Masayang-masaya si Lovi Poe sa surprise birthday party para sa kanya ng mga kaibigan nitong Monday night sa The Frazzled Cook, Brgy. Laging Handa, QC.
Kabilang sa mga dumalo roon ang ate niyang si Senador Grace Poe, Snooky Serna, Ms. Dina Bonnevie, Benjamin Alves, Direk Joel Lamangan, Direk Jay Altarejos, Ricky Lee, Albie Casino, Bernard Cloma, Shirley Kuan, Manny Valera, at si Tony Labrusca na leading man niya sa Viva movie na Hindi Tayo Pwede.
Syempre pa, punong-abala roon ang manager ni Lovi na si Leo Dominguez. Kahit nasa Paris, France ang katotong Jun Lalin ay super-follow up ito sa imbitadong showbiz press.
