 TULAK TIMBOG SA P.4-M SHABU
CAVITE – Bagsak sa kulungan ang apat katao makaraang makumpiskahan ng tinatayang P.4 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Rojan Jude Constantino, 25, clothing line designer; Edward Bagasalay, 26; Dilinogun Dimasangkay, 59, at James Alas, 24-anyos. Sa ulat ni P/SMSgt. Christian Rosales ng Bacoor City Police Station, dakong alas-9:40 nitong Lunes ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang mga miyembro ng Station Drug Enforcent Team (SDET) ng Bacoor CPS at PDEA Cavite sa Evangelista…
Read MoreBUNTIS AT MISTER DEDBOL SA BUNDOL
OTABATO – Patay ang isang buntis at ang kanyang mister makaraang salpukin ng kasalubong na sasakyan habang lulan ng motorsiklo, iniulat nitong Martes ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang mga biktimang sina Jelly Padayao, 4-buwang buntis, beauty advisor, at Aladin Dagan Edol, 32-anyos, technician at residente ng Pikit, Cotabato. Habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Ansalo Abdulasam Nasser. Batay sa report ng Matalam Police Station, nangyari ang insidente sa Brgy. Manubuan, Matalam, North Cotabato. Lumabas sa imbestigasyon, sakay ang mag-asawa ng motorsiklo para ihatid ni Edol si…
Read More