102 QCPD, NCRPO PERSONNEL ISINALANG SA COVID TEST

ISINAILALIM sa swab test sina National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Debold Sinas at Quezon City Police District (QCPD) Director P/BGen. RonnieMontejo at iba pang NCRPO key officers, sa COVID-19 noong Mayo 30 sa QCPD Grandstand, Camp Karingal sa Sikatuna Village, Quezon City. Bukod kina sina P/MGen. Sinas at P/BGen. Montejo, ang miyembro ng NCRPO Command Group, district directors ng limang police districts, station commanders at iba pang mga pulis ay kinunan din ng swab samples. Ang nasabing samples ay dinala sa Red Cross para sa Real Time…

Read More

DATING SEN. RAMON REVILLA SR., KRITIKAL SA OSPITAL

ISINUGOD sa ospital ang 93-anyos na si dating senador Ramon Revilla Sr. matapos umanong makaramdam ng hirap sa paghinga. Sa Facebook page ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., sinabi nitong naka-ventilator ang ama at patuloy na inoobserbahan. “Daddy is still in critical condition and will be under strict observation for the next 48 hours,” nakasaad sa FB post. Dakong alas-6:00 kagabi nang isugod sa St. Dominic Hospital sa Bacoor City, Cavite ang dating Senador dahil nahirapang huminga at nanlupaypay. Matapos bigyan ng paunang gamot sa nasabing ospital ay inilipat ito…

Read More

MEGA QUARANTINE FACILITY SA CALABARZON, BINUKSAN NA

BINUKSAN na nitong nakaraang linggo ang mega quarantine facility ng Calabarzon sa Alonte Sports Arena, Biñan City, Laguna sa pangunguna ni Deputy Chief Implementer against COVID-19 Vince Dizon. Sa nasabing pasilidad dadalhin ang mga may mild na sintomas at mga asymptomatic na pasyente. Ayon kay Dizon, maituturing itong pinakamagandang quarantine facility sa bansa. Mayroon itong 68 cubicles na may middle section para makagalaw nang maayos ang mga health worker. Samantala, 18 bayan sa Laguna ang wala nang naitalang kaso ng COVID-19. Ayon sa pahayag ni Gov. Ramil Hernandez, ang mga…

Read More

SOCO SUMAKLOLO SA MGA MAY HIKA

KUNG sa mga insidente ng krimen, unang sumusugod ang Scene of the Crime Operatives (SOCO), sa panahon ng pandemia, ipinakita ng kanilang grupo na handa rin silang tumulong sa mga nangangailangan partikular sa mga may hika. Ayon kay Maj Oliver Detchitan ng SOCO-Imus at Team Leader, 10 nebulizer na nagkakahalaga ng mahigit P10K ang ibinigay ng kanilang grupo sa mga residenteng may hika sa Barangay Tirona sa Gen Mariano Alvarez (GMA), Cavite. Bahagi ng programa ng nasabing barangay sa pamumuno ni Brgy Chairman Dennis Ayala ang pagkakaroon ng nebulizer subalit…

Read More

4,000 EMPLEYADO NG KAPITOLYO NG LAGUNA, SUMAILALIM SA RAPID TEST

SUMAILALIM ang 4,000 kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa libreng rapid testing na isinagawa ng Laguna Provincial Health Office simula noong Mayo 21. Ang hakbangin ay upang masiguro ang kalusugan ng frontliners at maiwasan ang pagtaas ng bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan. Nagpaalala si Gov. Ramil Hernandez na paigtingin pa ang pag-iingat at pagtupad sa health protocols upang malabanan ang nakamamatay na virus. Samantala, umakyat na sa 1,538 ang kaso ng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 sa buong rehiyon ng Calabarzon matapos makapagtala ng panibagong…

Read More

KANDILA NG PAGPUPUGAY SA NAMAYAPANG ALKALDE

SININDIHAN ang 40,000 na kandila bilang pagpapakita ng pagdadalamhati at pagpupugay ng mamamayan ng bayan ng Bocaue sa Bulacan sa namayapang ina ng bayan na si Mayor Joni Villanueva-Tugna noong Biyernes ng gabi. Itinulos ang mga kandila sa itim na timba na pinaglagyan ng relief goods na ipinamahagi ni Mayor Joni noong kasagsagan ng lockdown dulot ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic. Mula sa Barangay ng Bunlo sa kahabaan ng Manila North Road o Mac Arthur Highway at sa mga provincial at barangay roads ng bawat sulok ng mga barangay ay…

Read More

TRABAHO PARA SA MILYONG PABALIK NA OFWs

AKO OFW

HANDA na ba ang ating bansa sa pagbabalik ng isang milyong overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sa ibang bansa? Nakababahala talaga ang report na ito ng Department of Labor and Employment  (DOLE) . Sa nakaraang House committee on overseas workers  affairs meeting ay ibinunyag ni DOLE–International Labor Affairs Bureau (ILAB) Chief Alice Visperas na aabot sa 1,005,031 ang bilang ng OFW na mawawalan ng trabaho. Ayon sa report ni Visperas, “The sea-based OFWs are 40 percent, while the other 60 percent are land-based. By the agency’s projection,…

Read More

TULUNGAN SA PAGBANGON TUNGO SA ‘NEW NORMAL’

Sa Ganang Akin

NGAYONG araw, matapos ang 78 na araw sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), ang ating lungsod ay isasailalim na sa general community quarantine o GCQ. Ito ay matapos pag-aralan at irekomenda ng iba’t-ibang mga alkalde sa Metro Manila sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Ibig sabihin nito ay pinahihintulutan na ng gobyerno ang pagbubukas ng mga negosyo upang buhaying muli ang ating ekonomiya. Lilimitahan na lang ang mahigpit na quarantine restrictions sa mga lugar o lungsod na madedeterminang mga delikado. Sa ilalim ng GCQ, pinahihintulutan ng…

Read More