4 CHILD STARS BIBIDA SA FANTASY MOVIE, MAGKLIK KAYA?

lolitSOBRANG naaliw ako sa biyahe ko pa-Bacolod this weekend.

Kasi inimbitahan kami ng dating Cong. Albee Benitez para ma-tour kami sa ipinatayo niyang theme park sa Silay, Negros Occidental.

Ito nga ang kauna-unahang theme park sa Visayas na sinisimulan nang dinadayo ng mga tagaroon.

Noong October lang ito nag-open pero soft opening pa rin hanggang ngayon, dahil kinukumpleto pa ang ibang rides nila at ilan pang attractions sa theme park na iyun.

In fairness, maganda ang feedback kahit kabubukas pa lang.

Napakabait daw ng mga staff at affordable naman daw presyo ng ticket.

Ang isa sa exciting dito, nakabuo na rin ng isang pelikula si Papa Albee na prinodyus niya para lalong ma-promote ang theme park niya.

Taga-Negros din kasi si Direk Peque Gallaga, kaya kinuha siyang magsulat ng isang fantasy movie na pinamagatan na ring Magikland.

Doon sa pelikulang iyun ay may mga binuo siyang mga karakter na hango sa mga kilalang folklore ng Negros.

Nakita namin doon ang apat na main characters na mapapanood sa pelikula niyang Magikland.

Apat na elementong isasalarawan daw ang mga legendary folklore ng Negros na sina Boy Bakunawa, Mara Marapara, Pat Patag at Kit Kanlaon.

Pagdating sa pelikula, mga batang artista ang bida rito na gagampanan naman nina Miggs Cuaderno bilang si Boy Bakunawa, Si Elijah Alejo ng Prima Donnas naman si Mara Marapara, si

Princess Aliyah Rabara ng The Voice Kids ang gumaganap na si Kit Kanlaon, at ang batang dancer na si Joshua Eugenio naman ang gumaganap na si Pat Patag.

Mga batang artista ang gumaganap, na hindi sila ganun kakilala, madadala naman daw ito sa ganda ng pelikula.

Pero may special participation ng mga kilalang veteran stars gaya nina Cheire Gil, Rowell Santiago, Jacklyn Jose, Jackie-lou Blanco, Agot Isidro, Maricel Laxa at marami pa.

“It has all the elements. It’s a family-oriented movie…fantasy action.

“In the film, it’s not so much about the artist eh. It’s really the film itself,” sabi ni Cong. Albee.

Nasa post production na itong Magikland na dinirek ni Direk Peque Gallaga. Pero matagal-tagal talaga ang proseso dahil heavy ang CGI dito Computer-Generated Imagery.

Ipinagmamalaki ni Cong. Albee na kaya ng mga Pinoy artists ang computer graphics basta kumpleto lang tayo sa gamit.

Marami naman talaga tayong artists na gumagawa ng CGI ng Hollywood films gaya ng mga nasa Marvel di ba?

“Actually, it’s good for us kasi it highlights the skills ng Filipino artists. ‘Yung mga artistic drawing… mga Pinoy lahat ‘yun eh,” pakli ni Cong, Albee.

Talagang pinupulido pa nila sa ngayon na kapag matapos ito, puwedeng isasabay na rin sa grand opening ng Magikland ang showing nito.

Pero posible ring isasali nila ito sa Metro Manila Film Festival dahil pambata talaga ang pelikula.

226

Related posts

Leave a Comment