Naglagay ng kani-kanilang ‘digital transformation programs sa tinatawag nilang ‘fast lane’ ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) ngayong taon kahit na nasa gitna ng Covid-19 pandemic ang bansa. Ito ay upang mapabuti pa ng husto ang tax administration ng gobyerno na magbibigay benepisyo sa mga taxpayers at makakalap ng koleksyon lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan. Sa magkahiwalay na ulat kay Finance Secretary Carlos Dominguez III sa isinagawang executive committee (Execom) meeting ng Department of Finance (DOF) kasama ang BIR at BOC, ngayong taon ay…
Read MoreMonth: December 2020
P13.19-M PUSLIT NA YOSI HULI SA PORT OF DAVAO
Aabot sa mahigit labing tatlong milyong piso (P13.19-M) ang halaga ng puslit na yosi ang nasabat ng Bureau of Customs Port of Davao sa kanilang subport na nasa Parang sa Cotabato City. Papasok sa bansa ang naturang shipment sakay ng isang motorized banca na may pangalang Al Shameem habang tinatahak ang Rio Grande river nang masakote ito ng pinagsamang pwersa ng Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS), Enforcement Security Service (ESS), Philippine Marines, Philippine National Police (PNP) at Philippne Coast Guard (PCG). Ang ilegal na kalakal ay kinabibilangan ng mga…
Read MoreFLAG sec-gen idiniin ang kawalan ng judicial experience SC ‘NADUDUNGISAN’ SA PANANATILI NI LEONEN
WALANG karapatan na manatili sa Korte Suprema (SC) si Associate Justice Mario Victor “Marvic” Leonen dahil wala umano itong karanasan sa korte bago ito itinalaga ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong 2012. Ito ang isa sa mga dahilan na tinukoy sa Verified Complaint for Impeachment na inihain ni FLAG Secretary-General Ed Cordevilla sa mababang kapulungan ng Kongreso noong nakaraang linggo. “To this day, the public is still perplexed how someone with no judicial experience whatsoever can be appointed to the highest Court in the land. Being an academician…
Read MoreWORLD CLASS INTERNET SERVICE MALABO SA PINAS
MALAYO pa sa pagiging world class ang internet service sa bansa. Ito’y dahil hindi sapat ang sinasabing improvement ng mga telco para makuntento na ang taumbayan sa serbisyong ibinibigay ng mga ito sa kanilang mga kliyente. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, hindi naman nila isinasantabi ang ginawang improvement ng mga higanteng kompanya ng telecom companies pero may hinahanap pa rin aniya ang publiko. Ang gusto aniya ng mga Pilipino ay maging world class ang serbisyo ng dalawang higanteng kumpanya at makasabay sa klase ng internet service ng ibang mga…
Read MorePosisyong deputy speaker ginawang pabuya – Banayo KAMARA NAGING ‘CHEAP’ KAY VELASCO
GINAWANG “cheap” ni House Speaker Lord Allan Velasco ang posisyong deputy speaker ng House of Representatives na singkong mamera na lang na maituturing nang gawin niya itong “pabuya” sa mga kaalyadong kongresista na sumuporta sa kanya sa nangyaring Speakership row kay dating Speaker Alan Peter Cayetano. Sa kanyang column sa pahayagang Manila Standard, sinabi ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Lito Banayo na sa ginawang pagdagdag pa ni Velasco ng 9 deputy speakers na umabot na sa kabuuang 28 ay malinaw na wala nang dignidad at self-respect ang…
Read MoreMANGGAGAWA HINDI PRAYORIDAD SA 2021 BUDGET
WALANG ligayang matitikman ang mga manggagawa sa P4.506 trilyong badyet ng pamahalaan para sa susunod na taon. Ayon kay Atty. Jose Sonny Matula, tagapangulo ng Nagkaisa Labor Coalition, ito ay malungkot na balita para sa mga manggagawa. Ani Matula, ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang nakakuha ng pinakababang badyet sa lahat ng mga departamento. Binigyan ng P15.58 bilyong badyet ang DOLE para sa susunod na taon, ang P11.14 bilyon mula rito ay nakalaan bilang pondo para sa programang kabuhayan at “emergency employment” ng mga manggagawang nawalan ng trabaho.…
Read MoreTRB ‘NATULOG SA PANSITAN’ -SOLON
“‘YUNG Toll Regulatory Board ay parang natulog sa pansitan.” Ito ang sinabi ni Senador Grace Poe kung kaya’t gigisingin nito ang TRB sa gagawing imbestigasyon sa desisyon na ipatupad ang cashless system sa mga pangunahing tollway na nagresulta sa mga gridlock at naiwan ang mga motorista na natigil sa kalsada nang maraming oras. Gaganapin ang pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Poe sa darating na Disyembre 17 para talakayin ang tatlong resolusyon na nananawagan na imbestigahan ang implementasyon ng contactless transaction sa pamamagitan ng radio frequency…
Read MoreKONGRESO NAGLAAN NG P2-B SA INTERNET SERVICES SA KANAYUNAN
INIHAYAG ni Senador Sonny Angara na inaasahan nang magkakaroon ng internet services sa malalayong lugar sa kanayunan matapos maglaan ang Kongreso ng P1.9 bilyon upang makumpleto ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang first phase ng National Broadband Program (NBP). Ayon kay Angara, nakapailalim sa P4.5 trilyong General Appropriations Bill na niratipikahan ng Kongreso nitong Miyerkoles na dinoble ang badyet ng DICT sa NBP mula sa dating P902.194 milyon sa National Expenditure Program tungo sa P1.9 bilyon. Bukod pa ito sa badyet sa implementasyon ng free Wifi sa…
Read MoreHanda na si Eumir sa unang laban bilang pro
MASUSUBOK na kung hanggang saan aabot si Filipino Olympic qualifier Eumir Marcial sa kanyang napiling propesyon at pangarap na maging pandaigdigang kampeon sa middleweight. Higit sa lahat, susubukan din ng 25-anyos na Zamboangueno kung may kapasidad siyang handugan ang Pilipinas ng kauna-unahang gintong medalya galing sa Olimpiyada. Haharapin ni Marcial, kasalukuyang nasa Amerika na tinatawag na lupain ng tamis at pulot-pukyutan, na napili niyang lugar para maghanda para sa Tokyo Games at sa laban kontra Andrew Whitfield sa LA Microsoft Theater sa Los Angeles. Apat na rounds ang paglalabanan ng…
Read More