NADAKIP ng mga operatiba ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group Local Field Unit, sa pangunguna ni P/Col. Villaflor S. Bannawagan, sa direct supervision ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, director ng PNP-AKG, ang isang homicide suspect sa Malate, Manila alas-8:45 ng gabi noong Biyernes, Disyembre 11. Kinilala ang suspek na si Marvin Sion y Aleligay alyas “Dodong,” suspek sa kasong pagpatay sa biktimang si Rene Estominos y Fig-Ao sa Brgy. Nasunogan, Dao, Capiz noong Marso 6, 2011. Ayon sa ulat ng PNP-AKG, ang suspek na itinuturing na no.9 most wanted…
Read MoreMonth: December 2020
3 TIMBOG SA BARIL AT P.2-M SHABU
NADAKIP ang tatlong drug personalities, kabilang ang isang babae, makaraang makumpiskahan ng baril at tinatayang P.2 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City. Kinilala ni Malabon police chief, Col. Angela Rejano ang arestadong mga suspek na sina Eyahn Galverio, 31; Rosylynjoy Luching, 21, at Edna Arevalo, 24, pawang residente ng Caloocan city. Ayon sa imbestigasyon ni P/SSgt. Kenneth Geronimo, dakong alas-6:00 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/SSgt. Julius Sembrero,…
Read MoreSENIORS NA CALOOCAN CITY HALL EMPLOYEES BINIGYAN NG ANTI-FLU VACCINE
NAGKALOOB ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ng libreng flu vaccine sa mga senior citizen na empleyado nito kamakailan. Layon ng programang ito nina Mayor Oca Malapitan at Cong. Along Malapitan na mas mabigyan ng proteksyong pangkalusugan habang naghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan ng Caloocan, ang mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod na nasa edad 60-anyos pataas. Nabatid sa City Health Department, mahigpit na ipinatutupad ang health and safety protocols at kada opisina ay isinasagawa ang pagbabakuna. Kaugnay nito, ininspeksyon ng mga kinatawan ng Department of Health (DOH) ang bagong molecular…
Read MoreNAGPADALA NG BASTOS NA MENSAHE SA ANAK, SINALUBONG NG SAKSAK
SUGATAN ang isang factory worker matapos na pagsasaksakin ng ama ng dalagang kanyang pinadadalhan ng malalaswang mensahe sa messaging app na messenger, noong Biyernes ng gabi sa Valenzuela City. Nilalapatan ng lunas sa Valenzuela Medical Center sa ang biktimang si Alexander Marcial, 40-anyos. Agad namang nadakip ng barangay officials ang suspek na si Rustan Chavez, 37-anyos, Ayon sa ulat na tinanggap ni Valenzuela City Police chief, P/Col. Fernando Ortega, nabasa ni Chavez ang malalaswang mensahe na ipinadadala ng biktima sa anak na dalaga ng suspek sa messenger. Bunsod nito, nagpanggap…
Read MoreTAGAPAMAYAPA NG BARANGAY, ITINUMBA
QUEZON – Natagpuang patay sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito ang isang miyembro ng Lupong Tagapamayapa ng isang barangay ng bayan ng Rosario sa Batangas noong Biyernes ng umaga. Ayon sa report ng Tiaong Police, dakonag alas-7:30 ng umaga nang madiskubreng nakabulagta sa damuhan sa Sitio Tabing Ilog, Brgy. Del Rosario ang biktimang si Robert Tobeo Cabillo, 57-anyos, miyembro ng Barangay Justice ng San Isidro, Rosario, Batangas. Batay sa pagsusuri ng SOCO, may dalawang tama ng bala ng kalibre .45 na baril sa ulo ang biktima na siya nitong…
Read MoreDINAGYANG FESTIVAL SA ILOILO KANSELADO
KANSELADO ang taunang fluvial at foot procession ng imahen ng Sto. Niño o Dinagyang Festival sa Iloilo City na idinaraos tuwing Enero. Mismong si Fr. Jose Gonzales, ang acting parish priest ng San Jose Parish, ang nagkumpirma nito sa press conference kasama ang Confradia del Sto. Nino de Cebu-Iloilo Chapter. Isasagawa na lamang ang isang motorcade imbes na fluvial at foot procession. Ang traditional procession ay kinansela dahil sa COVID-19 pandemic upang maiwasan ang pagsisiksikan ng mga tao. Iaanunsyo nila ang ruta ng motorcade saka maglalabas ng advisory kung sino-sino…
Read MoreAWOL NA PARAK, 2 PA DINAKMA SA DROGA
CAVITE – Nadakip ng mga awtoridad ang isang AWOL na pulis at dalawang kasabwat nito sa buy-bust operation, ilang kilometro lamang ang layo mula sa police station sa Imus City sa lalawigang ito. Kinilala ang arestadong mga suspek na sina P/SSgt. Eduardo del Mundo, dating pulis, nakatalaga sa Tagaytay City Police Station; Gerald Bayadog, 28, at Mark Anthony Ramilo, 35-anyos. Ayon sa ulat ni Corporal Wilfred Villanueva ng Imus City Police Station, dakong ala-9:25 ng gabi noong Biyernes, nagsagawa ng buy bust operation ang mga miyembro ng Station Drug Enforcement…
Read MoreBATANG BABAE, NALUNOD SA ILOG
QUEZON – Nalunod ang isang batang babae nang maligo sa ilog kasama ng mga kaibigan sa Tayabas City noong Biyernes ng umaga. Kinilala ng Tayabas City Police ang biktimang si Trixie Jane Lucia Maraig, 10-anyos, taga Barangay Wakas. Batay sa report ng pulisya, kasama ang mga kaibigan, napagkatuwaan ng mga ito na maligo sa ilog na sampung talampakan ang lalim. Nakita umano ng mga kaibigan na tumalon ang biktima at napunta sa malalim na bahagi ng ilog ngunit makalipas ang ilang minuto ay hindi na lumitaw. Nagsagawa agad ng rescue…
Read MoreNAGBENTA NG GAMOT NG GOV’T, 7 DINAMPOT
PITONG kababaihan ang binitbit ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Special Task Force (NBI-STF) dahil sa hindi awtorisadong pagbebenta ng gamot ng gobyerno para sa mahihirap na pasyente sa ilalim ng Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP). Kinilala ang mga suspek na sina Aliza Macalambos, Jen Tubongbanua, Ckaeita Selga, Maria Fe Nisnisan Quimno, Emilda Besmonte, Noehata Batua at Virginia Dela Cruz. Batay sa ulat na nakarating kay NBI Director Eric Distor, nag-ugat ang operasyon matapos na magpadala ng liham ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) para imbestigahan ang…
Read More