KAILANGAN pang mapaunlad ang health care services ng bansa. Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mass oath-taking ng mga bagong presidential appointees na idinaos sa Rizal Hall, Malakanyang kamakalawa ng gabi dahil naobserbasyon umano at nakikita niya sa iba’t ibang mga pagamutan ng gobyerno na kaawa-awa ang kalagayan ng mga pasyente. Kaya ang hamon ng Chief Executive sa mga kinauukulan ay bumisita sa mga ospital ng pamahalaan at masaksihan ang kalagayan ng mga pasyenteng sa sahig lang naghihintay dahil na rin sa hindi maayos na imprastraktura. Ang…
Read MoreMonth: February 2020
SENIOR HIGH STUDENT ISINAILALIM SA QUARANTINE; NCOV SCARE SA UE
UMAPELA ang administrasyon ng University of the East (UE) sa kanilang mga estudyante na maging kalmado makaraang maalarma kaugnay sa 2019 Novel Coronavirus. Ayon sa UE Dawn, student publication ng nasabing unibersidad, wala pang kumpirmadong kaso ng 2019 nCoV sa kanilang paaralan ngunit may isang estudyante ang isinailalim sa Person Under Investigation (PUI) para sa nasabing sakit. Nabatid na ito umano ay isang senior high school student na ini-admit at isinailalim sa quarantine sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center Inc. (UERMMMCI). Sanhi ng nabanggit na balita…
Read MoreDOH ‘palpak’ dahil tinipid sa budget – IBON; CAYETANO, SOTTO SINISI
SINA Senate President Vicente “Tito” Sotto III at House Speaker Alan Peter Cayetano ang tinumbok ng isang “independent research group” na mga ‘tunay na salarin’ kung bakit palpak ang Department of Health (DOH) sa trabaho nito, partikular ngayong mayroong novel corona virus acute respiratory disease (nCoV ARD) sa bansa. Ayon sa IBON Foundation, ang badyet ng Department of Health (DOH) na P185.5 bilyon ay katumbas lamang ng 4.52% ng P4.1 trilyong badyet ng administrasyong Duterte para ngayong 2020 na ipinasa ng Kongreso. Nitong 2019, ang P177.7 bilyong pondo ng DOH…
Read MorePAGBAWI SA PRANGKISA ITUTULAK NG SOLON; P33.98B ‘UTANG’ NG NGCP SA PUBLIKO
TINIYAK ni Sen. Sherwin “Win” Gatchalian na hindi niya titigilan bagkus magsasagawa pa nang mas malalim na imbestigasyon sa pagkontrol ng China sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa paglabag nito sa Saligang Batas. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na sakaling mapatunayang lumabag sa Saligang Batas ang NGCP, malamang na bawiin ang prangkisa nito bilang public utility. “Maraming violations lalong-lalo na sa mga dayuhan na nasa critical positions like management and executive positions. Yung audit ang magpapatunay na merong violations. Importante na magkaroon tayo ng proseso na…
Read MoreKALIGTASAN NG OJT GARANTIYAHAN
Inihain ng inyong lingkod sa Kamara ang House Bill 5652 o Intern’s Rights, Welfare and Benefits Bill na naglalayong makabuo ng national framework para sa seguridad at pangangalaga sa mga Interns partikular sa kanilang mga karapatan, kapakanan at tamang benepisyo. Kasi nga nakita ko na karamihan sa mga interns ay mula sa sektor ng mga kabataan na dapat tinatamasa ang lahat ng mga karapatang iginawad sa kanila ng 1987 Konstitusyon at ng iba pang mga batas. Batay sa Saligang Batas, dapat itaguyod at protektahan ng estado ang mga kabataan gayundin…
Read MoreKAPIT-BISIG SA PANAHON NG KRISIS
IPAKITA nating mga Filipino ang pagiging maka-pamilya ng lahi ni Juan Dela Cruz sa panahon ng krisis. Pwede namang ilagay muna sa isang tabi ang magkakaibang paniniwala at kulay dahil maraming kinahaharap na suliranin ngayon ang taumbayan. Hindi lang sa bansa, maging sa buong mundo dahil sa paglabas ng nakamamatay na 2019 novel coronavirus (2019-nCoV). Sinabayan pa nang pag-aalburuto ng Bulkang Taal noong nakaraang Enero 12 subalit sa pangyayaring iyon ay namulat ang mata ng inyong lingkod na bukal sa puso ng mga Filipino ang pagtulong sa ating mga kababayan.…
Read MoreDENISE, NANDIRI NANG MAKIPAGHALIKAN KAY JAKE
SA Linggo ay magtatapos na ang horror drama series na ‘The Haunted’ sa ABS-CBN na pinagbibidahan nina Denise Laurel, Jake Cuenca at Shaina Magdayao. Ayon kay Denise ay kailangang pakaabangan ng mga manonood ang bawat eksena sa kanilang final episode. “The Haunted is a show that is driven by love and trust, and compassion and tortured hearts. I am one of those characters that are hurt and longing for love, and just want somebody to love her. Obsessed ako to have a partner kahit nasa kabilang buhay pa. Madami pa…
Read MoreLOVI POE DARING SA BAGONG PELIKULA
SWAK: Maagang sinilebrayt ng management group ni Lovi Poe ang kanyang kaarawan. Dapat ay sa February 11 pa ang birthday nito, pero nung nakaraang Lunes ay nag-organize na ang manager ng Kapuso actress ng surprise birthday party sa kanya na ginanap sa The Frazzled Cook sa Quezon City. Akala ni Lovi, may meeting siya roon dahil iyun ang sinabi sa kanya kaya siya pumunta. Kaya gulat na gulat siya nang bumungad sa kanya ang pamilya niya, mga close friends at mga katrabaho. Dumalo ang mag-inang Sen. Grace Poe at Bryan…
Read MorePANGARAP NA MAGING PILOTO NI ALDEN NAUDLOT DAHIL SA SHOWBIZ
ANG maging isang piloto ang pangarap noon ni Alden Richards. Kaya lang naudlot ito simula noong pasukin na niya ang showbiz. “Piloto talaga, is always been a dream,” deklara pa niya. “Pero now, na my field of work is acting, medyo I’m looking also at the possibility of directing as well. “Kasi parang I’ve lived my 10 years in showbiz acting in front (of the camera). I’m doing my job in front of the camera, so parang it’s a very interesting angle also to do things behind the camera,” dugtong…
Read More