PSC PROGRAMS KANSELADO RIN

DAHIL pa rin sa pangamba sa Novel Corona Virus-Acute Respiratory Disease (NCOV-ARD), kinansela na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang halos lahat ng mga nakatakdang programa nito ngayong taon. Sa emergency meeting na ipinatawag ng PSC, nagkasundo ang Executive Board sa pangunguna ni Chairman William “Butch” Ramirez, kasama sina Commissioner Ramon Fernandez, Charles Raymond Maxey at Arnold Agustin, na i-postpone ang halos lahat ng mga nakatakdang programa nito para sa taong 2020. Kabilang sa mga naka-iskedyul na events ng PSC ang National Sports Summit at Philippine National Games, at maging…

Read More

PSC SUSUGAL NG P100-M SA OQT PINOY ATHLETES

(NI VT ROMANO) SAPAT na ang P100 milyon na pondong ilalaan ng Philippine Sports Commission (PSC) para maging inspirado ang Pinoy athletes sa kanilang training at lalahukang Olympic qualifying tournaments (OQT). Umaasa si PSC chairman William Ramirez na magsusumikap ang mga atleta para makahablot ng mas maraming tiket sa 2020 Tokyo Olympics. Katunayan, nakalinya na ang mga qualifying tournament na lalahukan ng mga national athlete. Sisimulan ito ni 2016 Rio Olympics weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz, kasama sina Nestor Colonia, Kristel McCrohon at Elreen Ando, na pawang sasabak sa 2020…

Read More

IMBESTIGASYON SA SEA GAMES, TULOY! — PING

(NI NOEL ABUEL) NGAYONG pormal nang natapos ang 30th Southeast Games ay maaari nang ituloy ang imbestigasyon kung nagkaroon ng korapsyon sa paghahanda sa palaro. Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na dapat matuloy ang imbestigasyon ng Senado upang tuluyang matapos ang usapin at mawala ang agam-agam na nahaluan ng anomalya ang biennial meet. Kasabay nito, agad na nilinaw ni Lacson na walang kinalaman at hindi dapat na masangkot ang mga atleta. “Dapat lang. Magkaiba ang mga atleta at ang organizing committee, ang PHISGOC. Kung ano man ang honors na ibinigay…

Read More

FREE INSURANCE COVERAGE SA PINOY ATHLETES ISINUSULONG

(NI ESTONG REYES) ISINUSULONG ni Senador Manuel ‘Lito’ Lapid ang isang panukalang batas na magbibigay ng libreng insurance coverage sa lahat ng professional Filipino athletes na nakikipagpaligsahan sa pandaigdigang torneo. Ito ay bilang bahagi na rin ng pagbibigay ng parangal at pagkilala sa mga sakripisyo nila para sa bayan. Ayon kay Lapid, dapat lamang bigyan ang ating mga atleta ng insurance protection, partikular yaong mga kumakatawan sa bansa sa international competitions. “Nais nating ibigay ang nararapat na suporta at parangal para sa ating mga atleta na dugo at pawis ang…

Read More

8 GOLDS SISIKWATIN NG PHL SKATEBOARDING TEAM SA SEAG

PINANINDIGAN ng Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines ang nauna nilang pahayag na wawalisin nila ang walong ginto sa 30th Southeast Asian Games. “Yes, we’re looking at sweeping all of our eight events in the SEA Games,” sabi ng presidente nitong si Monty Mendigoria. Paliwanag niya, “I am confident of my projection because when we decided on what events to play, I was told by (Philippine Olympic Committee president) Cong. Bambol (Tolentino) to put in those where we can surely win the gold medal.” Target umano ng grupo…

Read More

RENOBASYON NG RMSC: TAPOS BAGO MAG-SEAG

(NI VT ROMANO) MATATAPOS bago magsimula ang 30th SEA Games ang mga renobasyon ng sports facilities sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC). Ito ang kumpiyansang inihayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez, base na rin aniya sa pahayag ng mga contractor ng anim na major facilities na gagamitin sa biennial meet sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Ayon kay Ramirez, ang Rizal Memorial Coliseum (RMC), na sumasailalim sa major rehabilitation sa unang pagkakataon spol noong 1953, ay inaasahang matatapos sa Nobyembre 14, habang ang Ninoy…

Read More

4 GINTO TARGET NG BILLIARDS TEAM

(NI JEAN MALANUM) KAYANG manalo ng apat na gintong medalya ang national billiards team sa 30th SEA Games na gagawin sa Manila Hotel Tent City mula Disyembre 3-10. Ayon kay Billiards and Snookers Congress of the Philippines secretary general Robert Mananquil, mataas ang morale ng mga atleta at handa silang lampasan ang dalawang ginto, isang silver at dalawang bronze medals na napanalunan nila sa Kuala Lumpur, Malaysia noong 2017. Sinabi ni Mananquil na malalim ang kanilang bench na pinangungunahan nina world no. 3 Rubilen Amit, world No. 4 Carlo Biado,…

Read More

P1.2-B PONDO; PSC TODO-SUPORTA SA MGA ATLETA

(NI JEAN MALANUM) NAGLAAN ang Philippine Sports Commission (PSC) kabuuang P1.2 billion pondo para sa pangangailangan ng pambansang atleta sa 30th Southeast Asian Games. Ang nasabing halaga ay hinati sa tig-P600 million  –  para sa aktwal na partisipasyon ng mga atleta sa biennial meet at sa iba’t ibang foreign exposure o training sa abroad bago ang aksyon sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. “This is the first time the PSC is spending P1.2 billion just for the athletes,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez matapos lagdaan…

Read More

NAT’L SPORTS ACADEMY SUPORTADO NI DU30

sports44

(NI BETH JULIAN) SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng National Academy for Sports para sa mga highschol students. Ito ang bahagi ng talumpati ng Pangulo sa kanyang SONA. “I support the measure to create the National Academy for Sports for  highschol students”, wika ng Pangulo. Pinirmahan na ni PPRD ang batas sa sports na Republic Act 11214 o “ang Philippine Sports Training Center Act,” kung saan magtatayo ng state-of-the-art sports training facility sa bansa sa Rosales, Pangasinan sa 2022. Bunsod nito, lubos naman ang pasasalamat nina Team Philippines…

Read More