AUTOSWEEP RFID INSTALLATION ISASAGAWA SA SAN JUAN

NAKATAKDANG magsagawa ng Autosweep RFID installation sa mga sasakyan ang pamahalaang lungsod ng San Juan ngayong araw.

Nagpalabas ng abiso ang pamunuan ng San Juan City government sa mga residente ng lungsod na magkakaroon ng Autosweep RFID installation sa San Juan City Hall ngayong araw, Disyembrea 15.

Sa inilabas na public advisory ng San Juan City Government, 2,000 sasakyan ang target na makabitan ng Autosweep RFID stickers mula alas-7:00 ng umaga sa ‘first come first serve basis’ para magamit sa pagdaan sa SLEX, Skyway, NAIA at TPLEX.

Paliwanag ng San Juna City government, bago pumila, tiyaking dala ang requirements katulad ng proof of residency, nasagutang form na mada-download mula sa website ng Autosweep at P200 eksaktong halaga na pambayad.

Pinaalalahanan naman ang mga magpapakabit ng Autosweep RFID stickers na driver lang ang pumunta at huwag nang magsama ng iba pa sa sasakyan. (KNOTS ALFORTE)

274

Related posts

Leave a Comment