TATLO katao ang sugatan, kabilang ang 15-anyos na dalagita, makaraang pagbabarilin ng isang lalaki habang umano’y tumotoma at bumabatak ng ilegal na droga ang mga biktima sa Malabon City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang isa sa mga biktimang isinugod sa Tondo Medical Center, na si Jonathan Bacud, nasa hustong gulang, residente ng Block 10, Lot 9, Magsaysay St., Brgy. San Agustin ng nasabing lungsod. Habang nakatakas ang suspek na kinilalang si Jerry Fabia, 47, ng Magsaysay St., Brgy. San Andres. Ayon sa pulisya, tumotoma at bumabatak ang mga biktima…
Read MoreMonth: February 2020
ASF KALAT NA SA MINDANAO
DISMAYADO ang isang mambabatas sa pagkalat ng African Swine Fever sa maraming bayan sa Davao Occidental na posible umanong makaapekto rin sa iba pang lugar sa Mindanao. Pahayag ni Magsasaka Party-list Representative Argel Cabatbat noong nagpatawag ng House Probe para imbestigahan ang disease outbreak, “Ipinangako ng mga kinauukulan na hindi kakalat ang sakit sa labas ng Luzon, mapananagot ang mga may kinalaman dito at matutulungan àng mga kababayan nating napinsala ang kabuhayan. Parang hindi ito ang nangyari, at sa mga balita nitong nakaraang araw kung saan lumala pa ang sitwasyon”.…
Read MoreMISIS HINIPUAN, OBRERO SWAK SA KARSEL
SA karsel na nahimasmasan ang isang lalaki makaraang hipuan sa dibdib ang isang bagong panganak na ginang habang bumibili ng disposable diaper sa Valenzuela City, nitong Lunes ng gabi. Sa balikat lamang ng biktimang itinago sa pangalang “Shakira,” 23, unang dumapo ang pangahas na kamay ng suspek na si Jerome Jalimao, 42, construction worker, ng #19 Ligaya St., Serrano Subdivision, Brgy. Marulas, habang bumibili ng diaper ang biktima sa isang tindahan sa Anak Dalita, Serrano St. dakong alas-7:50. Hindi nakakibo ang biktima dahil sa takot nang maamoy na amoy-alak si Jalimao ngunit…
Read MorePALARONG PAMBANSA KINANSELA
NAGDESISYON ang Department of Education (DepEd) na kanselahin ang Palarong Pambansa dahil sa novel corona virus. Ipinaalam ito ni Education secretary Leonor Briones sa kasagsagan ng Senate inquiry kaugnay sa 2019-nCov, Martes. Maging ang ibang education-related events kung saan maraming tao ang inaasahang pupunta ay kanselado na rin, ayon kay Briones. “If you take Palaro, you take 30,000 learners as well as parents and grandparents attending. And we have been advised to take care with exposing our children to public places. So right now, the policy is temporary postponement of…
Read More11 DALAGITA MINOLESTIYA NG MANYAK NA EX-SEAMAN
NASUKOL nang pinagsanib na puwersa ng Manila Police District-Special Mayors Reaction Team (SMaRT) at mga tauhan ng MPD-Sampaloc Police Station 4, ang isang 45-anyos na dating seaman makaraang ireklamo ng pagmolestiya sa 11 dalagitang may edad na 12-anyos hanggang 16-anyos, na nakilala niya sa Facebook, nitong Lunes ng gabi sa Sampaloc, Manila. Iniharap kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ni P/Major Rosalino Ibay Jr., hepe ng SMaRT, ang suspek na si Francisco Zorillo y Panaguiton, binata, ng #943-B Maceda St., Sampaloc, Manila. Batay sa ulat ni P/Major Ibay, natimbog nila…
Read MoreWAP 2020 NATIONAL CHAMPIONSHIP SA MARSO
ISASALANG ng Wrestling Association of the Philippines (WAP) ang pinakamalaking event para sa wrestling enthusiasts sa bansa sa unang quarter ng taong 2020. Ayon kay WAP president Alvin Aguilar, gaganapin sa Festival Mall sa Alabang, Muntinlupa City sa Marso 7-8 ang WAP 2020 Nationals Championship, isang open tournament para sa mga lalaki at babaeng grapplers sa Pilipinas. Ang dalawang araw na kompetisyon ay naaayon sa weight division at age category na paglalabanan sa grappling at Greco Roman (men and women). “This first big event of the year aims to discover…
Read MoreLADY RED SPIKERS SOLO FOURTH NA
NASOLO ng San Beda University ang solo fourth sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament makaraang gapiin ang Emilio Aguinaldo College (EAC), Lunes sa FilOil Flying V Centre, San Juan. Bumida para sa Lady Red Spikers sina Cesca Racraquin at Nieza Viray na nagtulong upang makuha ang 25-15, 25-16, 27-25 panalo at matuldukan ang two-game slide para panatilihing buhay ang tsansa na mapasama sa Final 4. Nagsumite si Racraquin ng 22 points na may 18 kills at 3 aces, kasama ang 7 receptions at 9 digs, habang si Viray ay…
Read MoreSWEEP, SASAKMALIN NG NU BULLPUPS
ISANG panalo pa at sweep na ng National University-Nazareth School ang UAAP Season 82 High School Boys’ Basketball Tournament elimination round. Ito’y makaraang sagpangin ng Bullpups noong Linggo ang University of the Philippines Integrated School (UPIS), 113-76, sa Filoil Flying V Centre, San Juan. Haharapin ng defending champions National University-Nazareth School ang 12-1 Far Eastern University-Diliman bukas (Miyerkoles) para sa target na kumpletuhin ang sweep. Ngunit makukuha ng Baby Tamaraws ang top seed kung tatalunin nila ang NU ng 16 o higit pang puntos. Sina Steve Nash Enriquez at Terrence…
Read More45th PBA SEASON AABOT SA 2021
45th PBA SEASON AABOT SA 2021 GAYA ng 44th season, aabutin ng mahigit isang taon ang Philippine Basketball Association (PBA) sa taong ito. Ayon sa mga pinuno ng PBA, ang iskedyul ng nakaraang taon ang susundin nila dahil sa pagsingit sa programa ng Gilas. Kaya magsisimula ang Philippine Cup sa Marso 1. Tampok sa season-opening ang salpukan ng five-time defending champion San Miguel Beer kontra Magnolia sa Araneta Coliseum. Magtatagal ang All-Filipino Cup hanggang Hunyo 2020. Matapos ito ay agad sisimulan ang Commissioner’s Cup kung saan ang mga import ay…
Read More