MAHABA na ang pila ng mga namimili sa Agdao Public Market sa Davao City dahil sa ipinatutupad na social distancing o isang metrong layo sa iba pang mga namamalengke para makaiwas sa COVID-19. Ipinatutupad na rin sa palengke ang ‘one entrance at one exit policy’. Para naman malimitahan ang paglabas-masok ng mga tao sa walong malalaking palengke ng Davao, nilimitahan na ang oras sa pamamalengke mula 5am hanggang 6-7pm naman ang iba. Kailangan ding dumaan at umapak sa inilagay na foot bath at washing area para makapaghugas ng kamay bago…
Read MoreMonth: March 2020
COVID POSITIVE SA LAGUNA MULING NADAGDAGAN
NADAGDAGAN pa ang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Laguna kahapon. Sa bulletin na inilabas ng Biñan City Information Office ngayong araw ay tatlo na ang positibo sa siyudad. Ang mga bagong pasyente na tinamaan ng virus ay kinabibilangan ng isang lalaki na edad 39, residente ng Carmona Estates, Brgy. Timbao. Wala itong travel history ngunit nakaramdam ng mga sintomas noong Marso 6 at nakumpirma lamang ito nitong nakaraang Marso 21. Sa Calamba City naman ay nakapagtala na rin ng kauna-unahang kaso ng COVID-19. Ang pasyente ay isa ring lalaki…
Read MoreZAMBALES NAGTALA NA NG UNANG KASO NG COVID-19
ISANG balikbayang lalaki ang kauna-unahang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Zambales. Ayon kay Dr. Noel Bueno, head ng Zambales Provincial Health Office, ang nasabing pasyente ay isang 73 taong gulang na retired US Navy at residente ng Barangay San Gregorio sa bayan ng San Antonio. Base naman sa datos na ibinigay ni Dr. Bueno, ang nabanggit na pasyente ay may travel history mula lalawigan ng Cavite hanggang sa lungsod ng Maynila noong Marso 13 bago ito umuwi sa Zambales noong Marso 15 kung saan ay nakaranas na ito…
Read MoreMABUTI MAY PAGCOR
SALAMAT na lang at mayroong Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR, na naglabas ng bilyong pisong halaga ng kanilang kita para mabigyan ng pondo ang pamahalaan upang labanan ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 o COVID-19. Kamakailan ay opisyal nang na-i-release ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ang P12 billion cash dividends sa National Treasury para saluhin ang mga gastusin na dulot ng epekto sa ekonomiya ng bansa sa ginagawang paglaban sa ng COVID 19. Sa ulat ni PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo, sinabi nito na ang nasabing…
Read MorePANAHON NANG PAGNINILAYNILAY
DAPAT ay mag-isip-isip tayo kung bakit nangyayari itong coronavirus ngayon sa buong mundo. Marahil paalala ito sa tao na may Panginoon na pinakamakapangyarihan sa lahat. Ngayon panahon ng krisis, may mga nag-isip na magdasal at lumapit sa Panginoon. Mayroon din naman lalo pang nagiging pasaway dahil imbes na tumulong sa kapwa Pilipino ay nanamantala pa. May nagtaas ng kanilang paninda, mayroon naman ilang pulitiko na dapat ibigay ng bukas ang kanilang kalooban ang food packs sa kanilang nasasakupan ay binawasan pa. Tulad na lamang ng isang barangay sa Pandi, Bulacan…
Read MoreNFA RICE ‘DI MUNA IBEBENTA SA PRIVATE TRADERS
‘LOCKDOWN’ din ang bigas ng National Food Authority (NFA) dahil hindi muna sila magbebenta sa mga private trader upang unahin ang pangangailangan ng gobyerno ngayong umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ). Ayon kay Jonathan Yazon, NFA-Bulacan manager, nakareserba ang kanilang bigas para sa procurement ng mga local government unit (LGUs) at iba pang government agencies para sa COVID-19 relief operations. Ipinaliwanag ng NFA official na prayoridad nila ang mga provincial, city at local municipalities at ang kanilang mga social welfare and development office para maka-avail ng rice stocks na limitado…
Read MoreSen. Angara, Senate staff positibo rin COVID-19 CASES PUMALO NA SA 707
UMAKYAT na sa 707 ang huling bilang ng Department of Health (DOH) sa mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Sa isang virtual presser, kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na hanggang 4:00 ng hapon ng Huwebes ay nakapagtala pa ang DOH ng karagdagang 71 bagong kaso ng sakit, mula sa dating 636 lamang, kaya’t umakyat na ito sa kabuuang 707. Nadagdagan naman ng pito ang mga pumanaw kaya mula sa dating 38, umabot na ito sa 45. Nadagdagan naman ng dalawa ang bilang ng mga pasyente…
Read MoreMGA KONGRESISTA NAG-SELF QUARANTINE
SUMAILALIM na sa self-quarantine ang lahat ng mambabatas kasama ang kanilang mga staff, na dumalo sa special session noong Lunes, Marso 23, matapos magpositibo ang kanilang kasamahang si ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap sa COVID-19. “The most responsible thing for me to do at this moment is to undergo a two-week self-quarantine,” ani House Majority leader Martin Romualdez kahit wala umano siyang close-contact kay Yap. Ganito rin ang pahayag ni House Minority Leader Benny Abante kung saan maging ang kanyang mga staff ay inabisuhan na sumailalim sa self quarantine bilang…
Read MoreSintomas ng COVID inilihim REP. YAP KAKASUHAN NG PSG
PINAG-AARALAN na ng Presidential Security Group na sampahan ng kaso si Congressman Eric Yap dahil sa hindi pagdedeklara ng tama at pagtatago ng ilang impormasyon nang ito’y magtungo sa Malakanyang nitong nakaraang Sabado para sa isang pulong. Sinabi ni PSG Commander Col. Jesus Durante, nag-fill up nga ng declaration form ang kongresista subalit tila nagsinungaling ito at hindi idineklara na mayroon pala siyang nakasalamuha na mga positibo sa COVID 19. Bukod pa sa hindi rin isinulat ni Yap sa declaration form na may nararamdaman siyang sintomas ng corona virus gaya…
Read More