NAKASALALAY sa mga kamay ni House Speaker Lord Allan Velasco ang kinabukasan ng Impeachent complaint na isinampa laban kay Supreme Court Associate Justice Mario Victor “Marvic” Leonen. Ito ang pahayag ng isang beteranong mambabatas sa Kamara kaugnay ng inihaing Verified Complaint for Impeachment ni FLAG Secretary General Edwin Cordevilla laban kay Leonen noong Lunes. “Without Speakers’ support, hindi yan aarangkada,” pahayag ng mambabatas na hindi na nagpabanggit ng pangalan kapalit ng impormasyong ito, base aniya sa mga nakaraang impeachment case na nagtagumpay sa Kamara. Inihalimbawa nito ang impeachment case na…
Read MoreMonth: December 2020
Diskwalipikasyon ng Marikina solon matagal na pinatulog LEONEN SWAK SA QUIMBO QUO WARRANTO
NELSON S. BADILLA ANG protestang elektoral laban kay Marikina City Representative Stella Luz Quimbo ay maituturing na isa sa mga “malaking” isyu na maaaring maging batayan sa pagdududa sa kredibilidad ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen dahil kasapi ng Liberal Party (LP) ang inireklamong mambabatas. Ang malaking kahalagahan ng kaso ni Quimbo sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ay kasing halaga ng protestang elektoral ni dating Senador Ferdinand “Bongbong’ Marcos Jr. laban kay Bise Presidente Maria Leonor Robredo dahil ang huli ang kandidato ng LP sa pagkapangalawang pangulo…
Read MoreCARPIO NAGUGULUHAN SA BATAS-SALN – GADON
INAKUSAHAN ni Atty. Larry Gadon si retiradong Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na “naguguluhan” sa krimen sa pagsunod at pagpapatupad ng batas hinggil sa State of the Assets, Liabilities and Net worth (SALN). Ayon kay Gadon: “Justice Carpio is so confused. Integrity does not prescribe… because it is attached to the character of the person.” Banat ito ni Gadon sa pananaw ni Carpio na: “Even if we assume, for the sake of argument, that Justice [Marvic] Leonen failed to file his SALNs while he was teaching at the…
Read MoreMGA PROGRAMA NG DEPED PARA SA DE KALIDAD NA EDUKASYON, PINABUBUSISI
NAIS ni Senador Sonny Angara na busisisiin ng kaukulang kumite sa Senadoa ang mga programa, proyekto at polisiya ng Department of Education para sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon. Ayon kay Angara, layun ng kanyang Senate Resolution 590 na pag-aralan ang mga polisiyang dapat baguhin kasunod ng hindi kaaya-ayang resulta ng 2019 Southeast Asia Primary Learning Metrics. Target ng mga reporma na malunasan ang mga gap sa basic education system. Ipinaalala ni Angara na sa ilalim ng Enhanced Basic Education Act of 2013 o ang K to 12 Law binigyang-diin…
Read MorePAGHIMAY SA SANHI NG MATINDING PAGBAHA SA LUZON UMARANGKADA
INIHAYAG ni Senador Cynthia Villar na sinimulan nang himayin ng Senado ang sanhi ng malawakang pagbaha sa Luzon partikular sa Cagayan, Isabela at Marikina City sa pananalasa ng bagyong Ulysses noong nakaraang buwan. Kasabay nito, hiniling naman ni Senador Risa Hontiveros sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na imbestigahan ang land grabbing activities sa mga protected areas na dapat walang human activity. Ayon kay Villar, sinimulan ang virtual hearing upang imbestigahan ang malawakang pagbaha matapos dumaan ang ilang bagyo at kailangan makalikha ng batas sa proteksiyon at konserbasyon…
Read MoreRAKET NI MAMA GHALA AT JASMIN, DAGDAG KALBARYO SA MGA OFW (PART 2)
SA nakaraan kong kolum nitong Miyerkoles ay nabanggit ko ang Pinay na si Jasmin na kasabwat ni Mama Ghala sa kanyang illegal na gawain na maituturing na isang human trafficking. Si Jasmin ang isinusumbong ng mga nakauwi at mga nakatakas na OFW na siyang kanang kamay ni Mama Ghala. Ayon sa ilang mga impormante na nagpadala ng sulat sa akin, labas-masok sa loob ng opisina ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh itong si Jasmin. Diumano ay bukambibig nito na siya ay may kasamang mga kaibigan na pulis sa…
Read More29 NA DEPUTY SPEAKER PARA SA MAHINANG SPEAKER
MAYROONG “iskandalo” sa isang organisasyon kung naganap dito ang nakahihiyang desisyon, o aksyon, ng pinuno. Kung gustong maging lider ng isang miyembro ng organisasyon, kailangang patunayan niyang kaya niyang maging pinuno at mag-isip nang tama para sa samahan. Hindi iyong tulad ng ginawa ni Speaker Lord Allan Jay Velasco na naglagay ng 29 na deputy speakers dahil nagpapatunay na isang mahinang speaker ang nasabing kongresista ng Marinduque. Ang pananaw ng political analyst na si Mon Casiple sa desisyon ni Velasco ay mali ang ginawa ng speaker. Ayon kay Casiple, hindi…
Read MoreTNT Tropang Giga, bigong gumawa ng kasaysayan
SAYANG! May pagkakataon sana ang Talk ‘N Text Tropang Giga na maisulat ang kanilang pangalan sa kasaysayan ng basketbol hindi lamang dito sa PBA kundi maging sa buong mundo. Nang maputol ng Tropang Giga ang 2-0 kalamangan ng Gin Kings noong Game 2 ng kanilang pitong larong serye para sa kampeonato ng Philippine Cup, naisip ng marami, kabilang ang kolumnistang ito, magagawa nila ang dadalawang ulit pa lamang naganap na pagbangon mula sa 1-3 hukay. Dalawang koponan pa lamang ang nakagawa nito, una ang San Miguel Beer sa PBA at…
Read MoreLGUs pinakilos para i-ban ang videoke BIBIRIT PARUSAHAN
HINIKAYAT ng Department of Interior and Local Govt (DILG) ang Local Government Units (LGUs) na magpasa ng ordinansa na magbabawal muna sa pag- karaoke/videoke sa pampublikong lugar ngayong Holiday season. Ito’y upang makaiwas sa paglaganap ng COVID-19. Ayon kay DILG Usec Jonathan Malaya sa Laging handa public press briefing, ang parusa sa mga lalabag sa pagbi-videoke sa mga pampublikong lugar ang siyang magdedetermina sa parusang kakaharapin ng sinomang susuway sa ordinansa. Subalit, ang paglilinaw ng opisyal, tanging sa pampublikong lugar o maramihang pagbi-videoke ang ipinagbabawal at hindi sa loob ng…
Read More