RAPE VICTIM SA KANAL, PATAY NA

rape

GEN. SANTOS City – Nalagutan na ng hininga ang isang 16-anyos na dalagitang natagpuang sugatan sa kanal makaraang gahasain kamakailan ng hindi kilalang suspek, iniulat nitong Biyernes ng umaga sa lungsod na ito. Namatay dakong alas-8:00 ng umaga nitong Biyernes habang ginagamot sa Dr. Jorge Royeca Hospital ang biktimang si alyas Charina, residente ng Barangay Labangal sa nasabing lungsod. Nauna rito, natagpuan ang biktimang may mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan, sa isang kanal sa Brgy. Baluan. Sinasabing ginahasa ang biktima saka pinagpapalo ng matigas na bagay sa…

Read More

EX-COP, 2 PANG TULAK NAPATAY SA SEMENTERYO

GEN. SANTOS City –Bumulagta sa sementeryo ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang pulis matapos umanong manlaban sa buy-bust operation, iniulat ng pulisya nitong Biyernes ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ang napatay na mga suspek na sina ex-Patrolman Joel Labuen, Anthony John Rosales, 40, at Gary Montero, 37, pawang mga residente ng Poblacion, Polomolok, South Cotabato. Batay sa report ng Regional Police Drug Enforcement Unit 12, dakong alas-7:00 ng gabi nang isagawa ang operasyon sa sementeryo sa Purok Aquino Gate, Cannery, Polomolok. Habang nasa kalagitnaan ng transaksyon, nakatunog ang mga suspek…

Read More

CONG. VILLARICA POSITIBO SA COVID-19

POSITIBO na rin si Congressman Henry Villarica ng Ika-Apat ng Distrito ng Bulacan, sa coronavirus (Covid-19) disease, ayon sa lumabas na resulta mula sa Department of Health-Research Institute for Tropical Medicine (DOH-RITM) noong Huwebes ng gabi. Ayon sa Meycauayan City Information Office, si Villarica ay dinala sa Makati Medical Center noong Marso 18 at nananatili pa rin sa nasabing ospital ngunit maayos naman ang kondisyon. Bagama’t walang nakikitang sintomas ng sakit sa asawa nitong si Meycauayan City Mayor Linabelle Villarica, sumailalim na rin ito sa self-quarantine dahil sa close contact sa kanyang mister. Hindi…

Read More

DURANTE: LOCKDOWN ‘DI SA BUONG MALACAÑANG

NILINAW ni PSG commander Colonel Jesus Durante III na magpapatupad ng lockdown ang Presidential Security Group (PSG) sa mga personnel nito at hindi sa buong Malakanyang. Aniya, inatasan niya ang lahat ng PSG personnel na mag-self quarantine epektibo bukas, Marso 28. Wala aniyang PSG personnel ang papayagan na lumabas ng Malacañang Complex hanggang Abril 10. Mananatili naman ang skeletal work force ng OP personnel at papayagan na pumunta sa kani-kanilang ‘respective offices’ sa loob ng Malacañang complex. Iyon nga lamang ay kailangan nilang sumailalim sa regular screening procedures. “The lockdown…

Read More

PSG HINIGPITAN NA ANG PAGTANGGAP NG BISITA NI PDU30

DADAAN na sa butas ng karayom sa higpit ng sistemang ipatutupad ngayon ng Presidential Security Group (PSG) sa pagtanggap ng mga bisita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraang magpositibo sa coronavirus disease 2019 si ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap na nasa Malacañang nitong nakalipas na Sabado. Sinabi ni PSG Commander Col. Jesus Durante na maliban sa pagtanggap ng bisita ay limitado na rin ang mga pulong ng Chief Executive. Ang huling pulong aniya ng Chief Executive ay ginanap sa Malago clubhouse sa PSG compound at walang personal contact sa mga…

Read More

GOV’T OFFICIALS NA LUMALABAG SA QUARANTINE PROTOCOLS DAPAT IMBESTIGAHAN – MALAKANYANG

PABOR ang Malacañang na imbestigahan ang mga opisyal ng pamahalaan na lumabag sa health protocols na itinakda ng Department of Health (DOH) kung may reklamo laban sa mga ito. Reaksyon ito ng Palasyo kasunod ng mga batikos laban kina Sen. Koko Pimentel at ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap na kapwa nakihalubilo pa sa publiko kahit persons under investigation (PUIs) na at kalaunan ay nakumpirmang positibo sa COVID-19. Si Sen. Pimentel ay sinamahan pa ang misis sa Makati Medical Center at ito ay nagtungo rin sa supermarket sa Bonifacio Global…

Read More

COA DAPAT PA RING MAGTRABAHO KAHIT MAY KRISIS

NILINAW ni Senador Christopher Bong Go na tungkulin pa rin ng Commission on Audit (COA) ang mag-check sa paggastos ng gobyerno sa kanilang pondo. Subalit sinabi ni Go na sa panahon ngayon ng emergency, hindi maaaring maantala ang pagbili ng mga kailangang tulong ng mga ahensiya ng gobyerno para sa pagharap sa krisis ng COVID 19. Aniya, hindi maaaring paghintayin ang pagtulong sa mga mamamayan. Tiniyak naman ni Go na sinabihan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensiya na hindi ito ang panahon ng kurapsyon at mananagot pa rin…

Read More

KABAGALAN NG DOH, PINUNA NG SENADOR

Senador Sherwin Gatchalian

DISMAYADO si Senador Win Gatchalian sa kabagalan ng testing capacity ng Department of Health (DOH) sa COVID 19. Ito ay makaraang matuklasan ng senador na wala pang bagong pagamutan na nabibigyan ng akreditasyon ng DOH para magsilbing testing centers kahit may mga bagong suplay ng testing kits na dumating sa bansa mula sa South Korea at China para sa commercial use. Binigyang-diin ng senador na kahit matambak ang testing kits ay hindi rin agarang magagamit ang mga ito kung wala namang karagdagang pagamutan na magiging testing centers. Kaugnay nito, pinamamadali…

Read More

E-PRESCRIPTION IPINAKUKONSIDERA NG DDB

UMAPELA ang Dangerous Drugs Board sa mga doktor, pharmacists at drug store personnel na ikonsidera ang paggamit ng electronic prescription para sa mga gamot kasama ang listahan ng dangerous drugs sa buong bansa habang nasa ilalim ng state of calamity dahil sa COVID-19 pandemic. Noong nakaraang Linggo, naglabas ng advisory ang DDB na naglalaman ng guidelines sa paggamit ng electronic prescription para sa dangerous drugs. Ito ay nangangahulugan na ang mga pasyente, na may lehitimong pangangailangan, ay maaaring magtanong sa kanilang doktor para ipadala ang photo o electronic copy ng…

Read More