NAGPAPASALAMAT ang inyong lingkod sa ating mga kasamahan sa propesyon at grupo nila na nagbigay ng suporta kaugnay sa aking pagnanais na magkaroon ng komprehensibong legal aid program sa lahat ng law schools upang matulungan ang mahihirap na mamamayan na may problemang legal. Naisipang iakda ng inyong mambabatas na ang House Bill (HB) 2993 o Legal Aid Program Act of 2019 sapagkat nais ko pong magkaroon ng “Legal Aid Clinic” sa lahat ng law schools, hindi lamang sa private schools kundi lalo na sa State Universities and Colleges (SUCs). Ito…
Read MoreMonth: February 2020
MAGBAYANIHAN AT MAGTULUNGAN TAYO LABAN SA NCOV
Enero pa lang ng bagong taon at bagong dekada subalit sobrang dami na ng ating pinagdaanan. Sa pakiramdam ng lahat, napakahaba ng Enero at tila hindi na ito matatapos, pero nalagpasan natin ito at ngayon naman ay nasa buwan na tayo ng mga puso, pero hindi pa rin tayo makahinga at mapalagay ang loob dahil kamakailan ay ginambala ang buong mundo ng nakamamatay na bagong 2019 novel coronavirus (2019-nCoV) na nagsimula sa Wuhan, China na nagdulot ng matinding pangamba lalo na sa Asya. Umabot na sa mahigit 28,000 ang bilang…
Read MoreNCOV DEATH TOLL SA CHINA: 811
PUMALO na sa 811 ang bilang ng mga namatay sa coronavirus. Dahil dito, nahigitan na ng nasabing virus ang SARS noong 2002-2003 kung saan nakapagtala ng 89 na pagkamatay sa loob ng isang araw. Ang SARS o Severe Acute Respiratory Syndrome ay may 774 na namatay. Sa coronavirus deaths, 81 ay sa Hubei province lang. Nababahala na ang buong mundo sa bilis ng pagkalat ng virus at umaasang makahahanap ng vaccine sa lalong madaling panahon. Ang total confirmed coronavirus case ay nasa 37,198 at ito ay sa China pa lang.…
Read MoreMAKARARAMDAM NG SINTOMAS, MAGPA-CHECK-UP AGAD PAGPAPAGAMOT NG MAY NCOV LIBRE
LIBRE o walang bayad ang mga taong sasailalim sa 2019 novel coronavirus (nCoV) test, magpapa-admit at magpapa-quarantine sa government hospital. Tugon ito ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa ulat na may mga pasyente ngayon na nagsasabi na ang libre lang sa coronavirus ay ang test subalit babayaran mismo ng pasyente ang pag-admit at pag -quarantine sa ospital. “Eh kung sa private sila papasok eh talagang gagastos sila pero kung government palagay ko hindi,” ayon kay Sec. Panelo. Imposible aniyang ipasagot ng gobyerno ang bayad sa mga indibidwal na magpapa-test at…
Read MoreKINASTIGO NG MGA MAGSASAKA; KAVILLAR GUSTO LAGING KUMITA
TINAWAG ng isang grupo ng mga magsasaka si Sen. Cynthia Villar na “iresponsable” at puro kita ang nasa isip kahit pa ang problema ngayon sa novel coronavirus (nCoV). “For many, nCoV has become a matter of life and death, but for Senator Villar, it’s still about business and profiteering. She is cold-hearted and shows no compassion for others,” ani KMP chairperson Danilo Ramos. Ayon sa grupo, hindi katanggap-tanggap na nais ni Villar na pagkakitaan pa ang nasabing sakit. “She said: “since there’s a ban on any flight coming in from…
Read MoreNAILUSOT SA SENADO BAGO BUMABA SI HONASAN; P400-M INTEL FUNDS NG DICT ISININGIT
MISTULANG sinadyang isingit sa Senado ang P400 Million intelligence funds sa Department of Information and Communication Technology (DICT) habang senador pa si Secretary Gregorio Honasan. Ito ang ipinahiwatig ng mga mambabatas sa Kamara na sumisilip sa nasabing usapin. Kasabay nito, umapela ang Makabayan bloc sa dalawang kapulungan ng Kongreso na buhayin na ang Congressionl oversight committee para imbestigahan kung papaano ginagamit ang intelligence funds. Sa House Resolution (HR) 702 na inakda ng 17 kongresista mula sa Minority bloc, sinabi ng mga ito na nagkaroon ng insertion sa Senado sa budget…
Read More22 ‘MANGHUHULBOT’ NALAMBAT SA DAGAT
ARESTADO ang 22 mangingisda matapos mabulaga ng mga awtoridad habang gumagamit ng ilegal na pamamaraang kilala bilang “hulbot-hulbot” sa panghuhuli ng isda sa karagatang sakop ng Navotas City, nitong Linggo ng umaga. Alas-7:50 nang maispatan ng mga pulis at Bantay Dagat ang mga mangingisda habang sakay ng Princess Gel Fishing Boat sa dagat, 11.5 kilometro ang layo sa baybayin ng Brgy. Tangos South, ng lungsod. Ayon sa pulisya, nagpapatrolya ang mga pulis at Bantay Dagat nang mamataan ang bangkang pangisda na ilegal na nangingisda gamit ang “hulbot-hulbot” na ipinagbabawal sa…
Read MoreBEBOT TININGGA SA KALSADA
PATAY ang isang 36-anyos na babae makaraang pagbabarilin ng hindi pa tukoy na bilang ng armadong mga lalaki sa Quezon City nitong Sabado. Dead on the spot sa lugar ng pananambang ang biktimang kinilalang si April Sanchez, residente ng Barangay Payatas B sa lungsod. Ayon sa inisyal na report ng Police Precinct 6, nasa gilid ng San Diego Elementary School si Sanchez at may kausap sa kalsada nang hintuan ng apat na lalaking pawang sakay sa dalawang motorsiklo. Isa sa mga suspek na angkas ang bumaba sa motorsiklo at agad…
Read MoreSASAKYAN NG 2 KOREANO NIRATRAT; 2 MALETA TINANGAY NG ARMADO
MASUSING iniimbestigahan ng mga tauhan ng Pasay City Police ang pagkatao ng dalawang Koreano na sakay ng isang Hyundai Starex makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek ang driver ng nasabing sasakyan at inagaw ang dalawang maleta ng dalawang dayuhan dakong alas-3:10 madaling araw nitong Sabado. Nais ng mga awtoridad na malaman kung ano ang mahalagang nilalaman ng dalawang maleta ng mga Koreano, na tinangay ng mga suspek makaraang pagbabarilin ang puting Hyundai Starex (NBZ 8969) ng mga dayuhan na ikinasugat ng driver nito na si Resty Cervantes Jr. Base…
Read More