1 PATAY, 1 SUGATAN SA TANDEM

PATAY noon din ang isang 33-anyos na lalaki habang sugatan naman ang kanyang kasama matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Valenzuela city, kahapon ng umaga. Kinilala ni Valenzuela City Police chief, P/Col. Carlito Flores ang biktimang si Eduardo Berangberang ng #8 Narcisa St., Brgy. Canumay East habang inoobserbahan sa Valenzuela Medical Center ang kasama nitong si Ranny Cainday sanhi ng mga tama ng bala sa katawan. Ayon kay homicide investigator P/SSgt. Regor Germedia, tinatahak ng mga biktima ang Dulalia Street sa Brgy. Lingunan patungo sa Lawang Bato flyover bandang…

Read More

CORONANG TINIK

SIDEBAR

Nakakalungkot isipin na dalawang araw bago lumapag sa Clark International Airport ang chartered Royal Air flight na nag-evacuate sa 30 Pilipinong nagtratrabaho sa epicenter nang nakakamamatay na Coronavirus sa Wuhan City sa Hubei, China, nagprotesta ang mga residente ng Capas, Tarlac para tutulan ang paggamit sa Athlete’s Village bilang quarantine center. Mismong ang mayor ng Capas City na si Reynaldo Catacutan ang nanguna sa pagtutol na gawing ­quarantine center ang Athletes Village sa New Clark City at nagpasa pa ng resolusyon ang Municipal Council ng Capas sa pangu­nguna ni Vice…

Read More

VENDOR NALUNOD SA BREAKWATER

NATAGPUANG nakalutang ang isang 53-anyos na vendor sa  breakwater sa Happy Land, Manila Bay, Tondo,Manila kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Diomedes Genebraldo y Lipanta, may live-in partner at residente ng #49 Carnation St., Happy Land, Barangay 105, Zone 8, Tondo. Batay sa ulat na isinumite ni Det. Dennis Suba kay P/Capt. Henry Navarro, hepe  ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 10:00 ng umaga nang madiskubre ng 18-anyos na si Renato Niangan Jr. ang bangkay ng biktima. Agad niyang ipinagbigay-alam sa pulisya ang insidente na agad iniahon ang biktima…

Read More

BUHAY NG BEBOT TINAPOS SA NYLON CORD

NAKASABIT sa kisame ang isang babae nang madatnan ng kanyang kinakasama sa loob ng kanilang inuupahang bahay sa Valenzuela City noong Linggo ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa Valenzuela City Emergency Hospital ang biktimang si Noralyn Ubaldo Calig, 21, tubong Sagrada Familia, Minalabac, Camarines Sur. Sa ulat ng Valenzuela City Police Station, kumatok nang kumatok sa kanilang inuupahang bahay sa #36 Damayan St., Dalandanan, ang kinakasama ni Calig na si Dominador Panes bandang alas-5:00 ngunit walang nagbukas ng pinto kung kaya’t pinasok na lang ang bahay. Sinabi ng pulis,…

Read More

FDCP’S 2020 CAMERA OBSCURA AWARDEES

KAMAKALAWA, February 9, 2020 ay ginanap ang 4th Film Ambassadors Night of the Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig City. Sangkatutak na awardees ang pinarangalan: 66 lahat-lahat mula sa Filipino film industry artists, filmmakers, and films across genres and formats that received awards in film festivals abroad. Hinati ang mga ito sa pitong categories: short films, TV awards, technical & creative awards, actors, full-length films, special citations, and A-Listers (ito yung mga nanalo sa mga bigating film festivals sa buong mundo gaya…

Read More

UE STUDENT NEGATIBO SA NCOV

NEGATIBO sa 2019 Novel Coronavirus (nCOV)ang isang grade 12 student ng  University of the East (UE) na umano’y  na-confined sa UERM Medical Hospital. Kinumpirma ito ng naturang unibersidad makaraang matanggap ang resulta ng laboratory examination mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM). Ayon kay UE President Ester Garcia, ang nasabing estudyante ay unang nagpakonsulta sa school clinic dahil sa pagkakaroon ng ubo matapos magbiyahe sa Hong Kong noong nakalipas na Chinese New Year. “Nitong Sabado ay nakuha na ang resulta na ‘negative’ pahayag ni Garcia. “The student instead appears…

Read More

LALAKING NAWAWALA SA SARILI TUMAWID SA KABLE NG KURYENTE

PINANINIWALAANG nawala sa katinuan ng pag-iisip kung kaya’t inakyat ng isang lalaki ang poste ng kuryente at tumawid pa sa kable nito sa lungsod ng Quezon noong Linggo ng gabi. Nabatid sa report ng Police Station 10 ng Quezon City Police District (QCPD), sa kanto ng Scout Castor at Tomas Morato Avenue nangyari ang pag-akyat ng hindi na pinangalanang lalaki na sinasabing may problema sa pag iisip. Una umanong nasaksihan ng guwardya na si Pepito Abejero ang biglaang pag-akyat ng lalaki sa poste ng kuryente at walang takot umanong tumawid…

Read More

KIM NAIINTINDIHAN NA NGAYON ANG MGA KAPATID SA LABAS

SIMULA ngayong araw ay mapapanood na sa Kapamilya Gold block ng ABS-CBN ang teleseryeng ‘Love Thy Woman’ na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Yam Concepcion at Xian Lim. Ginagampanan ni Kim ang karakter ni Jia Wong na anak ni Christopher de Leon sa ikalawang pamilya. Sa totoong buhay ay anak naman si Kim sa unang pamilya ng amang Chinese. “It’s kind of challenging for me to play the second family. Kasi sila ‘yung parang hindi masyadong pinapansin, pero pinapansin sila ng papa ko. Ito talaga ‘yung nangyayari sa pamilya ng totoong…

Read More

SA LOVE TRIANGLE AT ONSEHAN SA DROGA LIVE-IN PARTNERS ITINUMBA

MASUSING imbestigasyon ang isinasagawa ng Taguig City Police kaugnay sa pagpatay sa mag-live-in partner sa magkahiwalay na lugar sa lungsod nitong Lunes ng madaling araw. Natagpuang patay ang mga biktimang sina alyas Gillian, 25-30 anyos, 5’3 ang taas at  balingkinitan ang katawan, at alyas Negro, 30-35 anyos, 5’6 ang taas at maputi, kapwa may mga tama ng bala sa katawan. Base sa imbestigasyon, ala-1:45 ng umaga nang matagpuang nakahandusay sa loob ng bahay sa Purok 10, PNR Site, Western Bicutan, ang katawan ni Negro habang sa kalsada naman natagpuan ang…

Read More