JOHN LUCAS MARKADO ANG PAPEL SA BLOCK Z

Medyo malaki at medyo markado ang papel ng dating Hashtags member na si Jon Lucas sa zombie movie na Block Z. Gumanap siya bilang katropa ni Joshua Garcia. Na-guilty pa si Joshua na iniwan niya ito sa gym nang humingi ito ng tulong habang inaatake ng zombie. Nasa trailer pa si Jon… pero hindi siya nabanggit sa promo. Waley sa poster. Kapuso na kasi si Jon. Kabilang siya sa bagong Kapuso primetime series na “Descendants of the Sun”. Member siya ng Alpha team na pinamumunuan ni Dingdong Dantes. Magpa-pilot telecast…

Read More

LOVI POE MASAYANG-MASAYA SA SURPRISE BIRTHDAY PARTY

Masayang-masaya si Lovi Poe sa surprise birthday party para sa kanya ng mga kaibigan nitong Monday night sa The Frazzled Cook, Brgy. Laging Handa, QC. Kabilang sa mga dumalo roon ang ate niyang si Senador Grace Poe, Snooky Serna, Ms. Dina Bonnevie, Benjamin Alves, Direk Joel Lamangan, Direk Jay Altarejos, Ricky Lee, Albie Casino, Bernard Cloma, Shirley Kuan, Manny Valera, at si Tony Labrusca na leading man niya sa Viva movie na Hindi Tayo Pwede. Syempre pa, punong-abala roon ang manager ni Lovi na si Leo Dominguez. Kahit nasa Paris,…

Read More

MARCELITO POMOY PASOK SA GRAND FINALS SA AMERICA’S GOT TALENT

PASOK si Marcelito Pomoy sa grand finals ng America’s Got Talent: The Champions! Wagi sa semi-finals ang taos-pusong pag-awit niya ng “Time to Say Goodbye” na duet nina Andrea Bocelli at Sarah Brightman. Nag-standing ovation ang audience, maging ang apat na hurado na sina Howie Mandel, Alesha Dixon, Heidi Klum at Simon Cowell. Pahayag ni Howie, “I gotta say that I believe that you have the best shot of winning this whole thing. This is the semifinals and you raised your game. “The woman in you was just as good…

Read More

COMELEC COMMISSIONER IMBIYERNA SA YOUTH LEADER

Ang isa pang nakakalokang eksena noong papunta kami ng Bacolod. Nasa eroplano kami, dinig na dinig namin ang boses ng isang lalaki na parang may tinatalakan siya. Parang may kausap siya na isang general. Nagkaproblema yata sa driver niya na nahuli. Hindi ko lang alam ang buong detalye kung may nakita bang baril or something! Nakakaloka! Kasi ang dami dami niyang kinausap na iritable na siya. Kaya dinig na dinig namin ‘yung tinatalakan niya. Si Kevin Tan pala iyun na anak ni Andrew Tan ng Resorts World. Pagbaba namin ng…

Read More

4 CHILD STARS BIBIDA SA FANTASY MOVIE, MAGKLIK KAYA?

SOBRANG naaliw ako sa biyahe ko pa-Bacolod this weekend. Kasi inimbitahan kami ng dating Cong. Albee Benitez para ma-tour kami sa ipinatayo niyang theme park sa Silay, Negros Occidental. Ito nga ang kauna-unahang theme park sa Visayas na sinisimulan nang dinadayo ng mga tagaroon. Noong October lang ito nag-open pero soft opening pa rin hanggang ngayon, dahil kinukumpleto pa ang ibang rides nila at ilan pang attractions sa theme park na iyun. In fairness, maganda ang feedback kahit kabubukas pa lang. Napakabait daw ng mga staff at affordable naman daw…

Read More

DIMPLES: ‘MISS NA MISS KO NA ANG PAMILYA KO!’

Malaki ang pasasalamat ni Dimples Romana sa teleseryeng Kadenang Ginto dahil maraming naipon ang aktres dahil dito. Kabi-kabila ang naging endorsements ng aktres dahil sa kanyang karakter bilang si Daniela Mondragon sa naturang serye. “Nabilhan ko ng bahay ‘yung nanay ko at saka makakapag-aral si Callie sa gusto niyang eskwelahan dahil dito. Callie will finish as a pilot because of Kadenang Ginto, and that means golden to me.” “I will never forget. Callie will be off to college next year, for aviation in Australia. And because she will be leaving,…

Read More

FR. SUAREZ PUMANAW NA

PUMANAW na ang kontrobersyal na healing priest na si Father Fernando Suarez matapos atakihin sa puso sa loob ng Ayalang Alabang Club House Tennis kahapon ng hapon sa Muntinlupa City. Ito ang kinumpirma kahapon ni Deedee Siytangco, tagapagsalita ni Fr. Suarez, 53, na nagsabing dumanas ng massive heart attack ang nasabing pari. Sinabi ni Siytangco, dakong alas-3:00 ng hapon nang mawalan ng malay si Fr. Suarez habang ito ay naglalaro ng tennis sa loob ng Ayala Alabang Clubhouse. Naisugod pa si Fr. Suarez sa Asian Hospital subalit hindi na ito…

Read More

3 TRIKE INARARO NG TRUCK, 1 PATAY

BATANGAS – Patay ang isang tricycle driver matapos araruhin ng dump truck na nawalan ng preno ang tatlong tricycle sa national highway sa Barangay Buhay na Sapa, sa bayan ng San Juan sa lalawigang ito, nitong Lunes ng tanghali. Agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Dante Mariano matapos unang mahagip ng  dump truck ang hulihang bahagi ng  kanyang minamanehong tricycle. Bahagyang nasugatan din ang asawa ng biktima at ang kanyang tatlo pang pasahero. Base sa report ng San Juan police, nabangga ng dump truck ang dalawang tricycle na sinusundan…

Read More

TOP 12 MWP SA BANSA TIMBOG SA REGION 3

TARLAC – Nakorner ng pulisya ang top 12 national level most wanted person (MWP) na may patong na kalahating milyong sa kanyang ulo at nagtago ng halos dalawang dekada, nang salakayin ng pulisya na armado ng warrant of arrest, ang kanyang hide-out sa Barangay O’Donnell sa bayan ng Capas sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Kinilala ni P/Brig. Gen. Rhodel Sermonia, Regional Director ng Police Regional Police Office (PRO3), ang suspek na si Mario Valerio y Ponce alyas Ruben Basa, 54, may asawa ng Barangay Sta. Monica, Concepcion, Tarlac,…

Read More