RIZAL – Inamin ng isang health officer sa bayan ng Taytay sa lalawigang ito, na nasuri siyang positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at ngayon ay naka-home quarantine ngunit stable ang kanyang kondisyon. Sinabi ni Dr. Jeffrey Roxas, sa kabila ng kanyang kalagayan ay nagtatrabaho pa rin siya sa pamamagitan ng pagtawag sa cellphone at nagbibigay ng ‘instructions’ sa mga kawani ng ospital at frontliners, kung ano ang mga dapat gawin. Patuloy rin aniya ang kanyang koordinasyon kay Mayor Joric Gacula hinggil sa up-dates sa COVID-19 cases sa kanilang lugar.…
Read MoreMonth: March 2020
2 PANG PUI SA CAVITE PUMANAW NA
CAVITE – Dalawa katao pa ang nadagdag sa naitalang mga namatay dahil sa coronavirus disease 2010 (COVID-19) sa lalawigang ito, matapos na maging positibo ang resulta ng pagsusuri. Kabilang sa dalawang namatay ang isang 64-anyos na misis ng isang dayuhan na dumating sa bansa noong Marso 5, matapos na positibo ang lumabas na resulta sa isinagawang swab testing. Noong Marso 22 nang pumanaw ang nasabing ginang na residente ng Alfonso, Cavite. Ayon sa Facebook page ni Alfonso Mayor Randy Salamat, ipinapaalam niya sa lahat ng kanyang mga residente ang lumabas na…
Read MoreNA-LOCKDOWN SA BORACAY, OBRERO NAGBIGTI
AKLAN – Nawalan ng pag-asang makauwi sa kanilang lugar ang isang construction worker kaya nagpasyang wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti, iniulat ng pulisya nitong Sabado ng umaga sa bayan ng Malay sa lalawigang ito. Hindi pinangalanan ang 27-anyos na biktimang taga Dumarao, Capiz at nanunuluyan sa Sitio Diniwid, Brgy. Balabag, Isla ng Boracay, Malay, Aklan. Batay sa report ng pulisya, dakong alas-11:00 ng umaga nang matagpuan ang biktima habang nakabigti sa banyo ng tinutuluyan nitong boarding house sa nasabing lugar. Bago ang insidente, tumawag umano ang biktima…
Read More2 PATAY, 4 SUGATAN SA ECQ CHECKPOINT SHOOTOUT
ILOILO City – Namatay ang isang barangay kagawad habang patay rin ang isa sa mga suspek na pinara sa ipinatutulad na enhanced community quarantine checkpoint, habang sugatan ang apat pang mga tanod, iniulat nitong Sabado ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ang biktimang Napatay na si Kagawad Rex Dalmacio, 52-anyos, retired army, residente ng Brgy. Minoyan, Murcia, Iloilo City. Namatay rin ang isa sa mga suspek na kinilalang si Jonel Cardinal, ng Sitio Antawan, Barangay Kanlandog, Murcia, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kanyang kasamang nakatakas. Nilalapatan naman ng…
Read MoreDALANGIN PARA SA LABAN SA COVID-19
LORD, inaamin po naming tao lamang po kami at makasalanan. Pero, kayo na mismo nagsabi na kahit anong dami ng kasalanan ng tao subalit kapag nagpakumbaba at nagdasal sa inyo ay hindi n’yo po pinababayaan. Panginoon, sa mga panahong ito ay nanalangin po kami sa inyo na mawala na po sana itong COVID-19 na patuloy na nananalasa sa mga tao sa buong mundo. Lord, sa panahong ito ay wala po kaming malapitan kundi kayo, kundi kayo lamang po, naniniwala po kami sa inyong kapangyarihan na mawawala ang COVID-19. Dalangin ko…
Read MorePACQUIAO NEGATIBO SA COVID-19
IBINALITA ni Senador Manny Pacquiao na pawang negatibo ang resulta ng kanyang pagsusuri sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) gamit ang rapid testing kit mula sa South Korea. Sa pahayag, nilinaw ni Pacquiao na bago pa man niya natanggap ang liham mula kay Barangay Captain Rosanna Hwang, nakapagdesisyon na siya na mag-home quarantine. “Pagkatapos po ng Special Session sa Senado noong Lunes, March 23, ay hindi na po ako lumabas ng aming bahay,” ayon kay Pacquiao. “Excited pa naman sana ako sa turn-over ng 57,600 Test Kits mula sa aking kaibigan…
Read MorePRICE FREEZE SA LPG, PALAWIGIN
HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na palawigin ang pagpapairal ng price freeze sa Liquified Petroleum Gas (LPG) sa gitna ng inaasahang tatagal ang enhanced community quarantine hanggang Abril. Ang umiiral na price freeze sa LPG at kerosene ay tatagal lamang hanggang Marso 31. Sinabi ni Gatchalian na hindi sapat ang 15-day price freeze sa LPG dahil ang presyo ng produkto ay nadedetermina kada buwan. Sa gitna na rin ng umiiral na health crisis situation, iginiit ni Gatchalian sa DOE na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang…
Read MoreNaitatalang kaso pumalo na sa higit isang libo MGA POSITIBO SA COVID-19 PINALALANTAD
HINIMOK ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang mga ordinaryong mamamayan na nagpositibo sa COVID-19 na boluntaryong lumantad o ipaalam sa publiko ang kanilang kalagayan. Sa ganitong paraan aniya matutulungan ang gobyerno upang mapadali ang contact tracing at maagapan ang paglaganap pa ng virus. Ipinaliwanag ni Lacson na nahihirapan ang gobyerno sa pag-trace sa mga ordinaryong mamamayan dahil hindi pa lubos na naipatutupad ang Republic Act 11055 o ang Philippine Identification System Act. Dagdag pahirap aniya ang Data Privacy Act of 2012 (R.A. 10173), na nagbibigay protekayon sa right to privacy…
Read MoreKakapusan sa bigas ibinabala ng solon GUTOM BUBUNTOT SA COVID CRISIS
NAGPAHAYAG ng pangamba ang isang mambabatas na mas lalala pa ang pagkalam ng sikmura ng mga Filipino sa posibleng kakapusan sa bigas na mararanasan sa bansa matapos ang COVID-19 pandemic. Ito ang babala ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas matapos ianunsyo ng Vietnam na kinakansela na nito ang lahat ng rice exportation upang masiguro ang kanilang sariling food security. Ayon sa mambabatas, karamihan sa mga bigas na inaangkat ng Pilipinas ay galing sa Vietnam at sa katunayan, noong nakaraang taon aniya, umaabot sa 2.3 million metric tons ang mula sa…
Read More