NGAYONG pasok na sa grand finals ng “America’s Got Talent: The Champions” ang Filipino singer na may split voice na si Marcelito Pomoy, umaasa ang apat na judges ng AGT na sina Simon Cowell, Howie Mandel, Heidi Klum at Alesha Dixon at ang kanyang mga kababayan na siya ang magiging kauna-unahang grand winner ng AGT: The Champions kung saan ang mga kalahok ay mga champion ng iba’t ibang competitions na nagmula sa iba’t ibang bansa. Malakas ang laban ni Marcelino against his co-grand finalist dahil bukod sa namumukod tangi ang kanyang…
Read MoreMonth: February 2020
UAAP SEASON 82 BOYS’ FOOTBALL ATENEO PINASUKO NG FEU
NASA tuktok pa rin ng team standings ang Far Eastern University-Diliman makaraang pulbusin ang Ateneo High School, 4-0 nitong Miyerkoles sa UAAP Season 82 Boys’ Football Tournament sa Rizal Memorial Football Stadium. Ang Baby Tamaraws ay iniangat din ang kanilang puntos sa 14. Hinakbangan ni Gerald Estores si Ateneo keeper Artuz Cezar sa 89th minute para sa ikaapat na goal ng FEU. “In the first round, we failed to score against Ateneo. Everything was mental then. This time we wanted to show that all our efforts in training are not…
Read MoreDAHIL SA NCOV OUTBREAK; ASEAN PARAGAMES DELIKADO
NIREKOMENDA ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagkansela sa Asean Paragames na gaganapin sa Marso 21 hanggang 27 dahil sa novel corona virus (nCov). Ito ang inanunsiyo ni PSC chairman William Ramirez sa press conference kahapon sa Rizal Memorial Coliseum kasunod ang emergency board meeting nila noong Miyerkoles. Nauna nang inurong ang schedule ng 10th Asean Paragames sa Marso, mula sa orihinal na Enero 18 hanggang 25, dahil sa kakulangan ng pondo at logistical considerations. Ngunit ang PSC ay organizing committee lamang at ang pinal na desisyon ay nasa Philippine…
Read MorePSC PROGRAMS KANSELADO RIN
DAHIL pa rin sa pangamba sa Novel Corona Virus-Acute Respiratory Disease (NCOV-ARD), kinansela na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang halos lahat ng mga nakatakdang programa nito ngayong taon. Sa emergency meeting na ipinatawag ng PSC, nagkasundo ang Executive Board sa pangunguna ni Chairman William “Butch” Ramirez, kasama sina Commissioner Ramon Fernandez, Charles Raymond Maxey at Arnold Agustin, na i-postpone ang halos lahat ng mga nakatakdang programa nito para sa taong 2020. Kabilang sa mga naka-iskedyul na events ng PSC ang National Sports Summit at Philippine National Games, at maging…
Read MoreWAP TUTOK SA PINOY WRESTLERS
TAGLAY ang kanilang matagumpay na kampanya sa nakaraang 30th Southeast Asian Games, target ng Wrestling Association of the Philippines (WAP) na makadiskubre ng maraming world-class athletes na isasabak sa international competitions. Sinabi ni WAP president Alvin Aguilar, sapat ang talento ng Filipino wrestlers para makipag-compete sa pinaka-magagaling sa buong mundo, maging sa Olympics. “We are very confident that we have the talents to make it all the way to the Tokyo Olympics,” saad ni Aguilar sa 54th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club…
Read MoreABL ‘DI NAKALIGTAS SA NCOV
ILANG games ng Asean Basketball League (ABL) ang nakansela dahil sa ipinatutupad na travel restrictions sa ilang bansang kasali sa kompetisyon bunga ng novel coronavirus outbreak. Ayon sa ABL, binibigyan lang nila ng prayoridad ang kalugusan ng kanilang teams, players, personnel at fans. Narito ang listahan ng iba pang na-reschedule na games: Formosa Dreamers vs. Hong Kong Eastern sa Pebrero 8, sa Changhua County Stadium, Changhua, Taiwan; Kuala Lumpur Dragons vs Macau Black Bears sa Peb. 9, sa MABA Stadium, Kuala Lumpur, Malaysia; Formosa Dreamers vs Hong Kong Eastern sa…
Read MoreCASIMERO KUMPIYANSA vs INOUE
LUMIPAD na kahapon si WBO bantamweight champion John Riel Casimero patungong Miami, Florida upang doon simulan ang paghahanda sa unification showdown kay Japanese champion Naoya Inoue. Ito ang maituturing na pinakamalaking laban ni Casimero, bagama’t naging kampeon na rin siya sa junior flyweight at flyweight divisions. Sa presscon-cum-sendoff kamakalawa sa Amelie Hotel (Manila), kumpiyansang sinabi ni Casimero na hindi siya natatakot kay Inoue. “Hindi ako natatakot sa kahit sino. Kahit sa timbang ko ngayon, ako yata ‘yung pinakamalakas sa 118 pounds,” deklara ng 29-anyos na si Casimero (29-4, 20 KOs).…
Read MoreUS EMBASSY SINABUYAN NG PINTURA
ARESTADO ang ilang kababaihan na kabilang sa grupo ng mga kabataang aktibista, makaraang sabuyan ng pintura sa harap ng US Embassy sa Maynila, nitong madaling araw ng Huwebes. Ayon sa ulat ng pulisya, humalo sa joggers sa Baywalk ang mga raliyista na mga miyembro ng ng Anakbayan at League of Filipino Students, at nang makalapit sa embahada ay sinabuyan ito ng pintura. Isang pulis ang tinamaan ng inihagis na mga plastik na may lamang pintura. Tinangka rin nilang sulatan ang pader ngunit itinaboy sila ng mga pulis gamit ang mga…
Read MoreNAMAGITAN SA GULO; 16-ANYOS GRINIPUHAN, KRITIKAL
INOOBSERBAHAN sa Tondo Medical Center ang isang 16-anyos na binatilyo makaraang saksakin sa tagiliran habang umaawat sa away ng kanyang kaibigan sa Malabon City. Kinilala ni Malabon City Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) investigator P/Cpl. Rosemarie Mallari, ang biktimang si John Ferson de Roma ng Brgy. Bayanbayanan, habang ang suspek ay kinilala lamang sa alyas na “Jervin”. Ayon sa mga awtoridad, naglalakad ang biktima at kanyang kaibigan na si alyas “Jandie” sa kahabaan ng Liwayway St. Brgy. Bayanbayanan dakong ala-1:00 ng madaling araw nang makasalubong nila ang suspek na humarang…
Read More