NAKATAKDANG magsagawa ng Autosweep RFID installation sa mga sasakyan ang pamahalaang lungsod ng San Juan ngayong araw. Nagpalabas ng abiso ang pamunuan ng San Juan City government sa mga residente ng lungsod na magkakaroon ng Autosweep RFID installation sa San Juan City Hall ngayong araw, Disyembrea 15. Sa inilabas na public advisory ng San Juan City Government, 2,000 sasakyan ang target na makabitan ng Autosweep RFID stickers mula alas-7:00 ng umaga sa ‘first come first serve basis’ para magamit sa pagdaan sa SLEX, Skyway, NAIA at TPLEX. Paliwanag ng San…
Read MoreMonth: December 2020
TSUPER KALABOSO SA RAPE SA 2 ANAK
“WALANG makikinabang sa inyo kung hindi ako lang.” Ito umano ang sinasabi ng 54-anyos na tricycle driver habang ginugulpi ang 20-anyos na dalagang anak makaraang tumanggi na ang biktima sa umano’y paulit-ulit na panghahalay sa kanya ng sariling ama sa Malabon City. Bunsod nito, napilitan nang ipagtapat ng biktimang itinago sa pangalang “Lucy,” ang panghahalay ng kanyang ama na itinago niya sa matagal ding panahon sa takot na totohanin ng suspek ang banta na may mangyayaring masama sa kanila sa oras na magsumbong siya kaninuman. Kaagad na humingi ng tulong…
Read MoreINUMAN SA RESTO BAR, 1 PATAY
BATANGAS CITY-Napatay sa suntok ang isang lalaki matapos ipagtanggol ang kanyang girlfriend at mga kaibigan habang nagkakasayahan sa isang resto bar sa Lipa City, Sabado ng gabi. Kinilala ni Lipa City Police Station chief Lt. Col. Antonio Rotol Jr. ang biktima na si John Derreck Lucero. Base sa report, bandang alas-9:40 ng gabi ay nag-iinuman ang biktima kasama ang girlfriend na si Patricia at mga kaibigan sa Casa Carlo Resto Bar sa JP Laurel Highway, Brgy. Balintawak, Lipa City nang dumating ang hindi pa nakikilang suspek. Sa hindi pa malinaw…
Read More27 sabungero arestado TUPADA TALAMAK PA RIN SA CAVITE
CAVITE – Talamak pa rin ang tupada sa lalawigang ito, patunay ang 27 sabungero na dinampot ng mga awtoridad makaraang mahuli sa akto sa magkakahiwalay na lugar. Kabilang sa mga inaresto sina Nestor Jarin, Gerardo Jarin, Joebert Castillo, Marlon Castillo, Julieto Menil, Gilbert Andrade at Ryan Christoper Castillo, pawang mga residente ng Dasmariñas City; Jeffrey Agbon Tyson, Jovan Aveles Tori at Garry Velmares ng Kawit; Marlo Malabad; Oswaldo Tume, Antonio Villarosa, Ronni Masellones at Nolito Balbarin, pawang ng Bacoor City; Godofredo Navidad, Jeffrey Carpio, Fernando Papa, Jon-Jon Soverano at Manuel…
Read More4 REAL ESTATE SCAMMERS HULI SA NBI OPERATION
KINUMPIRMA ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na nadakip ng mga awtoridad ang apat na hinihinalang real estate scammers sa Cavite. Katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI), nahuli ng DHSUD ang mga kolorum na real estate broker/seller sa entrapment operation sa Barangay Sucat, Alfonso, Cavite. Kinilala ang mga ito na sina Joana Marie Cruzada at Joana Marie Viray mula sa Alfonso, Cavite; Felmarich Dagohoy ng Taguig City, at Jovannie Cruz ng Angat, Bulacan. Ayon sa DHSUD, ang mga suspek ay konektado sa pagbebenta ng properties sa…
Read MoreNPA OFFICIAL, 3 PA UTAS SA ENGKWENTRO
OCCIDENTAL Mindoro – Patay ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) at tatlong mga tauhan nito makaraang makasagupa ng mga tropa ng gobyerno sa bayan ng Rizal sa lalawigang ito, nitong Lunes ng umaga. Ayon sa ulat, nagkasagupa ang mga tauhan ng 203rd Brigade ng Philippine Army, at tinatayang 20 miyembro ng NPA sa Sitio Surong, Brgy. Aguas na tumagal ng 30 minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng apat na mga rebelde kabilang ang kanilang opisyal. Nakuha ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng…
Read More2,000 BAGONG CELL SITES TARGET NG GLOBE NA ITAYO SA 2021
IPAGPAPATULOY ng Globe ang agresibong network expansion nito kung saan target ng kompanya na magtayo ng record number ng bagong cell sites o towers sa mas maraming lungsod at bayan sa bansa sa susunod na taon. Para sa 2021, tinatarget ng Globe na magtayo ng pinakamalaking bilang ng cell towers sa kasaysayan ng kompanya sa patuloy na pagtaas ng demand para sa connectivity at mas malaking kapasidad sa nakalipas na mga buwan at inaasahang tataas pa ito sa susunod na taon. “We would like to thank the government for all…
Read MoreP183-M KUMPISKADONG SIGARILYO WINASAK NG BOC-PORT OF ZAMBOANGA
BILANG linya sa mandato ng Bureau ang pagpapalakas ng border protection para mapigilan ang pagpasok ng mga ilegal na kalakal, ay sinira ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Zamboanga ang 183 milyong pisong halaga ng smuggled cigarettes noong nakaraang Disyembre 7, 2020 sa isang warehouse sa Brgy. Baliwasan, Zamboanga City. Mahigit sa 5,200 master cases ng sigarilyo, ang nasabat sa magkakahiwalay na anti-smuggling operations simula noong Setyembre 2020 na winasak sa pamamagitan ng payloader equipment sa labas ng yarda, binasa ng tubig ng bumbero sa isang sanitary landfill sa Brgy.…
Read MorePara sa Intensified Border Protection BOC-PORT OF SUBIC TUMANGGAP NG PARANGAL
Tumanggap ng papuri mula sa JT International (JTI) Philippines, Inc., ang Bureau of Customs – Port of Subic para sa kanilang pinaigting na pagsisikap sa Border Protection na nagresulta ng pagkakasabat ng pekeng limang (5) shipments ng ibat-ibang ilegal at pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit kumulang sa 201 milyong piso para buwan lamang ng Setyembre 2020. Ang Port ay nakapagtala ng kabuuang P305,538, 075.50 na market value mula sa lahat ng kanilang nasabat at nakumpiskang ibat-ibang shipments mula Enero hanggang Nobyembre 2020. Ang JTI ay isang miyembro ng Japan…
Read More