SINIMULAN na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon nito kaugnay sa diumano’y overpricing na pagbili ng medical equipment sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) crisis. Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Lunes sa kanyang weekly report sa Kongreso. Ani Pangulong Duterte, ang mga indibidwal na idinawit sa sinasabing overpricing ng automated extraction machines ay ipinatawag ng NBI upang tiyakin kung mayroong paglabag sa Price Act at sa Bayanihan to Heal as One Act. Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye pa ang Pangulo. Samantala, sa…
Read MoreMonth: June 2020
ABS-CBN exec, umamin sa House hearing TOTOONG AMERIKANO SI GABBY LOPEZ
INAMIN mismo ng pamunuan ng ABS-CBN na American citizen at may American passport ang kanilang dating chairman na si Eugenio “Gabby” Lopez III. Sa pahayag ni ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, sa joint hearing ng House committee on legislative franchise at House Blue Ribbon committee, inamin nito na American citizen ang dating kapitan ng nasabing network. “Totoo po na may US passport si Mr. Lopez. Ito ay dahil ipinanganak siya sa Amerika at sa batas ng Amerika, kahit hindi Amerikano ang magulang mo, kapag ipinanganak ka sa US, automatic…
Read MoreAlphalist ng mga empleyado pinasusumite sa Kongreso ABS-CBN ‘HUHUBARAN’ SA PAGSISINUNGALING
PINASUSUMITE ng isang mambabatas sa Kamara sa ABS-CBN ang alphalist ng kanilang mga empleyado para malaman kung totoo ang ipinangangalandakan ng mga ito na mahigit 11,000 ang kanilang empleyado. Sa joint hearing ng House committee on legislative franchise at House Blue Ribbon committee, inatasan ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta na isumite ang alphalist ng kanilang binayarang kontribusyon sa Social Security System (SSS) mula 2018 hanggang 2019. Maging ang alpha list ng mga empleyado ng nasabing kumpanya sa kontribusyon ng mga ito sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Pag-IBIG funds…
Read MoreKASO NG COVID-19 SA PINAS: HALOS 19,000 NA
NAKAPAGTALA ngayong araw ng 359 na kaso ng COVID-19 sa bansa kaya sumampa na sa kabuuang 19,000 ang bilang nito. Batay sa panibagong ulat mula sa Department of Health, sumampa na sa 18,997 ang kabuuang bilang ng mga nakumpirmang tinamaan ng pandemic virus sa bansa. Sa naitalang 359 kaso, 176 ang fresh cases o test results na lumabas at na-validate ng DOH sa nakalipas na tatlong araw. 183 naman ang late cases o test results na lumabas sa nakalipas na apat na araw o higit pa pero late na na-validate…
Read MoreGLOBE: PAG-USAD SA DIGITAL MULA CASH PANAHON NA
NGAYON na ang panahon para gawing digital mula cash ang pamamaraan ng pagbabayad. Ang malawakang paggamit ng cash ang magiging pangunahing balakid sa kampanya ng bansa para sa digitalization. Ito ang ipinaliwanag ni Globe President and CEO Ernest Cu sa isang panayam kamakailan hinggil sa ‘new normal’. Ayon kay Cu, magiging mahirap ang mag-iskala kung ang mga negosyo, lalo na yaong may kinalaman sa e-commerce, ay mananatiling umaasa sa cash bilang bayad para sa goods at services. Bagama’t patuloy na tumataas ang online transactions, karamihan sa mga Pinoy at maraming…
Read MoreBARANGAY HEALTH WORKERS GAWING CONTACT TRACERS
“MAS madali ang contact tracing kung sisimulan sa tinitirhan at iniikutang barangay ng COVID-19 victim.” Ito ang paniniwala ni ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran makaraang imungkahi na gawing contact tracers ang mga barangay health worker upang agad maresolba ang kakulangan sa mga ito. Ayon sa Department of Health, nangangailangan sila ng 126,224 contact tracers o isang contact tracer kada 800 katao. “Isailalim lang ang barangay health worker sa online training ng DOH para mas accurate ang pamamaraan ng contact tracing,” ayon kay Taduran. Pinayuhan din ng House Asst. Majority Leader…
Read MorePWEDE NA ANG DINE-IN Pero may pasubali si Sec. Roque
“PINAYAGAN na po ang dine-in operations pero hindi po nangangahulagang piyesta at inuman na,” Ito ang inihayag ni presidential spokesperson Harry Roque makaraang pumayag ang pamahalaan sa gradual reopening ng mga food establishment with dine-in services sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ). Kailangan lamang na masiguro na maipatutupad at masusunod ang health protocols sa ilalim ng dine-in setup alinsunod sa naging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. Ang IATF ang highest policymaking body ng pamahalaan sa pagtugon sa…
Read MoreBRGY. OFFICIALS PINATUTULONG SA PAGTIYAK NA NASUSUNOD ANG HEALTH PROTOCOLS
NANAWAGAN ang isang mambabatas mula sa Kongreso sa lahat ng punong barangay sa bansa na lalong higpitan ang pagpapatupad ng quarantine protocols katulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing kahit sa ilalim ng umiiral na general community quarantine. Ang panawagan ay ipinaabot ni ACT-CIS Party-list Representative Niña Taduran partikular sa mga barangay leader na pag-ibayuhin ang pagpapaalala sa kanilang nasasakupan hinggil sa health protocol na maaaring makaligtaan na dahil sa pagiging abala ng tao ngayong marami na ang balik-trabaho. “We are still in quarantine and COVID-19 is still…
Read MoreRELIGIOUS GATHERINGS, HINDI PA RIN PINALUSOT NG IATF
NAGDESISYON ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na huwag munang paluwagin ang religious gatherings. Ang desisyon, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay napagkasunduan sa pulong ng IATF. “Sa ngayon po, hindi pa papayagan ang mass gathering for religious purposes,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. Sa kasalukuyan, tanging limang katao ang maaaring dumalo sa religious gathering sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) habang 10 katao naman sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ), ang nakasaad sa guidelines na…
Read More