VENDOR UTAS SA DOS POR DOS

LAGUNA – Patay ang market vendor makaraang hatawin ng dos por dos habang natutulog sa palengke sa Biñan City noong Lunes ng madaling araw. Kinilala ng Biñan City police ang biktima na si Domingo Rosario. Batay sa report, madaling araw noong Lunes nang pagpapaluin ng kahoy na dos por dos ang biktima habang natutulog sa hagdan ng Biñan City Public Market. Bigla na lamang umanong lumapit ang hindi kilalang suspek at inatake ang biktima. Mabilis na isinugod ang biktima sa Ospital ng Biñan dahil sa grabeng pinsala sa iba’t ibang…

Read More

BOSERO SWAK SA KALABOSO

CAVITE – Swak sa kulungan ang isang 19-anyos na binatang mangangahoy makaraang bosohan ang isang ginang na naliligo sa banyo sa labas ng kanilang bahay sa Bacoor City sa lalawigang ito. Bukod sa acts of lasciviousness, sinampahan din ng kasong paglabag sa Sec. 11 ng RA 9165 ang suspek na si Michael Vergara, isang delivery boy at residente ng Silver Crest Dos St., Justine Ville Subd., Panapaan VI, Bacoor City. Ayon sa salaysay ng biktimang si Mina, 47, kay P/Corporal Christian Jovita ng Bacoor City Police Station, naliligo siya sa…

Read More

SANGGOL DINUKOT SA OSPITAL, SUSPEK HULI

BULACAN – Arestado ang isang babae makaraang tangayin ang bagong silang na sanggol nang salisihan ang ina na pumasok sa comfort room sa ward section ng Rogaciano Mercado Hospital sa Barangay Poblacion sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigang ito, nitong Lunes. Sa report na isinumite kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, acting provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO), kinilala ang suspek na si Ma. Sherlyn Salac y Payungayong, residente sa nasabing bayan at nakapiit na dahil sa kinakaharap na kasong abduction. Ayon sa imbestigasyon, makaraang manganak ang ginang…

Read More

MUKHA NG LASING BASAG SA MAGBIYENAN

AKLAN – Basag ang mukha at wala nang buhay nang matagpuan sa bangin ang isang lasing makaraang hatawin ng kawayan ng magbiyenan na pinagmumura umano ng biktima, iniulat nitong Martes ng umaga sa nabanggit na lalawigan. Kinilala ang biktimang si Renato Tornino de Manuel, magsasaka, nasa  hustong gulang at residente ng Sitio Binitinan, Oquendo, Balete. Nadakip naman ang magbiyenang mga suspek na kinilalang sina Ruperto Modesto, 52-anyos, at Jinky Agudez, nasa hustong gulang, kapwa residente ng Sitio Hal-o, Oquendo, Balete. Batay sa report ng Balete Police Station, dakong alas-7:00 ng…

Read More

RAPE-SLAY VICTIM PINAKAIN NG UNDERWEAR

MISAMIS Oriental – Hinihinalang ginahasa bago pinatay ang isang babae na natagpuan ng mga pulis sa abandonadong bahay sa Brgy. Natumulan sa bayan ng Tagoloan sa lalawigang ito. Ayon sa imbestigasyon, inabutan ng mga pulis na walang saplot pang-ibaba at may busal na underwear sa bibig ang biktimang wala nang buhay. Nauna rito, sinabi ng pulisya na nakatanggap sila ng sumbong mula sa basurerong si Julimer Jabagat na may nakita siyang bangkay sa abandonadong bahay na iniimbakan niya ng kanyang mga kalakal. Ayon kay P/Lt. Romeo Adlaon, team leeader ng…

Read More

GRADE 10 NAGBIGTI SA PUNO NG MANGGA

CAMARINES Sur – Tinapos ng isang lalaking grade 10 student ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti dahil sa hindi nabatid na dahilan, iniulat nitong umaga ng Martes sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Darwin Presentaction, 15-anyos, estudyante ng  Mantalisay High School at residente ng Barangay Tarum, bayan ng Libmanan sa Camarines Sur. Batay sa report ng Libmanan Police Station, dakong alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa puno ng mangga habang nakabigti at wala nag buhay. Kuwento ng ama na si Domingo, blangko siya sa…

Read More

2 TANOD PATAY SA OPERATION LINIS

ISABELA – Dalawa ang patay habang sugatan ang pitong iba pa na pawang kabilang sa isinagawang operation linis sa Brgy. Ballacayu, San Pablo City sa lalawigang ito makaraang araruhin ng isang SUV, nitong Martes ng umaga. Hindi umabot nang buhay sa Milagros District Hospital ang dalawang biktimang sina Ambrocio Lagundi y Cabaddu, 47,  at Rodrigo Pacion y Gamal, nasa hustong gulang, kapwa barangay tanod. Habang sugatan naman sa insidente bandang alas-9:50 ng umaga. sina Anthony Soriano, 34; Francisco Allata; Redentor Telan; Aaron Soriano, 17; Philip Macapagal, 25, SK chairman; Jose…

Read More

PILITA PINASARINGAN NI LOTLOT

BAGAMA’T walang direktang pinatungkulan, halatang ang dati niyang biyenan na si Pilita Corrales ang pinasaringan ni Lotlot de Leon in her post. ‘Yun ay bilang reaksiyon sa ipinagbanduhan pang paninita ni Pilita kay Janine Gutierrez (anak ni Loltlot) in an online showbiz program recently, na may kinalaman sa December 2019 post nito tungkol sa TV comeback ni Bong Revilla. Bago kasi ang panayam kay Pilita sa programa, ipinagmalaki niya sa isa sa mga host nito na, “Pinagalitan ko si Janine. I told her ‘you’re wrong, you’re wrong’!” Una sa mga…

Read More

INA RAYMUNDO NAKAW-EKSENA SA FILM AMBASSADOR’S NIGHT

NAKA-EKSENA raw si Ina Raymundo sa nakaraang Film Ambassador’s Night na ginanap sa Maybank Theater noong nakaraang Linggo. Ang sexy raw kasi ni Ina sa suot niyang terno na top pero luwang-luwa ang boobs. Biro ng aktres, naparami lang daw ang pagkain niya ng lumpia toge. Pero sa totoo lang, ang dami pa rin ngang nagka-crush kay Ina na mga bagets kahit mag-45 years old na ito. Thank you raw kay Jennifer Lopez dahil kahit 50 na ito, nanatiling sexy pa rin. Kaya naman karamihan sa mga artistang babae, talagang…

Read More