Internet sa kanayunan mapasisigla ‘pag naitayo ang telco towers – CWP ‘RED TAPE’ SA CONSTRUCTION PERMIT INIANGAL

CELL SITE TOWER

PINALAGAN ng isang advocacy group ang ‘red tape’ sa pamahalaan na nagiging dahilan para matagalan ang pagtatayo ng mga tore o cell tower na magbibigay-daan para magkaroon ng internet sa maraming lugar sa bansa. Pahayag ito ng Citizen Watch Philippines makaraang tumanggap ng ulat na naiipit ang mga contractor ng telco towers sa proseso ng construction at work permits mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Partikular na tinukoy ng grupo ang umano’y sobrang habang panahong paghihintay ng building permission sa mga lokal na pamahalaan bago makapag-umpisa ng pagpapatayo ng…

Read More

SENADO PINAKILOS SA SAP DISTRIBUTION

NAIS paimbestigahan sa Senado ang mabagal na pagkakaloob ng ikalawang cash assistance para sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng COVID-19. Ayon kay Senador Leila De Lima, kailangang kumilos ang Senado kung sino ang may pagkukulang sa pagtugon sa pangangailangan ng taumbayan. Sinabi pa ni De Lima, chairperson ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, na inihain nito ang Senate Bill (SB) No. 441 na nag-aatas sa kinauukulang komite sa Senado na mag-imbestiga sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) na nasa ilalim ng Republic Act No.…

Read More

ANTI-TERROR BILL, HINIHIMAY PA BAGO PIRMAHAN NI PDU30

HINIHIMAY pang mabuti ng gobyerno ang benepisyo ng Anti-Terror Bill sa panahong may banta ng terorismo. Sa Laging Handa press briefing ay sinabi ni Sec. Roque na kumbinsido siya na maayos at mabuti naman ang paliwanag ng mga may-akda ng panukalang batas, kasama ang pangunahing may-akda na sina Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson at Vicente ‘Tito’ Sotto. “Ang buong gobyerno naman po dahil sinertipikahan ito bilang urgent, iniisa-isa at hinimay-himay ang benepisyo ng isang anti-terror law sa panahon na talagang banta po ang modern-day terrorism,” ayon kay Sec. Roque. Sa ulat,…

Read More

RAPID TESTING NG PRC PALALAKASIN PA

INIHAYAG ni Senador Richard Gordon na palalakasin pa ng Philippine Red Cross ang rapid testing sa corona virus 2019 (COVID-19) sa lahat upang madali nang makabalik sa trabaho ang mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay sanhi ng lockdown. Sa pahayag, sinabi ni Gordon na kapag napataas at napabilis ang pagsasagawa ng rapid testing sa mamamayan, malaki ang posibilidad na mas mabilis makabalik sa trabaho ang manggagawa. Sa ngayon, umabot sa 17.7 porsiyento ang unemployment rate sa bansa sanhi ng COVID-19 pandemic – pinakamataas sa lahat ng panahon na nilampasan ang 10.3%…

Read More

BACKRIDE MAAARI NA MULING PAYAGAN

POSIBLENG payagan na rin ng gobyerno ang backriding sa motorsiklo sa oras na maayos ng mga kinauukulang ahensiya ang safety protocols na naglalayong bawasan ang posibilidad ng paghawa ng COVID-19 sa nasabing mode of transportation. “Ang DOTr (Department of Transportation), kasama ang DOST (Department of Science and Technology), DOH (Department of Health), MMDA (Metropolitan Manila Development Authority), at DTI (Department of Trade and Industry) ay inatasan na magpulong at alamin ang pinakaligtas at epektibong paraan para mabawasan ang transmission sa back riding sa mga motorsiklo,” ayon kay Presidential spokesperson Harry…

Read More

Lalong nabaon si Juan dela Cruz PH, $8.1-B INUTANG SA DAYUHAN

UMABOT sa 8.1 bilyong US dollar ang inutang ng Pilipinas mula Enero hanggang Marso ngayong taon sa iba’t ibang pandaigdigang pampinansiyang institusyon at bangko, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Nangangahulugang patuloy na nabaon sa utang si Juan dela Cruz, pangalang tumutukoy sa mga Filipino. Ayon sa BSP, mababa pa ang $8.1 bilyon sa inutang ng pamahalaan sa naunang tatlong buwan mula Oktubre hanggang Disyembre 2019 na pumalo lamang sa $83.6 bilyon dahil nagbayad ang pamahalaan ng $4 bilyon sa nasabing panahon. Ibinayad ang $4 bilyon sa iba’t ibang…

Read More

HEPE NG BRGY. TANOD PINATAY SA DUYAN

LAGUNA – Patay ang isang hepe ng mga barangay tanod matapos na ratratin ng hindi kilalang suspek habang nagpahinga sa duyan sa harap ng kanyang bahay sa Calamba City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Tadtad ng tama ng bala ang biktimang si Arturo Jasminola, 57, hepe ng mga tanod ng Barangay San Cristobal. Binawian ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Calamba Doctor’s hospital. Batay sa report ng Calamba City Police, dakong alas-4:00 ng hapon, nasa duyan ang biktima nang dumating ang suspek at pinagbabaril ito. Agad ding…

Read More

MIYEMBRO NG DRUG GROUP TODAS SA OPERASYON

drugs200

LAGUNA – Patay ang isang drug personality matapos na umano’y manlaban sa anti-illegal drug operation sa bayan ng Lumban sa lalawigang ito, noong Biyernes ng tanghali. Kinilala ng Lumban Police ang napatay na si Gibson Gloria, 35, aktibong miyembro ng Manambit drug group at konektado rin sa Jhondy Baldemora drug group na nag-o-operate sa bayan ng Lumban. Batay sa report ng Lumban Police, isinagawa ang buy-bust operation laban sa suspek sa Barangay Sto.  Niño at nakabili ng isang sachet ng shabu ang poseur buyer. Nauwi sa barilan ang operasyon matapos…

Read More

ITIGIL ANG KASAKIMAN AT KATAKAWAN SA PERA

NITONG Hunyo 14, paksa ng Badilla Ngayon ang pagtaas ng matrikula ngayong pasukan. Kung ano ang pamagat ng paksang tinalakay ko ay siya rin ang aking pananaw, paninindigan at panawagan: “Huwag Itaas ang Matrikula.” Ang totoo, panawagan ni Senador Sherwin Gatchalian ang ginamit kong tuntungan upang talakayin ang kawastuhan, kahalagahan at napa panahong panawagang huwag itaas ang matrikula. Ganito ang panawagan ni Gatchalian sa mga may-ari at namamahala ng mga pribadong unibersidad at kolehiyo sa bansa: “With the number of jobless Filipinos soaring to a record high of 7.3 million…

Read More